JERRY OLEA
R-16 ang MTRCB rating ng crime-drama film na Karma, na showing na sa mga sinehan umpisa ngayong Hunyo 19, 2024, Miyerkules.
Tampok dito sina Rhen Escaño, Sid Lucero, Paolo Paraiso, Krista Miller, at Roi Vinzon.
Read: Sid Lucero shares non-conventional concept of karma

Kaya ba R-16 ang rating ng Karma ay dahil sa violence, o meron din itong sexy scenes?
“Meron ding sexy,” sambit ni Paolo sa premiere night ng Karma nitong Hunyo 18, Martes, sa SM North EDSA, Quezon City.
“Ito yung type na pelikula, kaya gustung-gusto ko ito… yung sex scenes, hindi siya yung hard sell.
“Parang kailangan sa story. May makikita kayo rito, may mga eksena, may mga babaeng nakahubad sa likod lang, na hindi naman incidental kasi part siya ng mundo, e.”
Read: OMB board member Paolo Paraiso, namroroblema sa piracy
PAOLO PARAISO WILLING TO STAR IN VIVAMAX FILM?
Naghubad ba siya sa Karma?
Umiling si Paolo, “Hindi. Hindi nila ako tinawag para maghubad. Naghihintay nga ako kay Boss Vic [del Rosario] na tawagan ako… kaya ko pa naman!”
Sa presscon ng pelikulang The Last Resort last year ay hindi naka-attend si Paolo dahil the next day ang kasal niya. May butt exposure si Paolo sa nasabing movie na ipinalabas sa defunct website ng Goblin Films.
Read: Pinoy Hubaderos 2023: Mga aktor na nagpakita at nagpasilip sa pelikula, pictorial, at social media
“Oo nga, oo nga, iyang The Last Resort. Enjoy nga ako dun, e. Enjoy pa ring gumawa ng ganun,” sambit ni Paolo.
Willing pa siya sa mga mapangahas na pelikula?
Mabilis na tugon ni Paolo, “Yeah, yeah. Yeah!”
Puwede siyang mag-Vivamax?
“Oo! Siyempre kasi, ano naman yun, e. Ngayon, yun yung genre na tinatangkilik ng mga tao,” saad ni Paolo.
“That’s how you tell stories. Tayo naman, di ba, ang trabaho natin, we tell stories.
“So, nagkataon lang na ang instrumento, may konting mga hubad.”
May mga limitasyon siya sa maseselang eksena?
“Siguro ngayon na kasal na ako, wala na! Ay! Wala na! Ha! Ha! Ha! Ha!” pagbibiro ni Paolo.
“Kami ni Sid, magkaibigan kami. Pag kailangan sa eksena, maghuhubad yan. I’m the same way.
“Kung kailangan ng istorya, ok lang… Sabi ko nga, kung puwet lang, puwet lang. Hindi kasi, ako honestly, pag nagdyu-joke ako sa mga kaibigan ko, pinapakita ko yung puwet ko.
“If you see my Instagram, mayroon akong running post na pag nasa beach ako, ibinababa ko, kita ang puwet ko. Kunyari umiihi ako.”
Read: Sid Lucero, tatlong beses nagpasilip ng frontal nudity sa Virgin Forest
Nasa cast din ng Karma sina Cris Villanueva, Leandro Baldemor, Mon Confiado, at Archi Adamos.
Malayung-malayo ang kuwento nito sa MMFF 1981 official entry na Karma, na pinagbidahan nina Vilma Santos at Ronaldo Valdez, sa direksiyon ni Danny Zialcita.
Nasa cast din ng nasabing movie sina Chanda Romero, Tommy Abuel, Bella Flores, Suzanne Gonzales, Vic Silayan, Augusto Victa, Dante Rivero, at Christopher de Leon.
GORGY RULA
Pag naghuhubo si Paolo Paraiso sa sexy scene sa pelikula, nagpaplaster siya?
“Oo. Kasi ano, ang pagpaplaster, respeto yan sa kapartner mo, e,” katuwiran ng guwapong aktor.
“Di ba? Hindi yun para sa akin. Kasi kung ako ang masusunod, kahit hindi na.
“Pero honestly, I think, akala ng mga tao, pag gumawa ka ng pelikulang sexy, maa-arouse ka sa partner mo.
“Kahit gaano kaganda yan, sa dami ng cameraman na tumatawa, at mga audio na tumatawa sa gilid mo, hindi ka maaapektuhan.
“I think, ha, I think. Based on experience. Kasi I did a sexy scene a few years ago, Asia Agcaoili yung ka-partner ko.
“During the shoot, sabi ko, ‘Ang sexy-sexy ni Asia pero hindi ako naa-arouse masyado.’ After ng shoot, na-arouse ako!
“During the shoot, hindi. Kasi may cameraman, may audio sa tabi ko, ganyan. Pero after the shoot, oo.
“So I think yan yung misconception ng mga tao. Akala nila, pag sexy actor, sexy film, na after nun, after ng take, magge-game na sila.
“Hindi! May level of professionalism. And siyempre bilang tao, mahihiya ka rin sa ibang mga tao. Ha! Ha! Ha! Ha!”
Read: OMB board member Paolo Paraiso, namroroblema sa piracy
NOEL FERRER
Sa istorya ng Karma, mga assassin sina Angel (Rhen Escaño), Rommel (Sid Lucero), Marcus (Paolo Paraiso), at Keana (Krista Miller). Ang lider nila ay si Chief o Ninong (Roi Vinzon).
“Para kaming pamilya na pinalaki ni Chief. So, para kaming magkakapatid pero assassins,” kuwento ni Paolo.
“Tulad ng pamilya, nag-aaway-away ang magkakapamilya. So, ito yung kuwento kung paano kinarma si Angel.
“Kung paano na-realize ni Angel yung karma sa buhay niya. Ako bilang Marcus, ako yung kuya nilang magkakapatid.”
Andaming barilan scenes sa movie, at in-enjoy iyon ni Paolo.
“Actually, pag tinatanong nga ako kung comfortable ako sa mga action film, sobra! Kasi kami ni Sid Lucero, teammates kami sa martial arts team,” lahad ni Paolo.
“So nagju-jujitsu kami, nagmu-muay thai kami, nagba-boxing kami. Itong movie na ito, kaya proud kami dito, gumawa si Direk Albert Langitan ng action pieces.
“Doon nag-revolve ang istorya. Mapapansin niyo sa pelikula, may lima o anim na hard action.”
Nahilig si Paolo sa pagbaril dahil sa FPJ’s Ang Probinsyano.
“Kasi naka-lock in kami for almost a year and a half. Naging hilig namin ang pagbabaril,” saad ni Paolo.
“Kasi part ng ano namin yun. I’m also an army reservist. So, part yun ng training namin.”
Magaling talaga siyang magpaputok ng baril?
Napahalakhak si Paolo, “Hindi lang baril! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Dumaan ako sa ilang sinehan ngayon at nagtanong kung kumusta ang Karma sa first day nito sa box office. Umiling lang ang takilyerang kausap ko.
