PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Sir" Jude Bacalso, na-Streisand effect?

Kung minsan, hindi lang yung tama ang mahalaga, pero pati na yung mabuti.
by PEP Troika
Published Jul 27, 2024
Jude Bacalso viral
Jude Bacalso (seated), na-Streisand effect nga ba dahil sa kagustuhan niyang matawag na "Ma'am" imbes na "Sir?"
PHOTO/S: John Calderon on Facebook

JERRY OLEA:

Nakagawian na sa showbiz ang tawagang tito, tita, kuya, ate, at kung ano pa man.

Nakatatak sa National Artist at Superstar na si Nora Aunor ang taguring Ate Guy. Ang Star for All Seasons na si Vilma Santos ay Ate Vi. Ang Megastar na si Sharon Cuneta ay Ate Shawie.

May mga female showbiz personality na kapag nagkakaedad ay ayaw patawag na ‘tita’ at kung maaari ay ‘ate’ na lamang ang itawag sa kanya ng mga nakababatang artista.

Si Korina Sanchez, Ate Koring. Si Boy Abunda, merong tumatawag na Kuya Boy, meron ding Tito Boy.

boy abunda miss universe
Boy Abunda
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang namayapang Master Showman na si German Moreno ay Kuya Germs. Ang namayapang Queen of Inttigues na si Lourdes Jimenez Carvajal aka Inday Badiday, Ate Luds. Ang kuya na ate, kute.

OK lang kay Joey de Leon na tawagin siyang ‘Tito Joey’ ng mga katrabaho niya. Pero iyong hindi niya ka-close, pag tinawag siyang tito, maaaring pagsabihan niya, “Pamangkin ba kita?”

Ang dating senador na si Tito Sotto ay tinawag na Tito Sen. Si Vic Sotto, Bossing Vic. Ang pinuno ng Viva Entertainment na si Vic del Rosario Jr., Boss Vic.

Ang mag-asawang Sen. Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado, Kuya Bong at Ate Lani, respectively. Si Phillip Salvador, Kuya Ipe.

Ang Unkabogable Superstar na si Vice Ganda, Meme Vice. Ang Regal matriarch na si Lily Monteverde, Mother Lily. Ang Drama King na si Christopher “Boyet” de Leon, Papa Bo. Ang Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual, Papa P.

piolo pascual with eyeglasses
Piolo Pascual
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Disyembre 2018 nang mag-post sa social media ang yumaong aktres na si Cherie Gil at ipinaliwanag ang stance niya, “Don’t Call Me Tita.” Nag-viral iyon lalo pa’t ni-repost ni Lea Salonga, at maraming babaeng nagkaedad ang naka-relate.

Iyon ang naging working title ng 2020 iWant series na tinampukan nina Joanna Ampil, Cherrie Pie Picache, Agot Isidro, Mylene Dizon, Angelica Panganiban, at Lorna Tolentino, sa direksyon ni Andoy Ranay. Kapagkuwan ay ginawang Call Me Tita ang pamagat niyon.

Ang yumaong showbiz writer na si Ramon G. Teodoro, Mama Monchang. Ang yumaong producer na si Marichu Vera-Perez Maceda, Manay Ichu.

Ang mastermind na 1994 Manila Film Fest Scam na si Lolit Solis…Manay Lolit, Nanay Lolit, or Nay Lolit. Si Cristy Fermin… puwedeng Tita Cristy, Nanay Cristy, o Ate Cristy.

Si Gil Morales na impersonator ni Nora Aunor, Ate Gay. Si Renee Hampshire na impersonator ni President Gloria Macapagal Arroyo aka Ate Glo, ano pa kundi Ate Glow? Si Chino Liu na impersonator ni Kris Aquino ay Tita Krissy Achino.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang isang bruskong aktor na kloseta, tinawag ng isang kaibigan na “mama” habang may ibang mga tao sa paligid. Tumili nang halos walang soundah ang bruskong aktor, “Don’t call me ‘mama’! Baka may makarinig!”

