JERRY OLEA
Sa mediacon ng pelikulang G! LU noong Abril 17, 2024 sa Kao Manila, Newport World Resorts, Pasay City, inamin sa akin ni David Licauco na dream niyang magkaroon ng Star Cinema movie.
Inaasam din niyang makasama sa pelikula ang idolo niyang si Kathryn Bernardo. OK lang kay David na maging support sa movie ni Kathryn, basta makatrabaho niya ito.
Read: David Licauco dreams of starring in a movie with Kathryn Bernardo
Sa grand mediacon naman ng BarDa movie na That Kind Of Love nitong Hunyo 20, 2024, 2024, Huwebes, sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City, inurirat ng katotong Janiz Navida ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza.
Sey ni Janiz, napansin niya na ang akting ni Barbie sa romcom ay similar kay Kathryn. Saan mas nape-pressure si Barbie — being compared kay Kathryn, o iyong lagi siyang tinatanong at parang pine-pressure sila ni David na maging sila?
Hinay-hinay na tugon ni Barbie, “Actually, nakoh… hindi ko alam kung papaano ko po sasagutin yan.
“Kasi aaminin ko, isa rin po si Miss Kathryn Bernardo sa mga taong nilu-look up ko sa showbiz.
“She really handles her career and personal life really, really well. And that is why there’s no doubt kaya maraming brands ang naa-attract niya.
“Dahil ganun niya talaga dalhin ang sarili niya. And so to be acknowledged or to be noticed na kahit papaano ay parehas, is siyempre a very big honor for me.
“And sana, sana magkatrabaho kaming dalawa dahil isa rin siya talaga sa mga gusto kong makatrabaho, at isa sa mga ina-admire kong actors of our generation.”
BARDA VS KATHNIEL
Dapat bang ikumpara ang tambalang BarDa nina Barbie at David sa KathNiel tandem nina Kathryn at Daniel Padilla?
Labing-isang taong magkarelasyon ang KathNiel at maraming proyektong pinagsamahan bago kinumpirma ang breakup sa Instagram noong Nobyembre 30, 2023.
First movie pa lang ng BarDa ang That Kind Of Love, na idinirek ni Catherine “CC” Camarillo.
Dalawang Kapuso primetime series pa lang ang pinagtambalan nila, iyong Maria Clara at Ibarra at Maging Sino Ka Man.
Iyong ikatlong series ng kanilang tambalan ay ang Pulang Araw na mag-uumpisang mag-streaming sa Hulyo 26 sa Netflix, at eere sa GMA primetime simula Hulyo 29.
Pitong taon nang boyfriend ni Barbie si Jak Roberto. Bali-balita ring may girlfriend si David.
At any rate, ang premiere night ng That Kind of Love ay sa Hulyo 4 sa SM Megamall. Showing ito sa mga sinehan umpisa Hulyo 10.
Read: David Licauco addresses fans who want him and Barbie Forteza to become a couple

GORGY RULA
Maingat si Barbie Forteza sa pagsagot sa pagkukumpara sa kanila ni Kathryn Bernardo dahil baka hindi maganda ang dating nito sa fans ni Kathryn, at mapagbintangan pang nanggagamit sila para sa kanilang pelikula.
Bukod pa riyan, hindi dapat pagkumparahin ang akting ng dalawa, magkaiba talaga sila.
Curious lang ako bakit sa Seoul, South Korea na naman nag-shooting si Direk CC, pagkatapos ng Chances Are You And I. May collaboration din kaya ito sa ilang production company sa South Korea?
Medyo mataas ang expectations ko sa pelikulang ito, pagkatapos sumemplang ang unang ginawa nilang pelikula na Chances Are, You and I starring Kelvin Miranda and Kira Balinger.
Sana, makabawi naman sila rito.
NOEL FERRER
Hindi pinapaasa ng BarDa na magiging sila sa totoong buhay, pero ang lakas pa rin ng chemistry nila.
What kind of love ba meron sina Barbie Forteza at David Licauco para sa isa’t isa?
Read: Barbie Forteza, sawa nang sagutin kung nagseselos si Jak Roberto sa love team nila ni David Licauco
Pahayag ni Barbie, “The kind of love that I have for David is… ano siya, hindi agad-agad.
“Pero nung na-reach na namin yung level ng friendship na kailangan namin to make the partnership work, the love I have for David is more like…
“Feeling ko, mas nagiging ano ako, e, taga-guide, ganyan. Yung taga-support… na-experience ko yun nung nag-Canada kami, nag-Sparkle tour kami sa Canada.
“Na parang I really went out of my way to support him onstage as we all know na medyo mahiyain ang ating ginoo.
“So yun, I think it’s more of that. It’s more of showing my support sa kanya sa abot ng makakaya ko pag magkasama kami.
“Para mas mag-work yung loveteam namin.”
DAVID RECIPROCATES BARBIE'S SUPPORT
Sabi naman ni David, nire-reciprocate lang niya iyong support na ibinibigay ni Barbie sa kanya.
Lahad ng Pambansang Ginoo, “Hindi naman niya kailangan talagang suportahan ako but she still does. I super appreciate that.
“And ayun, think about it… like sabihin natin, 20 years from now, like my name is actually attached to Barbie.
“If you search Barbie Forteza, lalabas David Licauco, di ba? Sa Google-related search.”
Singit ni Barbie, “Sini-search mo ba ako?”
“Secret,” sey ni David.
“So yun, I really value Barbie as a friend and as a co-worker.”
Read: Barbie Forteza denies "carrying" loveteam with David Licauco
