PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yasser Marta, muling nakapiling ang ama pagkalipas ng 15 taon

Yasser Marta, inaming may galit pa rin sa kanyang ama.
by PEP Troika
Published Aug 12, 2024
yasser marta fatherland storycon
Yasser Marta on being reunited with his estranged father: “Siyempre masaya nung una ko siyang makita. Pero andami ring ano, e, parang andami ring… Pag sinabi ko rin sa kanya yung… pagdating niya na after 15 years, ito na pala yon. Hindi pa rin siya nag-aano sa akin po, e. Parang hindi pa rin pumapasok sa loob ko. Pero ayun, para rin sa nanay ko. Para maging masaya ang nanay ko."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Bago ang storycon at open forum ng pelikulang Fatherland noong Agosto 10, 2024, Sabado, sa Manila Hotel, nakatsikahan na namin ang isa sa cast members na si Yasser Marta.

Read: Yasser Marta admits falling for Claudine Barretto

“Ako po rito si Arif Akhmed, isa akong young terrorist leader sa Mindanao,” paglalarawan ng Kapuso hunk actor sa kanyang role sa movie.

“Parang MNLF yung datingan pero ako yung lider kung saan magiging miyembro si Sir Allen [Dizon] sa aking grupo.”

Nag-alangan ba siya na tanggapin ang papel na terorista?

Napangiti si Yasser, “Parang yun nga ang mas gusto ko! Kasi parang puro na lang boy-next-door, leading man. Drama.

“Parang ito naman, na-excite ako kasi puwede kong paglaruan yung karakter. Saka feeling ko, bagay sa akin yung dating, e.

“Yung character description kasi, ISIS [Islamic State of Iraq and Syria] daw. ISIS yung kuwento.”

Bilang paghahanda, bini-visualize niya ang gagampanang karakter. Hindi siya nag-ahit. Nagpahaba ng buhok. Nag-eyeglass.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos siguro physical naman. Kasi alam ko, parang medyo action yun daw story arc na kasama kami,” dagdag ni Yasser.

“Kailangan magbuhat. Sa ngayon, yun pa lang. Looks pa lang, at yung physical.”

Read: Yasser Marta, wala raw dapat ikahiya kapag naghubad sa pelikula

yasser marta ON WHY HE did not attend gma gala

Kasama ba siya sa rarampa sa Bench underwear and jeans show na Body of Work?

“Sa ngayon hindi ko pa po alam. Wala pang sinasabi sa akin, e. Hopefully sana, maimbitahan ako ulit.”

Aba! Isa siya sa Bench Body models na nagpakilig last year sa mga diwata at sirena, huh?!

Natawa si Yasser, ““Ha! Ha! Ha! Mga balahibo ang nagpakiliti! Ha! Ha! Ha! Sana, sana. Hindi ko pa alam, wala pang sinasabi sa akin.”

yasser marta bench
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bawal tanungin silang Sparkle artists tungkol sa independent contractors na um-attend sa GMA Gala noong Hulyo 20, di ba?

Read: GMA-7 names "independent contractors" in Sandro Muhlach incident

Napahalakhak muli si Yasser, “Ha! Ha! Ha! Wala akong alam diyan. Hindi ako nag-attend ng Gala. Hindi ako nag-attend.”

Bakit hindi siya um-attend? May iniwasan siya?

“Months pa lang, nag-‘no’ na ako. Kasi, dumating ang tatay ko. After ten years, ngayon lang kami nagkita ulit,” paliwanag ni Yasser.

“Galing siya sa Saudi, sa Riyadh. So, ngayon pa lang ang time na mas nag-focus ako sa family.”

Bakit hindi agad nakapunta ng Pilipinas ang tatay niya?

“May problema kasi siya sa trabaho niya. Ngayon pa lang, naayos na niya. Nakauwi siya,” tugon ni Yasser, na nagdiwang ng ika-28 kaarawan noong Hulyo 28.

“So, after ten years, ngayon pa lang kami nakapag-bonding.”

