GORGY RULA
Mukhang inabangan ng televiewers ang pagtatapos ng Black Rider noong Biyernes, July 26, 2024, dahil mas mataas ang rating nito sa katapat na FPJ’s Batang Quiapo.
Nakapagtala ang Black Rider ni Ruru Madrid ng rating na 15.6%, samantalang ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin ay naka-14.7%.
Read: Ruru Madrid, Yassi Pressman promise heroic finale of Black Rider

Mataas din ang sumusunod na Widows’ War na naka-11.7%. Ang katapat nitong Pamilya Sagrado ay 6.7%.
Ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes ay 6.3%, at ang High Street ay 3.9%.
RURU MADRID'S THANK-YOU POST
Mahaba ang post ni Ruru Madrid sa Instagram noong Biyernes kung saan nagpasalamat siya sa lahat na sumubaybay sa Black Rider.
Para sa kanya, ang mga manonood ang kanyang hero at hindi raw siya mapapagod sa paggawa ng isang seryeng kagayang Black Rider.
Bahagi ng kanyang mensahe, “Hindi ako mapapagod gumawa ng mga proyektong katulad ng Black Rider, kung saan naikukuwento namin ang realidad ng buhay, kahalagahan ng isang pamilya at pagiging isang BAYANI sa ating bayan at lahat ng ating mga mahal sa buhay.
“Para sa akin, KAYO ANG HERO KO!”
View this post on Instagram
Nang sumunod na araw ay nag-post siya uli ng “Hanggang sa muli – Black Rider.”
View this post on Instagram
May sequel kaya itong Black Rider?
Pero, di ba, gagawin pa dapat niya ang sequel ng Lolong?
Marami pang magandang proyektong nakalaan kay Ruru. Pero sa ngayon ay magpu-focus daw muna siya sa pelikulang Green Bones na pang-MMFF 2024 nila ni Dennis Trillo.
Read: What's next for Ruru Madrid after Black Rider?
JERRY OLEA
Ang kapalit ng Black Rider umpisa Lunes ng 8:00 P.M. sa GMA-7 ay ang Pulang Araw nina Alden Richards, Sanya Lopez, Barbie Forteza, David Licauco, at Dennis Trillo.

Simula Hulyo 29, Lunes, ay dalawang oras na ang Wil To Win sa TV5 na magsisimula na nang mas maaga. Dati ay 5:00-6:30 P.M.
Ngayon ay dalawang oras na ang programa ni Willie Revillame mula Lunes hanggang Biyernes, 4:30-6:30 P.M.
Tingnan natin kung makakatulong ito sa pagtaas ng ratings dahil nitong mga huling araw ay pababa ito nang pababa.
Read: Wil To Win, kumusta ang rating kontra Family Feud?

FRIDAY AFTERNOON RATINGS
Narito ang ratings ng afternoon slot noong Biyernes, July 26:
Consistent na mataas ang It’s Showtime na naka-8.7%, habang ang katapat nitong Eat Bulaga! ay 4.2%.
Ang Abot-Kamay na Pangarap na meron pa sa GTV ng primetime ay naka-11.8%. Sumunod ang Lilet Matias: Attorney-At-Law na 10%.
Mataas din ang Fast Talk With Boy Abunda na naka-6.2%, at ang Voltes V: Legacy ay 4.9%.
Pagkatapos ng Voltes V: Legacy ay sumunod na ang Eclipse of the Heart na naka-3.5%.
Sumunod ang Family Feud na naka-9.1%. Ang katapat nitong Wil To Win ay 1.6%, at ang Goin’ Bulilit ay 0.8%.
JULY 27, SATURDAY, RATINGS
Noong Sabado, July 27, naman ay lalo pang tumaas ang Running Man Ph na katapat ng Rainbow Rumble ni Luis Manzano.
Sa primetime, sinimulan ng 24 Oras Weekend na naka-8%. Ang TV Patrol Weekend ay 1.3%, at ang Frontline Weekend naman ay 1.5%.
Ang Pepito Manaloto ay 9.7%, at ang Rated Korina ay 3%.
Sumunod na ang Running Man Ph na naka-13.5%, at ang katapat na Rainbow Rumble ay 4.2%.
NOEL FERRER
Blessed talaga si Ruru Madrid at maraming salamat din talaga sa GMA Public Affairs sa magandang pag-aalaga sa kanya sa mga waging projects.
Excited ako sa Green Bones. Kasi, gagawa si Ruru ng materyal mula sa National Artist natin na si Ricky Lee.
Ang tanong, matutuloy pa ba ang Lolong sequel tulad ng naunang napabalita noon or move on na sa bagong project?
JULY 28, SUNDAY, RATINGS
In the meantime, maganda rin ang viewership noong Linggo, July 28.
Ang All-Out Sundays ay 3.3%, at ang ASAP Natin ‘To ay 2.2%.
Pagkatapos nito ay ang GMA Blockbuster na 3.6%. Sumunod ang special ni Boy Abunda na My Mother, My Story na naka-3.5%. Ang katapat sa TV5 na Sunday Blockbusters ay 3.8%.
Ang Regal Studio Presents naman ay 3.4%, at ang Goin' Bulilit ay 0.7%.
Sumunod ang Resibo: Walang Lusot ang May Atraso na 4%.
Pagdating ng primetime, nakapagtala ng 7.4% ang 24 Oras Weekend. Ang TV Patrol Weekend ay 1.3%, at ang Frontline Weekend ay 2.1%.
Ang Bubble Gang ay 10.1%, at ang katapat na Tao Po ay 1.6%.
Sumunod ang Running Man Ph na 12.3%, at ang katapat na Tara G ay 1.4%.
Nannaatiling mataas pa rin ang Kapuso Mo Jessica Soho na naka-18.4%, ang pinakamataas na rating nito ngayong 2024.
Hindi umubra rito ang katapat na masayang Rainbow Rumble ni Luis Manzano na naka-2.6%.

Sa PBB Gen 11 naman ay ibinunyag nang magdyowa ang housemates na sina Dingdong at Patrick, pero naka-1.1% lang ito.
Mas bongga pa ang The Boobay and Tekla Show na naka-4.8%. At ang late-night show na Cayetano In Action with Boy Abunda ay naka-1.8%.