Dedmadela ang isang premyadong aktor nang tawaging ‘ate’ ng isang talent manager na mas matanda sa kanya ng halos dalawang dekada. Parang wala siyang narinig.

Read:

Cebu personality issues apology over misgendering controversy

JUDE BACALSO CONTROVERSY, PINAGPYESTAHAN NG NETIZENS

Ang transwoman na si Jude Bacalso ng Cebu, hinayaang nakatayo nang humigit-kumulang dalawang oras ang isang waiter ng restaurant na tinawag siyang “Sir.”

Kumalat iyon sa socmed. Sa Facebook shoutout ng isang Jude Bacalso account (ewan kung totoo iyon, o poser) na nagsabing tigilan na ang pagtawag sa kanya ng sir, ang sey ng actor turned content creator na si Kiko Matos, “KOPYA BRADER!”

Kiko Matos
Photo/s: Kiko Matos
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

More and more netizens ang tumatawag kay Jude ng, ‘Sir.’ Nakakabit na iyon sa kanyang pangalan.

Masasabi ba nating na-Streisand effect si Jude?

Ayon sa Wikipedia, “The Streisand effect is an unintended consequence of attempts to hide, remove, or censor information, where the effort instead increases public awareness of the information.

“The effect is named for American singer and actress Barbra Streisand, whose attorney's attempt in 2003 to suppress the publication of a photograph showing her clifftop residence in Malibu, taken to document coastal erosion in California, inadvertently drew far greater attention to the previously obscure photograph.

“The effect exemplifies psychological reactance: where the desire to hide information instead makes its propagation more likely.”

Kahanay na ni Jude Bacalso sina Diwata, Alice Guo, Boy Dila, Rendon Labador, Shaira Moro na Queen of B-pop, at iba pang personalidad na pinagpiyestahan ng Pinoy netizens ngayong 2024.

NOEL FERRER:

Sana ay may natutunan tayo sa nangyaring ito — kay Jude Bacalso man, o sa iba pang personalidad na naging o magiging flavor of the season.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JUDE BACALSO INCIDENT: LESSONS LEARNED

Tuloy ang buhay. Basta the important lesson here is: Things could be better if they were done with a little more kindness.

Kung minsan, hindi lang yung tama ang mahalaga, pero pati na yung mabuti. That way, mapapanatili ang maayos at masayang pagkikipagkapwa, di ba?

GORGY RULA:

Sa showbiz naman ay nakasanayan na ang mga generic na tawagan sa isa’t isa.

Kapag tawagin ka ni Manay Lolit Solis na “anak,” either malapit ka talaga sa kanya kaya parang ang anak na rin ang turing niya sa iyo, o hindi ka rin close sa kanya at hindi lang siya sure sa pangalan mo.

“Darling” naman ang tawag ng isang premyado at iginagalang na aktres sa nakakasalamuha niyang hindi rin niya maalala ang pangalan.

Ang iba naman ay “kapatid” ang generic na tawag sa ilang taga-showbiz na malapit sa isang tao, o kaya hindi rin maalala ang pangalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit Kapuso ka man o Kapamilya, mas madali at mas close pakinggan kung “kapatid” ang tawag sa iyo.

Madali lang sumikat sa social media, pero madali ring makalimutan. Pero itong kuwento ni Jude Bacalso ay mananatili nang pag-uusapan sa social media.

Darating ang araw na makakalimutan ka, pero kapag magpakita ka uli, mababalik itong hindi magandang naiambag niyang kuwento.

Hindi lang sa Cebu siya nakilala kundi sa buong bansa. Hindi nga lang maganda ang imaheng nakatatak sa kanya.

Read:

Rosanna, Aiko, Kaladkaren react to misgendering issue in Cebu

Read Next
Read More Stories About
Jude Bacalso, Streisand Effect
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jude Bacalso (seated), na-Streisand effect nga ba dahil sa kagustuhan niyang matawag na "Ma'am" imbes na "Sir?"
PHOTO/S: John Calderon on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results