PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MTRCB, nagsagawa ng Responsableng Panonood summit

"Naniniwala kami na nasa puso ng Responsableng Panonood ang pamilyang Pilipino.”
by PEP Troika
Published Jun 27, 2024
mtrcb responsableng panonood summit
Chair Lala Sotto-Antonio (holding a plaque) and MTRCB board members and staff with veteran broadcast journalist Korina Sanchez (in orange) at the MTRCB Responsableng Panonood Family and Media Summit on June 27, 2024.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Idinaos ngayong Hunyo 27, 2024, Huwebes, ang Responsableng Panonood Family and Media Summit ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para hikayatin ang mga pamilya na maging mapanuri sa paggamit ng media.

Read: To abolish or to retain: Is MTRCB censorship still relevant in the digital age?

Ang summit na ginanap sa Quezon City ay dinaluhan ng mga kilalang personalidad, kabilang sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, mamamahayag na si Ms. Korina Sanchez-Roxas, DepEd Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, Safe Schools Chairperson Dr. Arlene Escalante, at mga kinatawan mula sa National Council for Children's Television (NCCT) na pinamumunuan ni Chairperson Dr. Luis Gatmaitan.

Kasama rin sa seminar si Presidential Communications Office Director III-STRATCOM Sheryll Mundo.

CHAIR LALA SOTTO-ANTONIO

Pahayag ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa kanyang pambungad na pananalita, “Sa panahon ngayon, napakabilis ang pagbabago ng media landscape.

“Bilang chair ng MTRCB at, higit sa lahat, bilang isang ina, nauunawaan ko ang mga hamon na kaakibat ng paggabay sa ating mga anak sa digital na panahon…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mahalaga na mabigyan natin ang mga magulang at mga tagapag-alaga ng mga nararapat na mga kagamitan at kaalaman upang magabayan ang kabataan sa responsableng paggamit ng media.”

Read: MTRCB Chair Lala Sotto denies conflict of interest; ignores calls to resign

MAYOR JOY BELMONTE

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy na ngayon higit kailanman, kinakailangang makasunod ang mga matatanda sa digital na panahon.

Sabi ni Mayor Joy, “Isang malaking hakbang ang talakayan natin dito. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kaalaman sa mga matatanda, binibigyan natin sila ng kakayahang maging mas mapanuri sa kanilang napapanood at naipapakita sa kanilang mga anak.”

KORINA SANCHEZ

Ipinagdiinan ni Korina ang kahalagahan ng pagmo-moderate at pamamahala ng nilalaman.

Pahayag ni Ate Korina, “Mahalaga na magkaroon ng balanse sa pagitan ng screen time at mga pisikal na aktibidad. Ang uri at kalidad ng nilalaman na pinapanood ng ating mga anak ay may malaking epekto sa kanilang murang kaisipan…

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Magtrabaho tayo tungo sa isang balanse at enriching environment kung saan maaaring umunlad ang mga bata sa parehong online at offline.”

RESPONSABLENG PANONOOD

Ayon kay Chair Lala, dito pumapasok ang Responsableng Panonood campaign.

"Naniniwala kami sa MTRCB na nasa puso ng Responsableng Panonood ang pamilyang Pilipino,” sambit ni Chair Lala.

“Bilang pangunahing yunit ng lipunan, sa tahanan unang natututo ang mga bata tungkol sa mundong kanilang ginagalawan. Kung ano ang kanilang nakikita sa telebisyon, online, at sa iba pang anyo ng media ay may iba't ibang epekto ito sa kanila.

“Kaya naman, mahalaga na tayo, bilang mga magulang at tagapag-alaga, ay aktibong ginagampanan ang ating tungkulin sa paggabay sa mga bata sa wastong paggamit ng media.”

Read: MTRCB Chairperson Lala Sotto asked about 'It’s Showtime' and 'E.A.T.' issues at Senate budget hearing

mtrcb responsableng panonood seminar
MTRCB conducts Responsableng Panonood Family and Media Summit on Jue 27, 2024.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Tinalakay naman ni Dr. Gatmaitan ang mga pagsusumikap ng NCCT na itaguyod ang isang child-friendly TV landscape sa bansa.

Ang Responsableng Panonood campaign, na inilunsad ng MTRCB noong 2023, ay binibigyang-diin ang mahalagang papel ng mga pamilyang Pilipino sa paghubog ng mga kaugalian sa paggamit ng media at naglalayong magbigay ng mga kagamitan sa mga magulang at tagapag-alaga upang matulungan ang mga bata na pamahalaan ang oras sa screen at pumili ng may kalidad na nilalaman.

Ang family and media summit ay nagtampok ng mga eksperto na nagbahagi ng mga pananaw at estratehiya para sa pagtataguyod ng kapaki-pakinabang at angkop na panoorin para sa mga bata.

NOEL FERRER

Nag-conduct ang MTRCB ng “Psychological First Aid Training for MTRCB Board Members and Staff” training noong Hunyo 21, Biyernes, sa B Hotel, Quezon City.

Spearheaded by the MTRCB Health and Wellness Committee headed by season psychologist Dr. Lilian “Ali” Ng-Gui, MTRCB employees engaged and participated in the training that was facilitated by Mr. Christian Ranche, a registered psychometrician and Licensed Professional Teacher.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The practical training conducted emphasized the importance of psychological first aid and crisis intervention for people experiencing emotional distress or crisis. The conduct of the activity reflected the commitment of the Agency to promoting mental health awareness and the importance of creating a safe space for its members and employees that fosters a holistic, supportive, and inclusive work environment.

Siyangapala, apat na pelikula ang nag-open sa local cinemas kahapon, Hunyo 26, Miyerkules.

Ang mga ito ay ang A Thousand Forests, A Quiet Place: Day One, Tarot, at ang exclusive sa SM cinemas na My Boo.

Ang Horizon: An American Saga - Part 1 ay bukas, Biyernes, Hunyo 28, pa ang opening day.

Iyong Marupok AF ay dapat noong Hunyo 19 pa nag-showing exclusively sa Ayala Malls cinemas.

Aprubado na ito ng MTRCB with R-18 rating. Nang maging opening film ito sa 19th Cinemalaya filmfest last year ay nakalagay sa souvenir program na R-16 ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabalitaan ng PEP Troika na kung pinalitan ang title nito ay R-16 sana ang rating ng dark comedy starring Maris Racal, Royce Cabrera and EJ Jallorina, sa direksyon ni Quark Henares.

“Kapag binago ang title ng Marupok AF, bagong DCP, panibagong mastering ng pelikula and all. Gastos ulit.

“Ito ba ang tulong ng MTRCB sa naghihikahos na industriya ng pelikulang Filipino?” hinaing ng source ng PEP Troika.

Read: Marupok AF ni Maris Racal, urong-sulong ang playdate

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chair Lala Sotto-Antonio (holding a plaque) and MTRCB board members and staff with veteran broadcast journalist Korina Sanchez (in orange) at the MTRCB Responsableng Panonood Family and Media Summit on June 27, 2024.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results