GORGY RULA
Napansin agad ng PEP Troika ang social media post ng dalawang film production na nagbabadya ng pagsisimula ng malaking film project na sa pagkakaalam namin ay parehong pagbibidahan ni Ms. Vilma Santos.
Read: Vilma Santos, dalawang pelikula ang posibleng pang-MMFF
Noong Martes, July 30, 2024, ay ipinost ni Atty. Joji Alonso ng Quantum Films ang pagsisimula ng pelikula nilang Espantaho na ididirek ni Chito Roño.
Di ba, ito ang film project na pagsasamahan nina Ate Vi at Judy Ann Santos na isasali nila sa 50th Metro Manila Film Festival, Sir Noel Ferrer?
Sa FB post na ni Atty. Joji, may artcard ng Espantaho at ang kuha sa kanilang pre-production meeting ng naturang film project at may kuha rin ng clapper na ang ibig sabihin ay nagsimula na ang shooting.
Read: Vilma Santos at Judy Ann Santos, magsasama sa horror film ni Chito Rono
Bahagi ng caption sa FB post na ni Atty. Joji, “Thank you Lord for this day, our first day. You and only you, have witnessed the roller coaster of emotions I have been through. I lifted everything to you and you have stirred me towards this path. To God be the glory!
“On its 20th year of filmmaking, Quantum Films and its partners have a new film.
“And really big one, at that! With a star-studded, award winning cast.
“Ssshhhh. To be revealed soon.”
View this post on Instagram
Hindi ko na kinulit si Atty. Joji kung sino ang nasa cast, dahil ire-reveal naman daw nila soon.
Pero sa pagkakaalam namin ay kasama pa rin si Judy Ann.
Si Ate Vi pa rin kaya ang kasama niya?
ANOTHER VILMA SANTOS PROJECT?
Nung araw ring yun, may social media post ang Project 8 Projects ng production meeting nila sa isang pelikulang pagbibidahan ng Star for All Seasons.
Nasa caption nito, “Wait whuuut!! looks like we’re doing a movie with THE Vilma Santos.”
Nasa litrato si Ate Vi kasama si Bryan Dy ng Mentorque Productions at si Direk Dan Villegas.
View this post on Instagram
So, ito kaya ang unang gagawin ni Ate Vi?
Paano ang Espantaho ni Direk Chito Roño?
Nakorner namin sa nakaraang presscon ng Cinemalaya Bente si Direk Dan Villegas, pero wala pa siyang malinaw na sagot kung gagawin na ba ito ni Ate Vi at kung isasali rin ba ito sa MMFF.
Sabi lang niya, “Tingnan po natin. Abangan po. As of now, inaayos pa po namin yung script tapos ipe-present na po namin sa kanya.”
Pero sinabi naman noon ng premyadong aktres na nagustuhan niya ang script at dream project daw niya ito.
Wala pa ring detalye, pero baka ito na nga ang unang gagawin ni Ate Vi.
JERRY OLEA
Kaagad namang sinagot ni Ate Vi ang text sa kanya ng PEP Troika tungkol sa dalawang film projects na ito.
Aniya (published as is), “Wala po muna akong commitment for movie sa MMFF!! Yung sa amin ni Judyann ni-revise pa script, but hindi nakapasok script sa first 5.
“Mula naman noon alam nila na I’m having a meeting too with sila Direk Dan for a movie too...
“Atty. Joji made mention to me na I can go on at tuloy ko na din negotiation ng movie with Direk Dan at Mentorque!
“Direk Chito told me to finish reading the revised script ESPANTAHO… kasi puwede di din pang festival…
“May PERSONAL TALK DIN KAMI NI JUDAY!!! So question mark na lahat sumunod na pangyayari!!
“Had meeting with Direk Dan and the team last night regarding a movie… pero wala sa isip na pang MMFF!
“Kung matuloy… sabi ko… ang importante makagawa ng isang magandang movie na walang pressure!!! Kasama sa usapan yun!!!
“If it’s meant to be… it will happen. Pag hindi… hindi mangyayari.
“Atty. Joji and Direk Chito, at Juday ay mga special na tao sa akin!!! Alam nila yun!! Hindi lang nagtutugma ang mga nangyayari sa ngayon!!!”
Sinabi noon ni Ate Vi na ayaw muna niyang gumawa ng pang-MMFF. Pero hindi naman natin tiyak kung maganda talaga ang project baka naman isa-submit ito sa MMFF at malay natin makakapasok sa lima pang entries na pipiliin.
Ayaw na lang daw magpa-pressure diyan ang Star For All Seasons.
Dagdag niyang text sa PEP Troika, “Wala akong commitment as of now!! Bahala na si Lord!!! Hehehe (praying, smile at moa emoji)
“Ayoko ma-pressure!!! Bawal na sa edad natin! Hahaha!! (heart and smile emoji).”
NOEL FERRER
Walang ka-pressure-pressure na pumuwesto ang MMFF 2023 movie nina Vilma Santos at Christopher de Leon sa top spot ng Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix.
Sir, yes, sir! Number one movie ngayon ang When I Met You In Tokyo sa Netflix PH.
Ang nakakatuwa pa, nananatiling No. 1 ang Pulang Araw sa Top 10 TV Shows in the Philippines sa nasabing streaming platform.
Noong Hulyo 27, Sabado ng gabi, pumuwesto sa No. 1 ng Netflix PH list ang makasaysayang serye nina Alden Richards, Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Dennis Trillo.
Read: Pulang Araw, No. 1 agad sa Netflix isang araw matapos mag-stream
This is the first time this year na parehong gawang-Pinoy ang nanguna sa Top 10 Movies at Top 10 TV Shows ng Netflix PH.

Ngayong 2024 ay itong Pulang Araw ang unang likhang-Pilipino na nanguna sa Top 10 TV Shows list.
Before When I Met You In Tokyo, ang Pinoy movie na No. 1 ay iyong Pagpag 24/7 nina Jerald Napoles at Nicco Manalo. Nanguna iyon noong Hunyo 11-14.
Sa buwan ng Agosto ay anim na pelikulang Pinoy ang kasado nang mag-streaming sa Netflix:
Agosto 1, Huwebes — Men are from QC, Women are from Alabang, starring Marco Gallo and Heaven Peralejo
Agosto 7, Miyerkules — Lolo and The Kid, starring Joel Torre and Euwenn Mikael
Agosto 8, Huwebes — Fuchsia Libre, starring Paolo Contis and John Arcilla
Agosto 15, Huwebes — Isang Gabi, starring Diego Loyzaga and Coleen Garcia
Agosto 21, Miyerkules — Elevator, starring Paulo Avelino and Kylie Verzosa
Agosto 23, Biyernes — Litrato, starring Ai Ai de las Alas, Ara Mina, Liza Lorena, Bodjie Pascua, and Quinn Carrillo
