GORGY RULA
Inaasahan ang pagtatapat sa Senado ngayong araw ng Lunes, August 12, 2024, ni Sandro Muhlach at ng dalawang independent contractors ng GMA-7 na sina Jojo Nones at Richard "Dode" Cruz.
Inaakusahan ni Sandro ng sexual harassment sina Nones at Cruz.
Read: GMA-7 names "independent contractors" in Sandro Muhlach incident
Nakatakda ang hearing ngayong alas-dose ng tanghali, kung saan muling pag-uusapan sa Committee on Public Information and Mass Media, na pinamumunuan ni Senator Robin Padilla, ang topic on Policies of Television Networks and Artist Management Agencies.
Noong nakaraang linggo ay hindi nakadalo sina Nones at Cruz sa unang hearing nito, kaya ipina-subpoena sila.
Muli silang inimbitahang dumalo ngayong araw, kaya inaasahan na ang kanilang pagdating.
Read: Niño Muhlach gets emotional at Senate hearing on son's ordeal
WILL THERE BE A FACE OFF?
Pinag-uusapan na sa Senado ang tinatawag nilang “face off” ng dalawang kampo.
Pero wala pa kaming nakukuhang sagot mula sa kampo ni Sandro kung dadalo ang baguhang aktor, o kung ama nitong si Niño Muhlach pa rin ang magre-represent sa kanya, kasama ang kanilang legal counsel.

Sabi sa tanggapan ni Senator Padilla, bibigyan ng pagkakataong maipahayag nina Nones at Cruz ang kanilang panig kaya ipinakiusap na huwag na silang harangin. Hayaan daw munang makapagbigay ng kanilang pahayag ang dalawa.
May naririnig din kaming gagawing closed-door meeting ito, pero hindi ito kinumpirma sa amin.
Abangan na lang natin ang nakatakdang pagtatapat ni Sandro, kasama ang kampo nito, at nina Nones at Cruz, kasama ang kanilang legal counsel na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.
NOEL FERRER
Nabasa kong isang “absolute denial” of the charges filed ang sagot ng dalawang independent contractors ng GMA-7. Aabangan na lang natin iyan mamaya.
Read: Jojo Nones at Dode Cruz, itinangging nag-apologize sila kay Niño
May usap-usapan din doon sa Senado na baka dinggin din daw ang reklamong sexual harassment din ng isang news researcher laban sa program manager ng News and Current Affairs ng naturang TV network.
Read: Talent accuses TV5 News and Current Affairs program manager of sexual harassment
JERRY OLEA
Pag nagkataon, nakakapanginig ng laman at t*mb*ng ang pagdinig na ito sa Senado.
Maiimbitahan kaya sa hearing na ito si Gerald Santos na nagsiwalat sa YouTube ng kanyang saloobin kaugnay sa mapait na karanasan mahigit isang dekada na ang nakaraan?
Read: Gerald Santos on why he is speaking up amid Sandro Muhlach issue
Aba! Nagkataon na si Richard “Dode” Cruz ang episode writer ng life story ni Gerald na ipinalabas noon sa Magpakailanman!
Nauungkat ang iba pang kaso ng sexual harassment o kahalayan. Pasok ba riyan ang isyu nina Rhys Miguel at Patrick Quiroz kung dadalirutin ang “aksyon” ng management sa reklamo ni Rhys?
Read: Ex-PBB housemate Rhys Miguel accuses singer-actor Patrick Quiroz of inappropriate sexual behavior
Nandiyan din ang hinaing ng isang poging mang-aawit na sa sobrang kalasingan ay hindi masabi nang diretsahan kung naging “midnight snack” ba siya ng isang bading na independent contractor ng GMA-7.
Read: Direktor, vindicated sa “midnight snack” issue ng poging singer
May nakausap kaming Kapuso director at Sparkle artists na ayaw sumawsaw sa maselang isyu na ito.
Abang-abang ang mga Kasubo kung may mga pasabog ba sa “face off” sa Senado ang kampo ni Sandro Muhlach at ang panig ng dalawang akusado!!!
