GORGY RULA
“Hahahaha!” ang unang sagot sa akin ni Paolo Contis nang kinulit ko pagkatapos naming napansin ang pag-unfollow niya kay Yen Santos sa Instagram.
Ilang beses kong tinanong kung wala na ba sila ng aktres.
Read: COUPLE NO MORE? Paolo Contis, Yen Santos unfollow each other on Instagram
Ang sabi lang niya, bakit daw ginagawang isyu itong pag-unfollow nila sa isa’t isa. Bakit daw pini-pick up agad.
Ang sabi naman ni Paolo tungkol sa kanyang pag-unfollow kay Yen, “Katulad nga ng sinabi ko, pam-promote na lang. Anything personal, wala na. Yun lang.”
Biniro ko si Paolo, na since wala naman siyang pina-follow sa Instagram ngayon, bakit hindi na niya ako i-follow?
Natawa ang aktor at pabiro rin akong sinagot na si Tom Rodriguez na lang daw kaya ang i-follow niya.
Dito, tinanong ko uli kung kumusta na ba talaga sila ni Yen, hindi na siya sumagot!
Read: Paolo Contis at Yen Santos, hiwalay na nga ba?

LOLIT SOLIS ON PAOLO-YEN RELATIONSHIP
May pinaghahandaang pelikulang gagawin si Paolo na sa pagkakaalam ko ay isinumite ang script nito sa Metro Manila Film Festival 2024.
Under MAVX Productions ito, pero huwag daw munang sabihin kung sino ang makakasama niya.
Sabi naman ng manager ni Paolo na si Manay Lolit Solis, gusto niya si Yen para kay Paolo.
Pero hindi raw niya alam kung ano na ba ang kinahinatnan ng relasyon nila. Hindi na raw niya ito tinatanong sa kanyang alaga.
“Sana, bigyan na siya ng show ng GMA-7. Para sa trabaho na siya mag-focus,” pakli ni Manay Lolit.
Read: Paolo Contis, nagbayad ng 300K para maging manager si Lolit
NOEL FERRER
Owwww, so doon din ba napunta ang lahat?
The challenge for Paolo is to prove to himself na may mananatili sa kanya at magtatagal. But he has to start with himself.
Sana.
JERRY OLEA
Mula noon pa ay tahimik na si Yen Santos kaugnay sa “friendship” nila ni Paolo Contis.
I-unfollow man nila ang isa’t isa sa Instagram, hindi matic na tinuldukan na nila ang kanilang “friendship.”
Anong malay natin, one of these days ay masilayan nating magkasama sa isang event sina Paolo at Yen.
Abangan mo iyan, Katchina Halili!
Read: Yen Santos "love yourself" shared post intrigues netizens
