PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pulang Araw, kayang pantayan tagumpay ng Maria Clara at Ibarra?

Moro, pasok sa Top 10 Movies ng Netflix.
by PEP Troika
Published Jul 22, 2024
pulang araw netflix
Pulang Araw, GMA-7 upcoming war drama series starring Alden Richards, Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, and Dennis Trillo, will premiere on Netflix on July 26, 2024.

JERRY OLEA

Nag-umpisang mag-streaming sa Netflix Philippines ang mga pelikulang 12 Weeks at Moro noong Hulyo 19, 2024, Biyernes.

Ang 12 Weeks na pinagbidahan ni Max Eigenmann ay isa sa full-length films na nag-compete sa Cinemalaya 2022 filmfest.

12 weeks netflix

Para sa performance niya for 12 Weeks, pinagpugayan si Max bilang best actress sa Cinemalaya, The EDDYS (katabla si Janine Gutierrez), at Gawad Urian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang co-star dito ni Max na si Claudia Enriquez ay wagi rin sa Gawad Urian bilang best supporting actress.

Ang Moro na idinirek ni Brillante Mendoza ay diretso sa streaming.

Tampok dito ang mga de kalibreng artista na sina Baron Geisler, Piolo Pascual, Laurice Guillen, at Christopher de Leon.

Read: Moro, bakit walang theatrical release at diretso sa Netflix?

laurice guillen moro
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

TOP 10 MOVIES ON NETFLIX

Parehong seryoso at makabuluhan ang 12 Weeks at Moro. Masyado bang mabigat ang tema ng mga ito para sa subscribers ng Netflix PH?

Sa talaan ng Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix, nag-debut sa pangwalong puwesto ang Moro, samantalang ligwak ang 12 Weeks.

Ang Top 10 Movies sa Netflix PH ngayong Hulyo 22, Lunes — Beast, Anyone But You, The Train of Death, Rampage, Titanic, Find Me Falling, Pagpag 24/7, Moro, Vanished into the Night, at Mummies.

moro netflix
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PULANG ARAW ON NETFLIX

Take note na umpisa Hulyo 26, Biyernes, ay streaming na sa Netflix PH ang advance episodes ng Kapuso primetime series na Pulang Araw, starring Alden Richards, Sanya Lopez, Barbie Forteza, David Licauco, and Dennis Trillo.

Read: Pulang Araw ng GMA-7, unang mapapanood sa Netflix

pulang araw netflix

Ang setting ng Pulang Araw ay Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II) noong 1940s.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kagaya ng 12 Weeks at Moro, ang Pulang Araw ay seryoso, makabuluhan, at mabigat ang tema.

Si Sanya ay isa sa mga bida ng pelikulang Playtime na ipinalabas sa mga sinehan noong Hunyo 12.

Sina Barbie at David ay mga bida sa pelikulang That Kind of Love na ipinalabas sa mga sinehan noong Hulyo 10.

Kagaya ng iba pang Pinoy movies na nag-showing this year after the 49th MMFF, matamlay sa takilya ang Playtime at That Kind of Love.

Ang huling primetime series ni Sanya ay Mga Lihim ni Urduja.

Ang huling primetime series ng BarDa ay Maging Sino Ka Man.

Kulang sa sigla ang TV ratings ng mga ito.

Makakabawi kaya si Sanya at ang BarDa sa Pulang Araw, na Hulyo 29, Lunes, mag-uumpisang umere sa GMA-7?

Kasama rin sa cast ng Pulang Araw si Julie Anne San Jose.

Bale “reunion project” nila ito nina Dennis, Barbie at David after Maria Clara at Ibarra na panalo sa TV ratings at rumatsada sa Netflix PH.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapapantayan man lang ba ng Pulang Araw ang tagumpay ng Maria Clara at Ibarra?

Read: "Noli yarn?" How GMA-7's hit teleserye Maria Clara at Ibarra came about

CAN'T BUY ME LOVE

Naunang ipalabas sa Netflix ang advance episodes ng Kapamilya series na Can’t Buy Me Love (148 episodes) starring Donny Pangilinan and Belle Mariano bago umere sa free TV.

donbelle can't buy me love
Photo/s: Netflix Philippines
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa talaan ng Top 10 TV Shows ng Netflix PH, nanguna ang Can’t Buy Me Love noong Oktubre 16-Nobyembre 7, 2023.

Nasa top spot ang Attack on Titan noong Nobyembre 8, 9, at 11. Pero No. 1 muli ang DonBelle series noong Nobyembre 10, 12-23.

After that ay ispageting pababa na ang ranking ng Can’t Buy Me Love.

Ang last day na nasa Top 10 TV Shows ang Can’t Buy Me Love ay noong Mayo 10, 2024.

Susundan kaya ng Pulang Araw ang mga yapak ng Can’t Buy Me Love?

NOEL FERRER

Ang Iti Mapukpukaw (The Missing) ay isa sa full-length films ng Cinemalaya 2023 filmfest.

Tinampukan ito nina Carlo Aquino, Dolly de Leon, at Gio Gahol.

Nagwagi ito roon bilang best film, best supporting actress (Dolly), at NETPAC Full-Length Feature Award.

