GORGY RULA:
Dalawang linggo na lamang at ga-graduate na si Juliana Torres Gomez sa UP Diliman, Quezon City.
Proud siyempre ang ama niyang si Congressman Richard Gomez na nakatsikahan namin nitong Hunyo 28, 2024, Biyernes ng gabi matapos ang Parade of Lights sa Ormoc City.

“I’m happy na graduate na si Juliana, and nag-enroll siya sa Master’s course niya,” lahad ni Cong. Goma.
“Dun pa rin sa UP, mag-Master siya sa Public Administration. Dalawang taon.
“And I’m very happy na she’s graduating cum laude.”
Kanino nagmana si Juliana?
Napangiti si Cong. Goma, “Kanino pa magmamana siyempre? Ang talino, nakukuha sa… nanay! Ha! Ha! Ha! Ha!”
WILL JULIANA FOLLOW IN HER PARENTS FOOSTEPS AS PUBLIC SERVANTS?
Parehong public servant sina Cong. Goma at Ormoc City Mayor Lucy Torres Gomez. Papasukin din ba ni Juliana ang paglilingkod sa bayan?
“Siguro. Hindi naman namin sinabi sa kanya na, ‘Maghanda ka.’ Pero she really wanted Public Administration,” sambit ni Cong. Goma.
“Siguro iyon ang nakikita niya sa amin. Nung time na congresswoman si Lucy, ako naman ang mayor. Ngayon, ako naman ang congressman, si Lucy naman ang mayor.
“Siguro, yun ang naging inspiration niya.”
May mga sign ba na susunod si Juliana sa mga yapak nila?
“E, magaling si Juliana sa tao, e. Iyon ang nakikita ko sa kanya. Tapos, marunong mag-public speaking yun, yung bata,” tugon ni Cong. Goma.
READ:
Juliana Gomez graduates from high school
Are Richard Gomez, Lucy Torres prepared for possibility of daughter Juliana going solo?
JERRY OLEA:
Pagka-graduate ni Juliana ng kolehiyo, diretso aral ba siya para sa masteral degree? O pahinga muna?
“Diretso siya,” tugon agad ni Cong. Goma.

So, hindi totoo iyung bali-balita na posibleng maging co-host si Juliana sa bagong TV programa ni Willie Revillame sa TV5 na Wil to Win?
READ:
Richard Gomez reminisces as daughter Juliana turns 23
Juliana Gomez wins gold in Indonesia fencing tilt
RICHARD REVEALS WILLIE WANTS JULIANA TO CO-HOST WIL TO WIN
Pagtatapat ni Cong. Goma, “Gusto ni Willie. Hindi ko sinabi kay Juliana na, ‘Huwag.’ Hindi ko sinabi sa kanya na, ‘Sige.’
“Sabi ko, ‘Meet with them and talk to them. Then, kung type mo at magustuhan mo…’
“It’s really up to her to decide kung ano yung gusto niya.”
Sabi rin ni Mayor Lucy, hinahayaan niya si Juliana kung ano ang gusto nitong gawin, at pinagkakatiwalaan niya ito.
Dagdag ni Cong. Goma, “Tumawag si Willie sa akin. Tapos sabi ko, ‘Willie, sino ang contact person mo?’
“Tapos yun, nag-meeting sila. So sabi ko, ‘It’s really up to you to decide. Ikaw ang bahala kung ano ang gusto mong gawin.’”
Ano sa tingin niya?
“Kung gusto niya, kaya niya yun, e.”
Hindi pa tinanggap ni Juliana?
“Wala pang sinasabi sa akin.”
Hindi pa tinatanggihan?
“At hindi ko pa rin tinatanong.”
Ang talent fee ba, itatanong pa niya?
Giit niya, “Hindi nga. Sabi ko, ‘Bahala na kayong mag-usap kung ano ang mangyari sa inyo!’”
Matutunghayan ang Wil to Win umpisa Hulyo 15, Lunes ng 5:00-6:30 pm sa TV5. Magiging available din ito sa BuKo Channel at Sari Sari Channel, at may catch-up sa RPTV at One PH.
Kabilang sa Wil Girls sina Cindy Miranda, Kim Molina, Christine Bermas, Ira Patricia, Ana Ramsey, Inday Fatima, Gab Basiano, at Roberta Tamondong.
READ:
Juliana Gomez, kasama sa Win Girls ni Willie Revillame?
NOEL FERRER:
Ang graduation ay para sa mga magulang talaga. Isang malaking karangalan na mag-graduate si Juliana sa kanyang undergrad degree sa UP mismo. Tapos, bemedalled athlete pa.
Congratulations, Juliana! Tama iyun, derecho Masters na! At sumunod na sa yapak ng mga magulang niya kaya Public Administration na!
Ang maganda kay Juliana, she’s got a good head and heart, at busog sa pagmamahal sa kanyang mga magulang kaya anuman ang gagawin niya, she is always coming from a good and loving place.
All the best, Juliana! Support kami sa iyo at sa pamilya mo all the way!
READ:
Richard Gomez proud of daughter Juliana's victory at Thai fencing tilt
Kumusta ang pagtatrabaho ni Juliana Gomez bilang political officer ni Cong. Richard Gomez?
