PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pulang Araw pilot episode sa GMA-7, nagapi ba ang Batang Quiapo?

Advance episodes ng Pulang Araw sa Netflix, nakaapekto ba sa ratings nito sa GMA?
by PEP Troika
Published Jul 30, 2024
alden richards coco martin primetime
Pulang Araw, starring Alden Richards (left), premieres on GMA-7 on July 29, 2024, directly competing with Kapamilya Channel's FPJ's Batang Quiapo, starring Coco Martin (right).
PHOTO/S: GMA Network / Kapamilya Channel

GORGY RULA

Bumawi ang FPJ’s Batang Quiapo pagkatapos nitong matalo sa ratings ng heroic finale ng Black Rider noong Biyernes, July 26, 2024.

Read: Black Rider finale episode, nataasan ang Batang Quiapo sa ratings

Noong Lunes, July 29, kung kailan nagsimula na ang Pulang Araw sa GMA-7, Kapuso Stream at GTV, pinatindi ng FPJ’s Batang Quiapo ang kanilang episode kaya nakakuha ito ng mataas na rating—16.8%.

PULANG ARAW PILOT EPISODE ON GMA-7

Hindi dumikit ang pilot episode ng Pulang Araw na naka-12.8%.

Ang ganda pa naman ng feedback sa bagong seryeng ng GMA-7 tampok sina Alden Richards, Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Dennis Trillo.

Pawang papuri ang comments na nabasa namin pagkatapos maipalabas ang Pulang Araw sa GMA-7 at ang ilan ay sa GTV. Parang nag-time travel daw sila sa panahon ng giyera, kaya parang na-hook na sila agad.

Posibleng nakaapekto ang TV ratings ng Pulang Araw dahil marami na ang nakapanood ng advance episodes nito sa Netflix. Sa katunayan, nag-No. 1 ito kaagad isang araw pagkatapos umere ang pilot episode nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pulang Araw, No. 1 agad sa Netflix

Tingnan natin kung makakalaban ito sa teleserye ni Coco Martin sa mga susunod na episodes.

Pulang Araw promotional poster and Pulang Araw Netflix PH standing as of July 28, 2024.
Photo/s: GMA Network / Netflix PH

Pagkatapos ng Pulang Araw, sumunod ang Widows’ War na naka-10.5%, at dumikit ang Pamilya Sagrado na naka-8%.

Ang Asawa ng Asawa Ko ay 7.5%, at 4.2% naman ang High Street.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Noong Lunes ay two hours na ang Wil To Win, kung saan nagsimula ang programa ni Willie Revillame ng 4:30 ng hapon. Pero naka-1.8% lang ito.

Ang katapat nitong Voltes V: Legacy ay 4.7%, at ang Family Feud ay 8.2%.

Hindi man lang nakaangat ang ratings ng Goin' Bulilit na 0.6% lamang noong Lunes.

Ang It’s Showtime naman ay 7.5% ang rating, at ang Eat Bulaga! na nag-celebrate ng kanilang 45th anniversary ngayong araw ay naka-3.4%.

Ang Abot-Kamay na Pangarap ay 8.4%. Ang Lilet Matias: Attorney-At-Law ay 8.7%.

Medyo OK-OK naman ang TV ratings. Ang kailangan talagang mag-improve pa ay ang sales sa TV, yung pagdami pa ng advertisements.

Paano kaya?

JERRY OLEA

Hulyo 26, Biyernes, nag-umpisang mag-Netflix streaming ang advance episodes ng Pulang Araw.

Kinabukasan, Sabado ng gabi, ay pumuwesto na ito sa top spot ng Top 10 TV Shows in the Philippines Today, and as we write this (July 30, Thursday afternoon) ay nananatili ang Pulang Araw sa posisyong iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noon pa ako nag-agam-agam sa TV ratings ng Pulang Araw.

Una, dahil napapanood ng advance ang episodes nito sa Netflix.

At ikalawa, seryoso at mabigat ang tema nito.

FPJ'S BATANG QUIAPO MORE RELATABLE TO VIEWERS

Kahit inaalipusta ng iba ang FPJ’s Batang Quiapo ay pasok na pasok ito sa panlasa ng free TV viewers.

Nakaka-relate ang mga manonood sa mga pinagdadaanan ni Tanggol (karakter ni Coco Martin).

E, sa episode noong Lunes, binaril ni David (McCoy de Leon) si Bubbles (Ivana Alawi). Matetegi na si Bubbles aka Samantha, ang anak ni Olga (Irma Adlawan).

batang quiapo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Kapamilya Online Live, 596,164 ang all-time high peak concurrent viewers ng Monday episode ng FPJ’s Batang Quiapo.

Sa teaser ng teleserye ni Coco for Tursday night’s episode… “Buhay ang kinuha, buhay din ang kapalit! Kaninong buhay ang matutuldukan! Abangan ang makapigil hiningang bakbakan!”

Bilang na ang mga araw ni David! Patindi nang patindi ang mga kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo.

Samantala, nakatakdang mag-streaming sa Netflix ang finale season ng The Umbrella Academy umpisa Agosto 8. Tingnan natin kung ano ang kahihinatnan ng Pulang Araw sa Netflix by that time.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pulang Araw, starring Alden Richards (left), premieres on GMA-7 on July 29, 2024, directly competing with Kapamilya Channel's FPJ's Batang Quiapo, starring Coco Martin (right).
PHOTO/S: GMA Network / Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results