Ito ang ipinadala ng bansa bilang aspiring entry sa 96th Academy Awards o Oscars. Ligwak ito sa shortlist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagwagi rin itong best picture sa Gawad Urian.

Iti Mapukpukaw, a Cinemalaya entry
Iti Mapukpukaw

Seryoso, makabuluhan at mabigat ang tema ng Iti Mapukpukaw — kagaya ng 12 Weeks, Moro, at Pulang Araw.

Nang mag-streaming ito sa Netflix PH umpisa Pebrero 24, 2024, hindi ito pumasok sa Top 10 Movies.

E, noong 2023, pawang nag-No. 1 sa Top 10 Movies ng Netflix PH ang apat na pelikulang leading man si Carlo —Seasons, Third World Romance, Love You, Long Time, at I Love Lizzy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabuti pa iyong Cinemalaya 2023 film nina Khalil Ramos at Ashley Ortega na As If It’s True. Nakatatlong magkakasunod na araw ito sa Top 10 Movies ng Netflix PH noong nakaraang Pebrero.

Panlima ito noong Pebrero 17, pansiyam noong Pebrero 18, at pansampu noong Pebrero 19.

EASTER SUNDAY

Ang 2022 comedy film ni Jo Koy na Easter Sunday ay last week pa nasa “Recently Added” section ng Netflix PH, pero hindi pumuwesto sa Top 10 Movies.

Kasama sana si Sharon Cuneta sa cast ng Easter Sunday. Hindi natuloy ang pagpunta niya noon sa U.S. para magsyuting dahil sa maling resulta ng COVID-test. Ang pumalit kay Megastar ay si Tia Carrere.

Nasa cast din ng Easter Sunday sina Lou Diamond Phillips, Eva Noblezada, Eugene Cordero, at Lydia Gaston.

easter sunday netflix
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tatlong pelikulang Pinoy ang kasado nang mag-Netflix — When I Met You In Tokyo sa Hulyo 29, Men are from QC, Women are from Alabang sa Agosto 1, at Lolo and The Kid sa Agosto 7.

Abangan natin kung pupuwesto ang mga ito sa Top 10 Movies list.

GORGY RULA

Hindi ko pa natapos mapanood ang Moro sa Netflix dahil napapaidlip ako nang saglit.

Yun lang ang kainaman kapag sa streaming ka nanonood, puwede mong itigil at babalikan na lang kapag may time ka.

Kung sa loob ng sinehan mo ito mapapanood, baka makakatulog ako. Kaya tatapusin ko talaga ito kahit patigil-tigil ang panonood.

Sa unang bahagi ng pelikula ay nagagalingan ako kina Laurice Guillen at Baron Geisler.

Hindi mo l rin masisisi ang ibang naghihintay na lang sila sa streaming service at hindi na nag-e-effort manood sa sinehan dahil very convenient ang panonood sa loob ng bahay at mas ma-appreciate mo talaga kapag maganda ang isang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito rin sa streaming ay mahahabol mo ang ilang pelikulang hindi mo namalayang naipalabas na pala sa mga sinehan.

LITRATO SOON ON NETFLIX

Kagaya ng pelikulang Litrato ni Ai-Ai delas Alas, nanalo ito kagabi sa 40th Star Awards for Movies bilang Best Indie Movie of the Year.

Nanalo rin dito si Louie Ignacio bilang Best Indie Movie Director of the Year.

Binanggit ni Direk Louie sa kanyang acceptance speech na alam niyang marami ang hindi nakapanood sa naturang pelikula. Kaya in-announce niyang sa August 23 ay mapapanood na itong Litrato sa Netflix. Aabangan ko iyan!

Litrato starring Ai-Ai delas Alas
Photo/s: Movie Poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LAST ONE LAUGHING ON PRIME

Samantala, sa Amazon Prime naman ay nangunguna pa rin sa trending in the Philippines ang LOL Last One Laughing kung saan nagwagi si Chad Kinis.

Read: Chad Kinis is first Last One Laughing PH champion

Anim na episodes lang ito.

Ayon kay Vice Ganda na host nito, anim na oras lang ang challenge nilang hindi ka dapat tumawa o mapangiti man lang sa mga ginagawang patawa ng participants.

last one laughing
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero bakit ganun ang istilo ng pagpapatawa nila, na sa halip na matawa ay masusuka ka?

Ang hirap naman kasi talagng magpatawa. Pero hindi ko akalaing umabot na sa nakakadiring pagpapatawa ang ginagawa nila, kagaya ng ipaamoy ang mabahong hininga, hanggang sa ginagamit ang dumi para magpatawa.

Kaya naman ang dalawang naiwang contestants na sina Chad at Jerald Napoles ay hindi na talaga natawa, kundi nasuka sa mga pinaggagawa nila.

Nanalo si Chad dahil sa nalamangan nito si Jerald sa record ng napatawa niyang contestants.

Kung magkakaroon ito ng Season 2, sana’y mga baguhang komedyante o stand-up comedians ang pasasalihin, at baka mas magaling pa silang magpatawa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pulang Araw, GMA-7 upcoming war drama series starring Alden Richards, Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, and Dennis Trillo, will premiere on Netflix on July 26, 2024.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results