PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Widows' War, kumusta ang rating ng pilot episode?

Widows' War, inaasahang mas tataas pa ang rating sa susunod na episodes.
by PEP Troika
Published Jul 2, 2024
bea alonzo carla abellana widows war
GMA-7's newest primetime series Widows' War, starring Carla Abellana (left) and Bea Alonzo (right), premiered on July 1, 2024. How did it fare in the ratings game?
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Masaya ang mga taga-Widows' War sa magandang rating ng pilot episode nito noong Lunes, Hulyo 1, 2024.

Nakapagtala ito ng 8.9% combined ratings mula sa GMA-7, GTV, at Pinoy Hits.

Read: Unraveling main cast of GMA-7 prime-time series Widows' War

Ang katapat nitong Pamilya Sagrado ay naka-6.7% sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel. Ang High Street naman ay naka-3.7%.

Pagkatapos ng Widows' War ay sumunod ang Asawa ng Asawa Ko na naka-6.7%, at ang Zoomers ay 1.9%.

Sumunod ang Saksi na naka-3%, at ang Frontline Tonight ay 0.6%.

WIDOWS' WAR JOINS THE RATINGS GAME

Inaasahan ng mga taga-Widows' War na mas tataas pa ang rating nito dahil mas matindi na ang mapapanood na susunod na episodes.

Para sa akin, ang inaasahan kong pilot episode ng Widows' War ay mahigit pa roon.

Kung ibabase sa trailer nila, parang kaabang-abang dahil sa napaka-intense ng drama nina Bea Alonzo at Carla Abellana, kaya malaki ang posibilidad na tumaas pa ito sa mga susunod na matitinding episodes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinalitan ng Widows' War ang My Guardin Alien na laging double digit ang ratings, pero medyo bumaba sa bandang huli.

Itong Widows' War ay mukhang mas matindi ang takbo ng kuwento habang tumatagal.

widows war
Photo/s: GMA Network

NOEL FERRER

Sa hapon ay nananatiling mataas ang ratings ng mga afternoon drama ng GMA-7, lalo na ang Abot-Kamay Na Pangarap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simulan muna natin sa It’s Showtime na naka-7.7% noong Lunes, at ang Eat Bulaga! ay 3.5%.

Ang Abot-Kamay Na Pangarap ay 9.1%, at ang rerun ng Dirty Linen ay 0.5%.

Sumunod ang Lilet Matias: Attorney-At-Law na 8.6%, at ang replay ng Mars Ravelo’s Darna ay 0.5%.

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 5.1%, at ang sumunod na Voltes V Legacy ay 4.1%.

Ang Eclipse of the Heart ay 2.6%, at ang TVP Express ay 0.7%.

Mga beauty queen na pinangunahan ni Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo ang naglaro sa Family Feud, at naka-8.1% ang episode na iyon.

Nagsimula na rin ang Goin’ Bulilit na naka-1.1% sa ALLTV at Kapamilya Channel.

Bukod sa Goin’ Bulilit ay katapat din ng Family Feud ang Mga Kuwento ni Marc Logan at ang Budol Alert.

Pero sa pagsisimula ng Wil to Win sa July 15, papalitan na nito ang Mga Kuwento ni Marc Logan at ang Budol Alert.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Goin’ Bulilit na lang ang maiiwan.

Read: Family Feud, tatapatan ang malaking papremyo ng Wil To Win

JERRY OLEA

Ang finale ng My Guardian Alien ay naka-10.7% noong Biyernes, Hunyo 28, kumpara sa 7.5% ng Pamilya Sagrado.

my guardian alien
Photo/s: GMA Network

Ang pumalit sa My Guardian Alien ay ang Widows' War na naka-8.9% sa pilot episode noong Lunes, Hulyo 1. Naka-6.7% ang katapat na Pamilya Sagrado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ang paghahari ng FPJ’s Batang Quiapo na naka-14.4% noong Lunes, Hunyo 1. Ang katapat na Black Rider ay naka-12.3%.

Samantala, may bagong regional promo ang GMA Network, ang Kapuso Cashsiyahan Panalo!

Hulyo 6 hanggang Agosto 16, 2024 ang promo na ito para sa televiewers sa Dagupan sa Pangasinan, Naga sa Camarines Sur, Cebu, at Cagayan de Oro sa Misamis Oriental.

Participants have a chance to win daily prizes worth P500, weekly prizes of P2,000, and the grand prize of P10,000 per area.

For sure, makakatulong sa TV ratings ng Kapuso shows itong Kapuso Cashsiyahan Panalo!

cashsiyahan
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7's newest primetime series Widows' War, starring Carla Abellana (left) and Bea Alonzo (right), premiered on July 1, 2024. How did it fare in the ratings game?
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results