PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ogie Alcasid, proud na mayroon ding international celeb friends

Ogie, may connect kina Jae Park at John Cena.
by PEP Troika
Published Aug 19, 2024
ogie alcasid jae park john cena
Ogie Alcasid (left) shares to PEP.ph that he is friends with Korean-American singer Jae Park (center) and he is followed on Instagram by actor-wrestler John Cena (right).
PHOTO/S: Gorgy Rula / Instagram / File

GORGY RULA

Ang saya ng tsikahan namin kay Ogie Alcasid sa nakaraang media conference ng The King 4ever concert ni Martin Nievera na ginanap sa Sky Bar ng Solaire Resort North.

Ang A Team ni Ogie ang isa sa producers ng 42nd anniversary concert ni Martin, kaya nandoon siya sa media conference.

Read: Martin Nievera gustong mag-iwan ng legacy sa industriya, mga anak

Binanggit namin sa kanya na ang gusto sana ni Martin na kumanta sa wedding nila ng partner niyang si Anj del Rosario ay si Michael Bublé.

Sabi ni Ogie, magkumpare si Martin at ang Canadian singer/songwriter.

Marami raw kilalang international artists ang kaibigan ni Martin, kagaya nina Kenny Loggins at David Foster.

Read: Martin Nievera, Anj del Rosario wedding bells soon?

OGIE ALCASID'S INTERNATIONAL CELEBRITY FRIENDS

Nagpasiklab naman si Ogie na meron din naman daw siyang kaibigan kagaya nina Jae Park at John Cena.

Iyon lang daw ang puwede niyang maipagmalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinuwento niyang nagsimula ang friendship nila ni Jae Park nang pinagkumpara ng netizens ang suot niyang Gucci jacket sa kaparehong jacket ng South Korean singer.

Si Jae ay dating miyembro ng K-pop band na DAY6.

Read: Ogie Alcasid, naging kaibigan si Jae Park ng Day6 matapos mag-trend sa Twitter

View this post on Instagram

A post shared by eaJ (@eajpark)

Kuwento ni Ogie, “Meron ako Gucci na jacket, tapos pinost ng fan niya. Siguro three years ago pa ito, four years ago.

“Tas sa ASAP, biglang nag-trend ako. Hindi naman nagte-trend pangalan ko. Yun pala, kasi meron din siyang jacket na ganun. Tapos, who wore it better.

“Tapos sinagot niya. Sabi niya, ako daw; sabi ko, siya. Hanggang nag-follow kami sa isa’t isa.

“Nung pandemic, nag-live kami, nag-usap kami nang live, and we became friends.”

jae park ogie alcasid
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Darating sa Pilipinas si Jae Park sa September 1, at inimbita raw siyang manood ng concert nito.

“Ngayon, dadating siya. Sabi ko, ‘Hey bro, you’re coming.’ Sabi niya, 'Yeah. Please watch,' so in-invite niya ako September 1, somewhere. Manonood lang ako.

“Mabait siya, saka magaling siya mag-English. Binubuyo siya nung mga fans, ‘Hey, you have to meet Sir Ogie. He’s an icon.’”

Ang The King 4ever concert ni Martin Nievera ay nakatakda sa September 27 sa Smart Araneta Coliseum.

NOEL FERRER

Parang nahihiya naman si Ogie na ibinahagi sa aming follower daw niya sa Instagram ang kilalang American actor at wrestler na si John Cena.

“Pina-follow ako ni John Cena. Sabi ko, ‘Totoo ba ito?’ Siguro nagkamali siya,” bulalas ni Ogie.

“Ayoko naman i-flex kasi nahihiya ako. Nahiya ako. Kaya minsan nagdyo-joke ako sa Showtime, ‘John Cena, how are you!’

“Siguro either nagkamali siya o baka meron siyang nagustuhan na tinweet ko. Anyway, John Cena is my follower,” napapangiti niyang pahayag.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi pa raw niya sinubukang makipag-chat at baka deadmahin daw siya.

“Nahiya ako e. Baka i-end follow ako,” natatawa niyang pakli.

Okay na raw na ipagmalaki niya sa aming nagpa-follow sila ni John Cena sa isa’t isa.

"I’m a fan of his acting.

"Kasi sabi ko, si Martin ang dami niyang friends na international. Ako, kilala ko si John Cena at saka si Jae Park,” sabi pa ni Ogie.

JERRY OLEA

Love love love natin si Ogie Alcasid noon pa. Napaka-approachable niya at madaling mapakiusapan.

Thankful ang SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) of which isa ako sa officers kay Ogie at sa managers niya dahil agad siyang pumayag na maging bahagi ng 7th The EDDYS noong Hulyo 7, 2024 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Pasay City.

Bilang president ng OPM (Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit) ay nagmamalasakit siya sa kapwa singers.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Alcasid (left) shares to PEP.ph that he is friends with Korean-American singer Jae Park (center) and he is followed on Instagram by actor-wrestler John Cena (right).
PHOTO/S: Gorgy Rula / Instagram / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results