JERRY OLEA
Nanindigan ang ahtlete/model/actor na si Michael Ver Comaling na deep fake ang kumakalat na video kung saan pinapaligaya niya ang sarili habang nakatayo at walang saplot.
Opisyal na pahayag ni Michael Ver sa Facebook ngayong Hulyo 26, 2024, Biyernes:
“I am addressing the video circulating on social media that depicts me in a compromising situation.
“I want to make it clear that the video is FAKE and was illegally created using ARTIFICIAL INTELLIGENCE (AI).
“Those who spread, shared, and sold this video will be held accountable to the fullest extent of the law.
“I have already taken steps to address this issue with the appropriate government agencies, and my lawyers are preparing the necessary complaints against those involved.
“Again, I reiterate that those responsible for this video will be punished and held accountable by law.
“Sincerely, “Michael Ver Comaling”

WHO IS MICHAEL VER?
Ang modern pentathlete na si Michael Ver ay naging adult housemate sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 noong Oktubre 2021-Mayo 2022 sa A2Z at Kapamilya Channel.
Read: Alyssa Valdez and Anji Salvacion are PBB top 2 winners; adult housemates enter PBB house
Nagbida sila ni Kych Minemoto sa 2023 BL series na My Plantito, na ipinalabas sa Puregold Channel sa YouTube.
Read: Kych Minemoto, nakilala nang husto si Michael Ver habang ginagawa ang kanilang BL series
Lumahok si Michael Ver sa recently concluded Century Tuna Superbods 2024 Best You Ever contest.
Read: Century Tuna Superbods 2024: Meet the finalists who are shattering limits

May kumalat noon na supposedly video scandal ni McCoy de Leon.
Ilang segundo lang iyon, at nahanap agad ng netizens ang original video kung saan ang mukha ni McCoy ay inilagay sa katawan ng lalaki.
Iyong scandalous video na sinasabing si Michael Ver ay halos limang minuto ang tagal.
May tatlo pang local actor na sabi-sabi ay meron ding sex video nitong mga nakaraang araw.
GORGY RULA
Mas inaabangan ng lahat ang pahayag ni Mark Anthony Fernandez na diumano’y may 28-minute video kasama ang isang hindi pa nakikilang babae.
Ilang araw nag-trending si Mark at ang dami pa ring nangungulit sa akin kung may kopya ako.
Hindi sinasagot ng aktor ang text ko. Maaaring pinayuhan siyang manahimik na lang, kesa itanggi ito.
Ang dami tuloy nagtatanong kung prosthetics ba talaga yung ipinakita niya sa Vivamax movie na Scorpio Nights 3 o kanya talaga.
Read: Mark Anthony Fernandez, tunay o peke ang ipinakita sa frontal nudity sa Scorpio Nights 3?
Ito namang kay Michael Ver, tingnan natin kung may magre-react sa inilabas na statement. Mahahalata naman kung deep fake ang video o hindi.
Ang dami nang artistang nasangkot sa sex video scandal, at tuloy pa rin naman ang kanilang career. Tingnan natin kung makakatulong ito sa kanyang showbiz career.
NOEL FERRER
Kung hindi pa dahil sa diumano’y video scandal, isang da hu sa akin itong Michael Ver Comaling.
Sana, ikasikat pa niya ang ganitong usapin. Kung hindi, mananatili siyang cynthia-cynthia.
