PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lorna Tolentino, kinumpirmang buntis ang bagong manugang

Lorna Tolentino, excited na sa pagdating ng kanyang first grandson.
by PEP Troika
Published Jul 3, 2024
lorna tolentino jef gaitan renz fernandez wedding
Lorna Tolentino (right) is excited for the arrival of his first grandson from son Renz Fernandez (center) and his wife Jef Gaitan (left). Jef is now seven months pregnant.
PHOTO/S: Nice Print Photography

GORGY RULA

Simple at tahimik lang ang ginanap na kasal nina Renz Fernandez at Jef Gaitan sa Las Casas Filipinas de Acuzar, sa may Quezon City, noong Hunyo 25, 2024.

Read: Renz Fernandez and Jef Gaitan are now married

Sa mga naglabasang pictures ng bagong kasal, halata na kay Jeff na nagdadalantao siya.

Nakumpirma namin sa ina ni Renz na si Lorna Tolentino na seven months na ang ipinagbubuntis ng kanyang manugang.

jef gaitan renz fernandez wedding
Jef Gaitan and Renz Fernandez during their wedding
Photo/s: Nice Print Photography
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LORNA TOLENTINO'S FIRST GRANDSON

Sobrang excited ang premyadong aktres dahil magkakaroon na siya ng baby boy na apo.

Nakadalawang apo na si Lorna sa kanyang panganay na anak na si Rap Fernandez, at parehong girl ito.

Ngayon, sa kanyang bunsong anak na si Renz ay magkakaroon na siya ng lalaking apo.

Dahil seven months na ang ipinagbubuntis ni Jef, ibig sabihin nito ay bandang buwan ng September ang due nito.

“Yes! Virgo family sila,” pagkumpirma sa akin ni Lorna.

May naisip na raw silang ipapangalan sa magiging baby boy nina Renz at Jef—Rodolfo Victor.

Obviously, galing sa namayapang mister ni Lorna na si Rudy Fernandez ang Rodolfo, at ang Victor ay kinuha naman sa pangalan ni LT na Victoria.

“Yes. Sa side lahat ni Renz [laughing emoji],” text sa akin ni Lorna sa tanong ko kung saan kinuha ang pangalan ng baby.

Read: Lorna Tolentino, nalungkot sa paglilipat ng mga gamit ng yumaong asawang si Rudy Fernandez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 2013 pa nagkakilala sina Renz at Jef, pero isang taon pa lang ang kanilang relasyon nang mag-decide silang magpakasal.

Congratulations sa bagong kasal at soon-to-be dad and mom na sina Renz at Jef!

NOEL FERRER

Hindi na tayo nagulat sa pagpapakasal nina Renz at Jef, at masaya tayo sa balitang isang happy family sila na may baby na paparating.

Mas balita para sa atin ang pagkasama nina LT at Senator Lito Lapid sa kasal na parang isang family picture with the newlyweds.

Hindi na tayo magtatanong pa. Basta in the end, love wins!

lorna lito renz jef wedding
Newlyweds Renz Fernandez and Jef Gaitan with his mother Lorna Tolentino and Senator Lito Lapid.
Photo/s: Nice Print Photography
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Sa kanilang pamilya, meron nang magtutuloy ng apelyidong Fernandez. Kaya good news ito para sa third time lola na si Lorna.

Maliban sa pag-aalaga sa mga apo, andiyan pa rin si Lorna bilang artista sa toprating FPJ’s Batang Quiapo, kung saan nabuo ang PriManda tandem nila ni Lito Lapid.

Katuwang din si Lorna ng kaibigan niyang si Sylvia Sanchez sa pagbili at pag-distribute ng foreign films, at eventually ay pagpoprodyus ng pelikula o serye.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lorna Tolentino (right) is excited for the arrival of his first grandson from son Renz Fernandez (center) and his wife Jef Gaitan (left). Jef is now seven months pregnant.
PHOTO/S: Nice Print Photography
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results