PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Role ni Gladys Reyes sa AKNP, inspired kay Alice Guo?

Widows' War, pataas nang pataas ang rating.
by PEP Troika
Published Jul 4, 2024
gladys reyes pinky amador abot-kamay na pangarap
Gladys Reyes (left) joins the cast of top-rating Kapuso afternoon drama Abot-Kamay Na Pangarap; Pinky Amador (right), who played Moira, returns to the soap as a new character.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Pawang “hahaha!” ang palitan ng text namin ni Gladys Reyes nang kinantiyawan ko siya sa role na ginagampanan niya sa Abot-Kamay Na Pangarap.

May guest appearance ang aktres sa naturang afternoon drama ng GMA-7, pero sa tingin ko, magtatagal pa siya dahil malaki rin ang role niya.

Read: Gladys Reyes, nag-hula hoop sa London tourist spots

Gumaganap si Gladys bilang si Nushi G, ang half-sister ni Moira (Pinky Amador) na namatay na sa kuwento.

Pagkatapos mamatay ni Moira ay lumabas ang karakter ni Pilar Pilapil bilang Madam Chantal, na nanay pala ni Moira. Anak niya si Nushi G (Gladys Reyes) sa isang mayamang Chinese businessman.

Magaling sa wushu si Nushi G. Nag-training pa si Gladys ng naturang martial arts para tama ang moves at position niya.

GLADYS REYES'S CHARACTER INSPIRED BY ALICE GUO?

Natawa si Gladys nang tinanong ko kung lumaki ba sa farm ang karakter niya sa Abot-Kamay Ang Pangarap (AKNP) kaya ngayon lang ito lumabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parang sinakyan kasi ng AKNP ang kasikatan ng kontrobersiyal na mayor ng Bamban, Tarlac, na si Alice Guo kaya inilabas nila ang half-Chinese character na ginampanan ni Gladys.

“Basta may twist ang character ko diyan, kuya,” text uli ni Gladys.

Basta makikita raw sa seryeng ito ang wagas na pagkakontrabida niya.

Madalas na kasama ni Gladys sa mga eksena si Mark Herras, na gumaganap namang tauhan niya.

gladys reyes mark herras abot-kamay na pangarap
Gladys Reyes and Mark Herras are the new cast members of Abot-Kamay Na Pangarap.
Photo/s: GMA Network
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa takbo ng mga pangyayari, mukhang mahaba-haba pa ang tatakbuhin nitong Abot-Kamay Na Pangarap, kahit may ilang nagrereklamong nagsasawa na raw sila sa kuwento.

Nanganak na kasi nang nanganak ang mga bagong karakter na ang iba ay talagang nagpapahirap kay Dra. Annalyn na si Jillian Ward.

At ang latest, nagbabalik si Pinky Amador—hindi bilang Moira kundi bilang Morgana Go!

Ipinakilala siya ni Madam Chantal bilang anak din nito.

pinky amador as morgana go
Pinky Amador returns to Abot-Kamay Na Pangarap as Morgana Go.
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CONSISTENT TOPRATER

Pero kahit may ilang bashing na silang natatanggap, patuloy pa ring pinapanood ang Abot-Kamay Na Pangarap.

Consistent pa ring mataas ang rating nito at ito pa rin ang nangungunang afternoon drama ng GMA-7.

Noong nakaraang Lunes, July 1, 2024, ay naka-9.1% ito.

Nung Martes, July 2, naman ay 8.9%, at umakyat sa 10% noong Miyerkules, July 3.

JERRY OLEA

Mataas pa rin talaga ang ratings ng afternoon slot ng GMA-7.

Pinu-promote na nila ngayon ang bagong aabangan sa panghapon, kung saan simula pa lang ng Abot-Kamay Na Pangarap ay may pa-game na ang Family Feud, at malalaman na agad ang mananalo pagdating ng naturang game show ni Dingdong Dantes.

Read: Family Feud, tatapatan ang malaking papremyo ng Wil To Win

JULY 2 & 3 RATINGS

Narito ang ratings ng ilang programa sa panghapon simula nung Martes, July 2:

It’s Showtime, 7.5% vs. Eat Bulaga!, 4%

Lilet Matias: Attorney-At-Law, 9.1%; Fast Talk With Boy Abunda, 5.7%; Voltes V: Legacy, 4.3%; Eclipse to the Heart, 3.1%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumaas din ang Family Feud na naka-9.7%.

Tatlong programa sa TV5 ang katapat nito — Mga Kuwento ni Marc Logan na naka-1%, BUdol Alert na naka-1.4%, at sumunod ang Goin’ Bulilit na naka-1.2%.

Noong Miyerkules, July 3, ay lalong tumaas ang It’s Showtime na naka-8.7%.

Ang Lilet Matias naman ay 9.7%; at ang sumunod na Fast Talk With Boy Abunda ay 5.8%.

Ang Voltes V: Legacy naman ay 4.4%, at ang Eclipse of the Heart ay 3.1%.

Medyo bumaba naman sa 8% ang Family Feud.

NOEL FERRER

Sa primetime, pataas nang pataas ang ratings ng Widows' War nina Bea Alonzo at Carla Abellana.

Read: Widows' War, kumusta ang rating ng pilot episode?

carla abellana bea alonzo widows' war
Carla Abellana and Bea Alonzo in Widows' War
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung naka-8.9% ang pilot episode nito noong Lunes, July 1, tumaas ito noong Martes sa 9.3%, at 7.1% naman ang kapatapat nitong Pamilya Sagrado.

Noong Miyerkules, July 3, ay umakyat pa sa 9.8% ang Widows' War, at ang Pamilya Sagrado ay naka-7.7%.

Tingnan natin kung ma-achieve nito ang double digit kapag lalong naging intense ang mga eksena nina Bea at Carla.

Go go go, parang ispagheting pataas nang pataas lang iyan!!! All the best!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Reyes (left) joins the cast of top-rating Kapuso afternoon drama Abot-Kamay Na Pangarap; Pinky Amador (right), who played Moira, returns to the soap as a new character.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results