PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pagdinig ng Senado sa reklamo ni Sandro Muhlach, hindi pa tapos

Sandro Muhlach, inaasahang magbibigay rin ng pahayag.
by PEP Troika
Published Aug 12, 2024
sandro nino jojo dode sxual harassment
The Senate hearing on sexual harassment complaint of Sparkle artist Sandro Muhlach (extreme left), son of actor Nino Muhlach (second from left) will still continue after the appearance of GMA-7 independent contractors Jojo Nones (second from right) and Richard "Dode" Cruz (extreme right).
PHOTO/S: Twitter / Facebook

GORGY RULA

Hindi pa tapos ang pagdinig at imbestigasyon ng Senado sa reklamong sexual harassment ni Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors ng GMA-7 na sina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz.

Ngayong Lunes, Agosto 12, 2024, ay humarap ang dalawa upang ihayag ang kanilang panig sa mga alegasyon ni Sandro.

Mariin nilang pinabulaanan ang bintang na sexual harassment laban sa kanila.

Ipapatawag pa raw sila uli sa susunod na pagdinig.

Read: Jojo Nones, Dode Cruz strongly deny allegations of Sandro Muhlach

Jojo Nones, Richard Cruz denies allegations of Sandro Muhlach
Dode Cruz (left) and Jojo Nones (right) during the Senate hearing
Photo/s: Screengrab Senate of the Philippines Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaasahang magbibigay na rin si Sandro ng kanyang pahayag kaugnay sa isinampa niyang reklamo.

Kanina, nagkaroon ng executive session kung saan pinagbigyan nila ang hiling ni Nones.

Sa takbo ng imbestigasyon, tila naka-focus na ito sa isyu ni Sandro at ng dalawang independent contractors.

Sa simula ng pagdinig, bago nagkaroon ng executive session, inaasahan naming magiging malawak ang usapin dahil binanggit ni Senator Robin Padilla na meron pang isang nagsangguni sa kanila.

Ito ay isang lalaki na nagreklamo ng sexual harassment sa mga kapulisan pero pinagtawanan lang daw siya ng mga ito.

Posibleng ang tinutukoy niya ay ang dating news researcher na inireklamo ng sexual harassment ang isang program manager ng TV5 News and Current Affairs.

Hindi dumalo ang lalaking nagreklamo sa hearing ngayong Lunes, dahil mas gusto nitong sa telepono lang siya kausapin.

Read: Talent accuses TV5 program manager of sexual harassment

REVISIONS ON ANTI-RAPE LAW

Binanggit naman ni Senator Robin na may ginawa na umano silang aksyon kaugnay sa Anti-Rape Law.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Kanina po nag-file na po kami ng amyenda sa Rep. Act 8353. Eto po yun sa Anti-Rape Law, na dapat po sa pamamagitan ng pagsigurong mas gender-responsive ang ating batas kung ang biktima ng sexual assault ay babae man o lalaki.

“Wala na pong pinipili. Kasi dati ano po, e…pagdating sa rape, wala raw po rape pagdating sa lalaki. Iyun po ang medyo malungkot na ganap.”

Nilinaw naman ng taga-National Bureau of Investigation na si Ms. Rodelyn Lumampao na 10 percent lang ang mga kalalakihang naghahain ng reklamong rape sa kanilang ahensya.

“Meron po nagrereklamo pero very minimal po when it comes to kalalakihan. This is not new to us… this case. However, konti lang po talaga ang nagrereklamong kalalakihan,” sabi ni Lumampao.

Pero pareho naman daw ang atensiyon na ibinibigay nila sa mga kababaihang nagrereklamo ng ganung kaso.

“Sa amin po sa NBI, hindi po kami kumikiling sa mga kababaihan lamang. Open po kami in all sexes—babae, lalaki… gender sensitive. Meron din po kaming naging mga kliyente na member ng third sex na may reklamo rin po.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Itong violation na ito, itong pamomolestiya na ito ay hindi lang nakaakibat sa kababaihan lamang.

