JERRY OLEA
Mag-asawa ang papel nina Laurice Guillen at Christopher de Leon sa pelikulang Moro.
Gumanap na mga anak nila sina Piolo Pascual at Baron Geisler.
“Ito’y kuwento ng isang pamilya. It’s universal that way,” pahayag ni Laurice matapos ang invitational screening ng Moro noong Hulyo 14, 2024, sa Victoria Sports Tower, EDSA, Quezon City.
“Andoon ang costume, ang language, ang ways that make it different from other cultures, but basically it’s unity ng pampamilya.
“The pain that is caused by division. And also on a larger scale, yung giyerang naganap between the Muslims and the Christians.
“In a larger scale, the political conflict na I suppose, ang nanay dito, yung bayan.
“If we’re going to make a statement, a positive statement—it’s that conflicts can be settled peacefully, and not through violence.”
Ang Moro ay idinirek ni Brillante Mendoza, at streaming na sa Asia-Pacific region via Netflix umpisa Hulyo 19, Biyernes.
Read: Direk Brillante Mendoza optimistic for Moro's Netflix run

LANGUAGE BARRIER
Kumusta ang pakikipagtrabaho kina Piolo at Baron?
“Sa set, hindi kami nagsososyalan. Hindi kami nag-uusap,” pagsisiwalat ni Laurice.
“Hindi kami nag-uusap, kasi talagang ang hirap, ang daming challenges dun sa role. Unang-una, yung language, how to make it not an obstacle to your feelings, you know.
“Hindi madali sa akin iyan, pero I noticed si Piolo, parang sabi ko, ‘Ang daya naman, ang galing nitong mag-memorize ng ano.’ Yung talagang napaka-fluent niya.
“Hindi ko nga naintindihan, bakit Tinagalog mo yung iba, e,” sabi ni Laurice sa katabing si Piolo, na natawa lang.
“Kasi napaka-fluent niya. So what I did, I asked the coach how to say it, paano ang pronunciation. And then I recorded myself, and I practiced it over and over and over again.
“And then later I was throwing lines with my daughter just to make sure na hindi magiging sagabal sa expression ko yung language.
“Kasi talaga ang laking block ng language pag ano, and not only that because parang… how large was this movie.
“Pero large in terms of yung universal message, but, at the same time, you have to make it as simple as… like what happened in my case, as simple as a mother who was heartbroken because her two children, you know, were not at peace. And biyuda na siya.
“Ang ganda! I mean, ang umpisa, starts with a nightmare, di ba? Actually ang haba pa ng shooting nun, pero ang ganda ng pagka-edit.”

