PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ama ni Carlos Yulo, nilinaw na hindi pera ang ugat ng isyu nila

Mark Andrew Yulo: "Magulo pala pag ganito, pag marami kang pera."
by PEP Troika
Published Aug 7, 2024
mark andrew angelica carlos yulo
Mark Andrew Yulo on money-issue allegations: “PHP6 million pa lang yung pera niya [Carlos], then naging PHP11 million. Hindi naubos yun. Bakit namin nanakawin yan? Kung nasa amin yung pera, sana umalis na kami sa looban. Sana may mga account na kami, may kotse na kami. Wala nga kami, nagko-commute lang kami.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / One Sports YouTube

GORGY RULA

Mahigpit na nagyakap ang mga magulang ni Carlos Yulo na sina Mark Andrew at Angelica Yulo pagkatapos humarap sa media ni Angelica ngayong Miyerkules ng tanghali, Agosto 7, 2024, sa Heroes Hotel sa San Andres, Manila.

Hindi napigilan ni Angelica na mapahagulgol habang niyayakap siya ni Mark Andrew.

Humingi si Angelica ng tawad kay Carlos dahil sa ipinost nito sa Facebook at mga sinabi niya sa isang interview.

Read: Carlos Yulo's mother Angelica offers tearful apology to son: "Patawad, anak."

Pero ayon kay Mark Andrew, taong 2022 pa lang ay nagkasamaan na ng loob ang mag-inang Angelica at Carlos—dahil sa girlfriend ng atleta na si Chloe San Jose.

“Girlfriend lang talaga, e,” bulalas ni Mark Andrew.

Pero hindi na niya idinetalye kung ano ang hindi nagustuhan ng kanyang asawa sa girlfriend ng kanilang anak.

NOT MONEY ISSUE

Ayon pa sa ama ni Carlos, hindi pera ang pinag-awayan ng mag-ina dahil hindi umano nila ito ginalaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“PHP6 million pa lang yung pera niya, then naging PHP11 million. Hindi naubos yun. Bakit namin nanakawin yan?

“Kung nasa amin yung pera, sana umalis na kami sa looban. Sana may mga account na kami, may kotse na kami.

"Wala nga kami, nagko-commute lang kami,” himutok ng ama ni Carlos.

Kung anuman daw ang gustong gawin ni Carlos sa incentives na matatanggap, desisyon na raw niya iyon. Hindi raw sila makikialam, dahil nasa tamang edad na ang kanilang anak.

Ayon kay Mark Andrew, “Kahit wala naman kami, sanay naman kami walang pera, e.

"Sanay kami sa problema, sanay kami sa mga ano… kahit ano lang ang kinakain namin. Sanay kami sa asin.

“Gusto ko sana yung masaya lang kami. Gusto ko nga sana mabalik yung dati, kasi… kaya lang ngayon? Magulo pala pag ganito, pag marami kang pera.

“Gusto ko yung bago siya sumikat nung 2019. Gusto ko yung masaya lang kami. Masaya kami, kumakain kami sa labas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lahat naman yan mag-aasawa, mga anak. Pero ang gusto ko, yung bonding lang, masaya.”

Read: Carlos Yulo breaks silence on money issue with his mother

Carlos Yulo's father hopes to end rift between son and Angelica Yulo
Carlos Yulo (center) with his parents before their family issue.
Photo/s: Adamson University Facebook

NOEL FERRER

Sa kabila nito, bilib pa rin daw si Mark Andrew sa anak dahil kahit umalis ito pa-Paris Olympics na may samaan sila ng loob ng ina, nagawa pa nitong mag-training nang maayos at nakadalawang gold medals pa na matagal na raw nitong inaasam.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa ngayon ay hindi pa raw sila nag-uusap na mag-ama, pero sa pagkakaalam niya ay may komunikasyon naman si Carlos at mga kapatid nito.

Pero ang tanging hiling lang daw ni Mark Andrew ay magkaayos silang lahat, lalo na si Carlos at ang ina nito.

Nahirapan na raw siyang pumagitna sa mag-ina.

Hindi raw niya inaalam kung ano ang plano ni Carlos sa mga matatanggap nitong incentives.

Ang tanging concern lang daw niya ay maging okay silang buong pamilya at magkabati na ang mag-ina.

“Kanya na lahat yun, basta magkaayos lang sila. Goods na ako. Mabait na bata naman yan, e.

“Balikan na sana niya ang mama niya, kahit huwag na ako. Karugtong ng buhay niya yan e,” sabi pa ni Mark Andrew.

Read: Carlos Yulo reveals plans for incentives after double gold feat

JERRY OLEA

Nalulungkot lang daw si Mark Andrew na dapat ay nagbubunyi tayo sa tagumpay at karangalang dala ni Carlos para sa ating bansa. Pero naka-focus daw ngayon ang lahat sa isyu ng pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ano yung social media, e, yung mga nagko-comment, lalong pinapalala, e. Nagbabago lang yun ano.

"Kaya nga hindi na iyan [Angelica] nakatulog, e. Ayoko na mag-Facebook. Nakadalawang gold tayo, tapos ganyan!

“Nagagalit na yung mga kapitbahay, ipinagtanggol nila yung asawa ko. Marami ang nagtatanggol sa asawa ko.

“Sinasabi nila, nagsusugal kami. Hindi nga!

“Dun na lang sana nag-focus, e, dun sa victory niya.

"Dalawang gold yun, history yun, tapos ganyan!

"Ang buong Pilipinas, nagdidiwang, tapos ganyan?” saad ni Mark Andrew.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Andrew Yulo on money-issue allegations: “PHP6 million pa lang yung pera niya [Carlos], then naging PHP11 million. Hindi naubos yun. Bakit namin nanakawin yan? Kung nasa amin yung pera, sana umalis na kami sa looban. Sana may mga account na kami, may kotse na kami. Wala nga kami, nagko-commute lang kami.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / One Sports YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results