Maliban kina Yasser at Allen, kasama sa cast ng Fatherland sina Iñigo Pascual, Cherry Pie Picache, Ara Mina, Angel Aquino, Mercedes Cabral, Max Eigenmann, Jim Pebanco, Jeric Gonzales, Richard Yap, Rico Barrera, Abed Green, Bo Bautista, at Ara Davao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang direktor ay si Joel Lamangan, at ang scriptwriter ay si Roy Iglesias.

Joint venture ito ng BenTria Productions ni Engr. Benjie Austria, at Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista.

Read: Cherry Pie Picache, "tinakot" si Mercedes Cabral

NOEL FERRER

During the open forum ng Fatherland, isiniwalat ni Yasser Marta na galit siya sa kanyang tatay.

“Kasi nung bata kami, parang iniwan niya kami, ganun. Pero kuwento ko lang din, after almost 15 years, umuwi siya last week dito sa Pinas,” lahad ni Yasser.

“So, halu-halong emosyon. Pero happy naman at nagkasama na ulit yung pamilya. Pero umalis na siya last night. Hinatid namin.

“So, medyo maraming emosyon. Hindi pa nagsi-sink in sa akin. Pero happy, at least nagkita na. Nakapag-usap na yung pamilya.”

Bale 13 years old si Yasser nang mapalayo sa ama, noong lumipat sila sa Pilipinas.

“Born and raised po ako sa ibang bansa, e. Nung pumunta kami dito, di na uli kami nag-usap at nagkita,” sabi ni Yasser.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos last year lang siya umuwi.”

Galit pa rin si Yasser sa kanyang ama kahit nagkausap na sila after 15 years?

Sagot ng Kapuso hunk actor, “Siyempre masaya nung una ko siyang makita. Pero andami ring ano, e, parang andami ring…

“Pag sinabi ko rin sa kanya yung… pagdating niya na after 15 years, ito na pala yon?

“Hindi pa rin siya nag-aano sa akin po, e. Parang hindi pa rin pumapasok sa loob ko.

“Pero ayun, para rin sa nanay ko. Para maging masaya ang nanay ko.

"Ayun, parang binuo ko na lang po yung samahan namin, yung family ko.”

GORGY RULA

Hindi raw talaga napaghandaan ni Yasser ang pagdating ng kanyang ama.

Parang one week before lang daw nasabi sa kanya na darating ito, at hanggang sa pagdating nito ay tila hindi pa talaga nag-sink in sa kanya na bumalik na ang kanyang ama.

Sabi ni Yasser, tinanggap na rin niya dahil matanda na raw ang kanyang magulang. At nakita naman daw niya ang saya sa kanyang ina nang magkita sila uli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon, bumawi naman siya. Kaya okay na rin. Nagkaroon na rin ng… masaya na rin siya, saka si Mama.

“Oo e. Nakita ko nga parang kinilig na rin siya. Pero yun, nakita ko ang saya ni Mama. Kaya tinanggap ko na rin,” pakli ni Yasser.

Naging matatag naman daw siya sa pagpapabaya ng kanyang ama, dahil siya na ang tumayong ama sa kanyang kapatid at sa buong pamilya.

“Ang natutunan ko kasi nung una ako ang naging breadwinner. Natuto akong tumayo talaga bilang isang tatay ng pamilya. Ako ang nag-provide sa nanay ko, sa kapatid ko.

“Thankful din, kasi hindi ako magiging ganito e, maging responsable, kung hindi ito nangyari sa amin. Natuto akong mamuhay mag-isa,” saad ni Yasser.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yasser Marta on being reunited with his estranged father: “Siyempre masaya nung una ko siyang makita. Pero andami ring ano, e, parang andami ring… Pag sinabi ko rin sa kanya yung… pagdating niya na after 15 years, ito na pala yon. Hindi pa rin siya nag-aano sa akin po, e. Parang hindi pa rin pumapasok sa loob ko. Pero ayun, para rin sa nanay ko. Para maging masaya ang nanay ko."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results