PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis, gumanap na Wilbert Tolentino sa Magpakailanman

Paolo Contis, nami-miss nang gumawa ng drama series.
by PEP Troika
Published Aug 2, 2024
paolo contis wilbert tolentino magpakailanman
Paolo Contis (left) portrays celebrity gay entrepreneur Wilbert Tolentino (right) in Magpakailanman episode titled "A Son's Karma" to be aired on August 2, 2024.
PHOTO/S: GMA Network / File

GORGY RULA

Panibagong gay role ang ginampanan ni Paolo Contis sa bagong episode ng Magpakailanman na mapapanood sa Agosto 3, 2024, Sabado ng 8:15 P.M., pagkatapos ng Running Man Philipppines, sa GMA-7.

Pinamagatang "A Son’s Karma," kasama ni Paolo sina Anna Marin, William Lorenzo, Ashley Rivera, Aidan Veneracion, at Lotlot Bustamante sa MPK episode na idinirek ni Richard Arellano.

Kuwento ito ng negosyante at dating manager ni Herlene Budol na si Wilbert Tolentino.

Read: Wilbert Tolentino, 'MMK-Wish Ko Lang' inspired ang public service program sa FB

Ayon kay Paolo, hindi naman all-out na bading ang role niya rito dahil ang sabi sa script nang nabasa niya ay bisexual si Wilbert.

Na-curious nga raw siya kaya gusto sana niyang makilala si Wilbert , pero hindi ito nakarating sa taping.

Tungkol daw sa pamilya ni Wilbert ang kuwentong ilalahad ng Magpakailanman. Hindi na umabot ang tungkol sa kanila ni Herlene Budol.

paolo contis magpakailanman
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PAOLO CONTIS MISSES DOING DRAMA SERIES

Pagkatapos ng taping ni Paolo sa Magpakailanman, parang na-miss daw niyang mag-drama uli, dahil matagal na rin siyang hindi nakakaarte sa drama series.

Ang dami na raw niyang baon sa mga drama scenes sakaling mag-soap siya uli.

“Sa dami ng drama ko sa buhay, ang dami kong mababaon,” pabirong sabi sa akin ni Paolo.

Sa ngayon ay comedy lang ang ginagawa niya, kung saan isa siya sa mainstays ng gag show na Bubble Gang.

Nagtitiwala raw siya sa Sparkle na mabibigyan siya ng magandang project kung saan makakapagdrama siya uli.

Hindi na ako sinagot ni Paolo nang nagpasakalye na ako ng tanong tungkol sa kanila ni Yen Santos. Alam ko nang iniiwasan pa rin niya itong pinag-usapan.

Read: Paolo Contis, deadma sa rumored breakup nila ni Yen Santos

NOEL FERRER

Masasabing media savvy din itong si Wilbert Tolentino para ilantad sa publiko ang kanyang buhay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang tanong, for what reason? Sana, hindi lang for vanity or popularity if ever.

At since maraming kilalang tao ang posibleng masangkot sa kanyang life story, sana may pag-iingat at fact checking din na naganap.

Sana, may maidulot na mabuti ang pagsasatelebisyon ng buhay ni Wilbert na I’m sure kayang-kaya ni Paolo Contis na gampanan.

By the way, sa Agosto 8 na ang Netflix streaming ng pelikulang Fuchsia Libre kung saan gay rin ang role ni Paolo.

JERRY OLEA

WHO IS WILBERT TOLENTINO?

Mula sa pagiging negosyante, naging Mr. Gay Philippines 2009 si Wilbert Tolentino, at lumahok sa Mr. Gay World 2009 sa Canada.

And then, naging pageant producer siya. Tapos, manager.

Dinala niya sa Pilipinas ang Thai na si Mader Sitang, pero ang pagma-manage sana niya rito ay naging malaking bangungot sa kanya.

Nag-manage siya kapagkuwan kina Madam Inutz, at Herlene Budol aka Hipon Girl. Naging content content creator.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kasagsagan ng pandemya ay napaka-generous ni Wilbert. Kung anu-ano ang kanyang online contests sa iba-ibang demographics.

Binansagan siyang "Ka-Freshness."

Nagkaroon ng public service program sa Facebook na Dear Wilbert.

Naging singer, na may paandar pang mukbang dance craze sa kantang "Kain Tayo" na inspired ng isyu kina Herlene at Rob Gomez.

“Ulala, ulala, ulala, ehhh..."

wilbert tolentino kain tayo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-artista rin si Wilbert at gumanap na Dr. Wilford Bernardo sa Kapuso primetime series na Black Rider.

ASOKA CHALLENGE

Sumabak siya sa Asoka Makeup challenge. Ten hours ang ginugol ni Wilbert para ma-perfect ang kanyang version ng Asoka makeup challenge. Kasama ni Wilbert ang kanyang anak na si Willard King sa short video.

"Mahilig kasi sumama sa akin ang anak ko. Sabi niya, gusto niya sumama sa video kaya ayun, nag-collab kami.

"Pero pinaliwanag ko naman sa anak ko na kaya ako nagme-makeup dahil trabaho lang ito ni Papa bilang content creator," sabi ni Sir Wilbert.

Single parent si Sir Wilbert sa kanyang biological son at ibinubuhos niya ang lahat ng oras at resources niya para kay Willard King.

Abangan ang life story ni Wilbert this Sabado night sa Magpakailanman.

Aniya, “Sana po, ma-motivate ko kayo at ma-inspire ko kayo dahil sa buhay, kailangan hindi tayo sumusuko. Dapat laging laban, at lagi tayong handa sa lahat ng mga hamon sa buhay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis (left) portrays celebrity gay entrepreneur Wilbert Tolentino (right) in Magpakailanman episode titled "A Son's Karma" to be aired on August 2, 2024.
PHOTO/S: GMA Network / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results