JERRY OLEA
Na-enjoy ko ang All Hits: Just The Way You Want It concert ng Rivermaya, Neocolours, at MYMP nitong Hulyo 11, 2024, Huwebes ng gabi, sa The Theatre at Solaire.
Naaliw rin ako sa mga panauhin na sina Jon Santos, Lloyd Umali, Geneva Cruz, at Wency Cornejo.
Kani-kanya sila ng hanash na may kinalaman sa kanilang edad, lalo na kung hinihingal-hingal na sila.
Read: Gary Valenciano, humataw nang todo sa One Last Time concert
Nagpasalamat si Geneva at kilala siya ng manonood na tinanong niya, at hindi siya napagkamalang si Donna o Sheryl.
GENEVA CRUZ MENTIONS EX PACO ARESPACOCHAGA
Pahayag ni Geneva bago kantahin ang "Kailan," “Gusto ko kayong ibalik nung kayo ay nasa high school, elementary or college.
“Itong awitin na ito, ni-record ko nung ako’y 12 years old lamang. Wala po akong alam sa pag-ibig!
“Hanggang nakilala ko po si Paco Arespacochaga.”
Read: Paco Arespacochaga recalls working as “kargador, kahero, tagalinis ng bathroom” in the U.S.
May mga napahiyaw sa audience, saka nagpatuloy si Geneva, “Mga musikerong yan, sakit sa bangs! Pero at least, may Heaven ako.
“At magkaibigan kami ni Paco ahhhh…”
Ang Heaven na tinutukoy ni Geneva ay ang son nila ni Paco. Kilala rin ito bilang rapper na si HEAVENKNEW.
Ini-announce ni Geneva na sa Oktubre ay magkakaroon siya ng major concert after 35 years.

GENEVA CRUZ'S VERY MINOR ACCIDENT
Nagkaroon ng very minor accident kapagkuwan si Geneva.
Aniya, tumama yung mic sa ngipin niya. Mabuti na lang daw at matibay ang mga Gen X na gaya niya.
Ang intro ni Geneva sa kasunod niyang performer, “Now, taking over is a major driving force of Pinoy '90s rock. Ito, astig talaga ito!
“Nung high school ako, kinakanta ko lagi ang kanta niya, ‘What has life to offer me when I get old?’ Saka yung walang kamatayang, ‘Habang may buhay…’
“Parang depressed ka na nga, papakinggan mo pa rin. Ganun kagaling itong taong ito! A songwriter, a singer… ladies and gentlemen, my kumpare, Wency Cornejo!”
GORGY RULA
May pa-trivia si Wency Cornejo tungkol sa kumare niyang si Geneva Cruz.
Ani Wency, “One little known fact about Geneva and I, we share the same birthday, which is April 2.
“Mas bata lang ako sa kanya nang konti… We fall under the sign ng Aries. And medyo mga baliw kami.
“The only question is, sino ang mas baliw sa amin ni Geneva? And I know the answer.
“Definitely si Geneva ang mas baliw dahil pinakasalan niya si Paco.”
May mga napasigaw sa audience.

At any rate, itong All Hits: Just The Way You Want It ay prinodyus ni Jonathan Wee ng Ticket1 concerts na siya ring magpoprodyus ng 1 Time For Your Mind concert ni Andrew E sa Disyembre 11, 2024 sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.
Patapos pa lamang ang All Hits: Just The Way You Want It nitong July 11, Thursday night, nang maging available online by 11:00 P.M. ang tickets para sa 1 Time For Your Mind concert.
Bandang hatinggabi ay nag-shout out sa Facebook si Andrew E, “Wooooow…!!! My TICKETS are fast moving now…!!! Buy them before they’re gone…!!!”
Read: Andrew E., 34 taon ang hinintay para sa first major concert
NOEL FERRER
Ang saya lang na hit ang mga ganitong mga concerts, at kahit kaymamahal ng mga tickets compared sa ticket sa pelikula, lumalabas talaga ang mga tao at gumagastos para manood.
Bakit ganoon?
Patok ang kahit na anong LIVE event, pero olats ang pelikulang Pilipino?
Sa dinami-dami ng mga artistang nasa Senado, Kongreso, at iba’t iba pang sangay ng gobyerno, paano pa kaya tayo magtutulung-tulungan para mabuhay at mabigyan ng sigla muli ang daigdig ng pelikula dito sa atin?
