Nag-react ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo sa mga incentive na ipagkakaloob sa kanya ng private companies at government agencies.
Nagbigay ng karangalan sa Pilipinas si Carlos, 24, matapos makopo ang dalawang gintong medalya sa men’s gymnastics sa ongoing na 2024 Paris Olympics.
Read: Carlos Yulo wins back-to-back gold medals for the Philippines
Sa ngayon, lampas PHP60 million in total na ang halaga ng cash and property incentives ang naghihintay kay Carlos dahil sa dalawang Olympic gold medals na natamo niya.
At this writing, mayroon nang PHP32-million guaranteed cash incentive si Carlos.
Recently ay in-upgrade ng isang real-estate company ang insentibo nila sa atleta na dating PHP26-million condo unit to PHP32-million fully furnished unit.
Read: Carlos Yulo incentives breach P60M after Megaworld condo upgrade
Ilan lamang ito sa mga incentive kay Carlos at patuloy pang lumalaki.
“Wow, I did not know that,” nangingiting sambit ni Carlos nang banggitin ni ABS-CBN reporter Dyan Castillejo ang ilan sa makukuha niyang incentives.
Na-interview nang live si Carlos sa TV Patrol ngayong gabi ng Lunes, August 5, 2024.
Si Carlos ay nasa Paris, France pa rin.
Read: Carlos Yulo's mother speaks up about "mukhang pera" accusations
CARLO’S PLANS FOR THE MULTI-MILLION PESO INCENTIVES
Tila hindi pa lubusang naiisip ngayon ni Carlos kung ano ang gagawin niya sa napakalaking gantimpalang naghihintay sa kanya.
“Yun nga din po, hindi ko na rin po, right now, alam…” saad niya.
“Pero may mga tao na po akong kilala na tutulong po sa akin and magma-manage po ng ganito.
“And siyempre, si Ma’am Cynthia palagi lang po siya nandiyan. Mag-a-ask po ako ng mga questions kung paano magandang gawin sa money.”
Ang tinutukoy ni Carlos na "Ma'am Cynthia" ay si Gymnastics Association of the Philippines president Cynthia Carrion, na napapansin din ngayon matapos tumama ang kanyang prediksiyon na makakakuha ng dalawang gold medals si Carlos.
Pero ang tiniyak ni Carlos ay hindi niya sasayangin ang mga biyayang ipagkakaloob sa kanya para paghandaan ang kanyang kinabukasan.
Katuwiran niya, “Pero for sure, I’m gonna save it and invest po in the future. Hindi naman po ako palaging atleta.
“Minsan lang ito. Shinoot ko yung shot ko and tumama naman po.
"I’m really grateful po kay Lord talaga.”
Read: Carlos Yulo, GF charm netizens with post-victory celebration
WHAT’S NEXT FOR CARLOS?
Ibinahagi rin ni Carlos kung ano ang pagtutuunan niya ng pansin matapos ang kanyang strong Olympics 2024 finish.
Aniya, “Siguro after nito, focus po muna ako sa personal life ko, pero hindi ko pa rin po pababayaan ang physical health and mental health.”
Kinumpirma niyang magpapahinga muna siya.
Sabi ni Carlos, “Wala din naman po akong competition. As of now, ito na po yung pinakamalaking competition ko.”
Pag-amin pa niya, “Naging stressful din po yung taon na ito. So, focus muna din sa sarili and ia-align ko po yung utak ko ulit, and make ng plans ulit for another Olympic cycle.”
Tiniyak din ng Pinoy athlete na sasabak siya sa 2028 Los Angeles Olympics.
“Yes po. Definitely po. One-hundred percent po.”