“So, kami po sa NBI, open po kami irregardless po of what gender. We will investigate, and we will cater the same way as we do to the women and children,” saad nito.

Inaasahang mapagtibay itong Anti-Rape Law para sa proteksiyon ng hindi lang mga kababaihan at kabataan, kundi sa lahat na gender.

Sana, hindi maligaw ang tunay na purpose ng pagdinig na ang topic nito ay Policies of Television Networks and Artist Management Agencies.

Para hindi isipin ng ibang netizens na sumasawsaw lang ang Senado sa mainit na isyu nina Sandro Muhlach, Richard Cruz, at Jojo Nones.

Read: Niño Muhlach gets emotional at Senate hearing on son's ordeal

NOEL FERRER

Nilinaw ni Senator Padilla na hindi huwes ang Senado.

Iyon ay kasama sa mga inimbestigahan na may kaugnayan sa dapat na pag-uusapan ang Policies of Television Networks and Artist Management Agencies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Hindi po kami huwes. Hindi hukuman ito. Hindi naming papel iyan.

"Poproteksiyunan po namin ang inyong karapatan dito. Katulad po ng pagpo-protect sa inyo ng ating mga law enforcement.”

Sana nga, ganoon ang mangyari. Yun lang!

JERRY OLEA

Mainit na pinag-uusapan ang reklamo ng 23-anyos na si Sandro Muhlach laban sa independent contractors ng GMA 7 na sina Jojo Nones at Richard Nones.

Kaugnay iyon sa naganap umano noong Hulyo 21, Linggo ng madaling-araw, ilang oras matapos ang GMA Gala (na inabot ng 5:00 A. M. ang after-party).

NEWS RESEARCHER VS TV5 PROGRAM MANAGER

Ang program manager ng News and Current Affairs department ng TV5 na si Cliff Gingco naman ang inireklamo ng isang 22-anyos na lalaking talent/news researcher ng programang Budol Alert.

Read: Raffy Tulfo calls out TV5 for sexual harassment complaint

Ayon sa source ng PEP Troika, magkalapit ng tirahan sa Mandaluyong City ang talent at si Gingco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkainuman daw ang dalawa sa isang bar sa Brgy. Poblacion, Makati City. Nalasing ang lalaking talent.

Sa halip na ihatid ang lalaking talent sa bahay nito, dinala raw ni Gingco ang lalaking talent sa isang hotel sa Ortigas Center, Pasig City, noong Hulyo 23, Martes.

Take note na noong Hulyo 24, Miyerkules, ay humagupit ang bagyong Carina.

Habang todo buhos ang ulan noong araw na iyon ay wagas din marahil ang dinaramdam ni Sandro at ng lalaking talent ng Singko.

For sure, may CCTV footages sa mga hotel kung saan may nangyari umano kay Sandro at sa male talent ng TV5.

Nang magkaroon ng isyu noon kay Awra Briguela sa isang bar doon din sa Brgy. Poblacion ng Makati City, well documented ang inasal ni Awra.

Read: Awra Briguela bar brawl incident: A timeline

Abangan kung kailan haharap sa Senado si Sandro, at kung magpapakita rin doon ang lalaking talent ng Budol Alert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iimbitahin din kaya ng Senado si Gerald Santos upang isalaysay ang karanasan niya noon sa isang gay na close friend umano ng isang TV executive?

Read: Gerald Santos on why he is speaking up amid Sandro Muhlach issue

Magsasalita kaya ang isang poging mang-aawit na nalasing, at pakiwari ay ginawa siyang “midnight snack” ng isa ring independent contractor?

Kagaya ni Sandro at ng Kapatid talent, nasa 20s ang edad ng poging mang-aawit.

Read: Direktor, vindicated sa “midnight snack” issue ng poging singer

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Senate hearing on sexual harassment complaint of Sparkle artist Sandro Muhlach (extreme left), son of actor Nino Muhlach (second from left) will still continue after the appearance of GMA-7 independent contractors Jojo Nones (second from right) and Richard "Dode" Cruz (extreme right).
PHOTO/S: Twitter / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results