LAURICE GUILLEN'S REALIZATION ABOUT MUSLIMS
Ano ang na-realize niya sa panig ng mga Muslim dahil sa paggawa ng Moro?
Tugon ni Laurice, “Bisaya ako from Mindanao, from Butuan City. Nung lumalaki ako, nung madalas pa ang mga conflict, panahon pa nung bago mag-Martial Law…
“Pagka madalas ang mga engkuwentro, yung mga usually yung mga pamilya, dinadala sa mga probinsiya katulad sa Butuan City, where it was safe for the families.
“At dun ko naririnig yung mga istorya nila about their families and during this conflict, and their feelings about what was going on.
“Kaya sa akin, hindi ano sa akin yung… hindi ako stranger doon. So ang tingin ko nung nabasa ko ang script, nakilala ko kung ano yung istorya, at nakilala ko yung karakter ko…
“Ang pagkakaiba lang, yung lugar, yung pananamit, yung lengguwahe, yung mga ritwal. Pero yung puso, pareho. So, hindi malayo sa akin ang talagang puso ng istorya.
“On the lighter side, naalala ko, yung talagang pinaka-fear ko dito sa pelikulang ito while shooting it, alam mo na kung ano yun, Baron! Hahahaha.
“Yung umangkas sa kanya sa motorsiklo! Kasi, nung sinabi sa akin na, ‘Sasakay ka sa motorsiklo,’ saka supposed to be, sa Cotabato sa market.
“E, andami dung sasakyan, sabay-sabay! Dun ako nagdasal talaga. Bahala ka na sa akin.
“Tapos hindi nagpapraktis! Yung unang ano pa lang, yung unang eksena, dun pala yung unang eksena natin, nung umangkas agad ako.”
Natatawang sabi ni Baron, grabe ang kapit ni Laurice sa kanya.
Dagdag ni Laurice, “Pero yun, you know in that movie, as I said, hindi kami nagkuwentuhan, pero nagkaroon ng trust talaga.
“Yung ang dami kong na-observe with my co-actors, pero trust lang talaga. And we felt that we were doing something special.”
Kasama sa cast ng Moro sina Joel Torre, Beauty Gonzalez, Nikki Valdez, Ina Feleo, Alvin Anson, Dido de la Paz, Onyl Torres, at Rolando Inocencio.
NOEL FERRER
First time ni Laurice na maidirek ni Brillante Mendoza. Naka-relate ba siya sa istilo nito ng pagdidirek?
“Well, kasi, alam ko naman iyan na very Bing Lao school of filmmaking,” pahayag ni Laurice.
“So, nag-aral din naman ako kay Bing, so alam ko, kailangang tanggalin ko lahat ng mga style, habits, mga ganon. Tanggalin ko lahat iyan, at puro lang."
Na-enjoy ba niya iyon?
Mabilis na tugon ni Laurice, “Of course I enjoyed. Kasi minsan lang naman akong ma-casting. At least yun, nung na-cast ako, talagang merong challenge para sa akin…
“Kakaiba at nakatrabaho ko iyong mga artistang nirerespeto ko. I really enjoyed myself.”
GUARDIA DE HONOR
Markado rin ang papel ni Laurice sa pelikulang Guardia de Honor, na nag-world premiere sa 46th Moscow International Film Festival noong Abril 20, 2024.
Idinirek iyon ni Jay Altarejos, at co-actors niya sa movie sina Allen Dizon, Sunshine Cruz, at Therese Malvar.
Nasa cast din ng Guardia de Honor sina Marcus Madrigal, Rico Barrera, Barbara Miguel, at Carlos Dala.
May special participation sina Ina Feleo at Oliver Aquino.
Kasama rin si Laurice Guillen sa HBO series ni Direk Erik Matti, na Call My Manager!. NKKLK ang role doon ni Laurice.
Paano siya napapayag na gawin iyon at her age?
Napangiti si Laurice, “E, yun na nga iyon. Parang struggle ko iyon.”
GORGY RULA
Kasabay ng Moro na mag-streaming ngayon sa Netflix ang 12 Weeks na obra ni Direk Anna Ysabelle Matutina.
Prinodyus ito ng Digital Dreams, Inc. ng mag-asawang direk Jules at Danzen Katanyag.
Noong 2022 pa ito sa Cinemalaya at umikot sa ilang international film festivals, na nakakopo ng awards.
Nag-best actress si Max Eigenmann na lead actress sa pelikulang ito sa Cinemalaya, EDDYS, at Gawad Urian.

Ka-partner nila rito ang Reality Entertainment, at sa tulong ni Direk Erik Matti, naibenta nila ito sa Netflix.
Malaking tulong daw ito sa maliit na producer kagaya nitong Digital Dreams, Inc. para kahit paano ay maibalik ang na-invest nila sa isang pelikula.
Kabilang pa sa mga Pinoy movies na malapit nang mag-streaming sa Netflix ang When I Met You In Tokyo nina Vilma Santos at Christopher de Leon, Men are from QC, Women are from Alabang nina Marco Gallo at Heaven Peralejo, at Lolo and The Kid nina Joel Torre at Euwenn Mikael.
Umpisa Hulyo 26 ay streaming na rin sa Netflix ang episodes ng Kapuso primetime series na Pulang Araw.
Samantala, may strategy ang ilang producers para hindi matapon ang kanilang puhunan.
Kagaya nitong kay Direk Jose JR Olinares na gumawa ng pelikulang Sagrada Luna na magso-showing na sa July 24, kasabay ang Deadpool & Wolverine.

Ang style naman ni Direk JR sa mga nagawa niyang pelikula, pinapa-sponsor niya o pinapa-handle sa ilang grupo.
Itong pelikula niya ay nag-sponsor ang grupong The Fraternal Order of Eagles o Philippine Eagles.
“May concept ako na hindi talaga nase-zero ang movie ko sa cinema. So, pag nilabas ito sa theater, meron na agad siyang captured na audience.
“Ang ginawa amin, nationwide talaga. Sobrang mahirap, kasi ang ano mo dito, ang kalaban mo dito yung time constraint, pati yung area, lahat pupuntahan mo.
“That’s why nagta-tap ako ng mga nationwide group…” saad ni Direk JR Olinares sa premiere night nitong Sagrada Luna na ginanap sa SM Megamall noong Huwebes, July 18.
Tatlong sinehan ang inokopa nila sa premiere night dahil sinuportahan ito ng naturang grupo.
Wala pang big stars itong pelikula, na pinagbidahan ng Vivamax stars na sina Alexa Ocampo at Rash Flores.
Apat na raw ang pelikulang nagawa niya at naibabalik naman daw ang puhunan ng producer. Kaya umepek ang ganitong marketing para hindi malugi ang pelikulang napo-produce.
