GORGY RULA
Isinugod sa hospital ngayong Martes ng umaga, August 13, 2024, si Richard "Dode" Cruz, isa sa independent contractors na inakusahan ng sexual harassment ni Sandro Muhlach.
Ayon sa legal counsel ni Cruz na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, lalong tumindi ang anxiety attack ni Cruz pagkatapos nilang humarap ni Jojo Nones sa Senate hearing noong Lunes, August 12.
Read: Jojo Nones, Dode Cruz deny allegations of Sandro Muhlach

Ilang beses kong nakikita noon si Cruz sa media conference ng mga drama series ng GMA-7.
Kaya kapansin-pansin ang pagbagsak ng katawan at ang laki ng eyebags niya nang nakita ko siya sa Facebook live ng Senate hearing kahapon.
NONES AND CRUZ SUFFERRING FROM PHYSICAL AND PSYCHOLOGICAL STRESS
Sinabi ni Atty. Garduque, nagka-anxiety attack ang kliyente niya magmula nang pumutok ang eskandalong ito.
Saad niya, “Yes, Dode was rushed to the hospital today. He has anxiety attacks after the hearing yesterday and was rushed to the hospital this morning.
“As I previously mentioned, my clients had been suffering physical and psychological stress since their names and images were posted on social media as alleged persons who abused Sandro Muhlach.
“Despite presumed innocent and no case filed, they were being crucified online as if already liable. I think the Senate hearing took so much toll to Dode and aggravates his condition.
“Currently, he is admitted to the hospital and tomorrow he will undergo endoscopy and colonoscopy.”
Lalo raw itong na-stress nung napanood nila ang pagpunit ni Senator Jinggoy Estrada sa ipinadala nilang letter sa unang hearing ng Senado noong nakaraang linggo.
Bukod pa roon ay may order nang ipa-subpoena sila ni Nones.
Read: Senator Bong Revilla, naniniwala sa akusasyon ni Sandro Muhlach
NOEL FERRER
Kung in aid of legislation, sa tingin natin, mas tutukan sana ng Senado ang pagpapatibay ng anti-sexual harassment law na dapat mayroon ang lahat ng opisina (hindi lang sa showbiz) at yung plano talaga ni Senator Robin Padilla na pag-usapan ang batas ukol sa male rape.
Sana nga, sa korte na pag-usapan ang mga detalye ng kaso ni Sandro Muhlach para maiwasan ang trial by publicity.
O plano bang kumpletuhin ang boses sa insidenteng ito kaya sa susunod na hearing ay dapat nandoon na si Sandro?
Paano na ang ibang nag-cry foul sa sexual harassment sa ibang networks, ipapatawag pa rin ba?
Or ano kaya ang masasabi ng mga mambabatas natin sa comment ng isa sa kanilang kasamahan na nagsasabing ang dami-daming iba pang isyu na dapat asikasuhin at i-prioritize ng Senado at sana, hindi na napalaki ang isyu na ito kung hinayaan nang dumiretso na lang sa korte na siya namang magdedesisyon dapat sa merits ng kaso.
Yun lang!!!
Read: Pagdinig ng Senado sa reklamo ni Sandro Muhlach, hindi pa tapos
JERRY OLE
Nakaka-Stress Drilon para sa independent contractors ang pagsambulat ng isyu kaugnay kay Sandro Muhlach.
May formal complaint na sa GMA Network, at idinulog na sa NBI, tapos sumali pa ang Senado.
Showbiz na showbiz ang dating ng Senate hearing na pinangunahan nina Senator Robin Padilla, Senator Jinggoy Estrada, at Senator Bong Revilla.
NKKLK pa na sa chika-chika ay lumulutang ang paggamit ng droga.
E, ayan at may reklamo ring sexual harassment sa bakuran ng TV5, at may paninindigan din sa usaping ito si Senator Raffy Tulfo.
Read: Raffy Tulfo, binantaan ang TV5 na magpapatawag ng Senate hearing
Siyempre, bukas, Miyerkules, ay magsasaya muna ang mga Pinoy sa pag-welcome kay Carlos Yulo na nagkamit ng dalawang medalyang ginto sa Paris Olympics 2024 sa France.
Read: Heroes’ Grand Homecoming Parade, naghihintay na kay Carlos Yulo at iba pang Pinoy Olympians
E, bukas pa naman ang opening sa local cinemas ng Un/Happy For You na reunion movie nina Julia Barretto at Joshua Garcia.
Kung si Carlos Yulo ay may isyu sa kanyang ina, si Julia naman ay may isyu sa kanyang amang si Dennis Padilla.
Take note na nasa Ghost Month tayo, at sa Linggo, Agosto 18, ang Ghost Festival.
