PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wendell Ramos, tipid ang sagot tungkol sa Sandro Muhlach issue

Wendell, kabilang sa cast ng Shining Inheritance
by PEP Troika
Published Aug 31, 2024
Wendell Ramos
Wendell Ramos, maingat at matipid ang sagot nang tanungin tungkol sa Sandro Muhlach issue. Aniya, “Hindi ako makapag-comment diyan kasi ako talaga, kasi hindi ko pa maisip. Sa totoo lang, napaka-sensitibo ng mga sitwasyon sa both parties. Uulitin ko, mga kaibigan natin sila. Ang hirap. Ang hirap. Kaya pinagdadasal ko na lang bawat isa sa atin.”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Talagang pinrotektahan ang buong cast ng bagong afternoon drama na Shining Inheritance sa miyembro ng entertainment media na gustong magtanong sa kanila tungkol sa mga mainit na siyung kinasangkutan nila.

Dumalo ang nasa main cast na sina Coney Reyes, Kyline Alcantara, Kate Valdez, Paul Salas, Michael Sager at kasama rin sina Wendell Ramos, Aubrey Miles, Roxie Smith, Caruth at Seth dela Cruz.

Shining Inheritance cast
The cast of the new GMA-7 teleserye, Shining Inheritance
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa media conference nito noong Biyernes, August 30 na ginanap sa Studio 6 ng GMA-7, pinili lang ang mga magtatanong sa question and answer portion.

Shining Inheritance cast
Shining Inheritance cast members
Photo/s: Gorgy Rula

Hindi na in-allow ang mag-one-on-one interview, dahil pagkatapos ng Q&A, kaagad silang dinala sa dressing room at hindi na namin sila naharap.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Obvious na iniwas na sila sa mga itatanong namin sa mga isyung kinasangkutan nila, lalo na ang kina Kyline at Kate.

Mabuti at pinagbigyan kami ni Wendell Ramos na makatsikahan siya. Lumabas ito para harapin kami.

GMA Gala 2023 Summit Photo Booth Wendell Ramos
Wendell Ramos
Photo/s: Ryan Ong

WENDELL REVEALS HARMONIOUS RELATIONS AMONG SHINING INHERITANCE CAST AND PRODUCTION CREW

Tinanong namin si Wendell, kung naapektuhan ba ang relasyon nila sa mga staff nang pumutok itong iskandalo nina Sandro Muhlach at ng dalawang independent contractors na sina Richard Cruz at Jojo Nones.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sabi kasi ng ilang nakakausap ko sa GMA-7, mas mabuting huwag na raw makipagkaibigan, lalo na’t makipag-close sa mga artista.

Pero dito sa Shining Inheritance, nakikita ang closeness ng buong cast, pati sa production staff.

Wala naman daw ganun sa kanilang serye, sabi ni Wendell. Talagang malapit daw silang lahat doon at maganda raw ang samahan nila.

“Wala naman. Kasi our director, ano, di ba? Si Direk Jorron na sinabi niya kanina na almost a year na kami magkasama. Pamilya na,” pakli ng aktor.

“Alam naman natin na kung ano man yung nangyari or whatsoever, laging may negative, may mga nangyari.

“But not to the point na lahat naman or everyday ng buhay natin, everyday routine na sa isang kumpanya… hindi lang dito sa industriya, but also from other companies.

“I don’t know… hindi ako makapag-comment kung normal ba nangyayari. Pero regarding on the issue right now, no comment talaga dun,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa September 9 na magsisimula ang Shining Inheritance sa GMA-7, alas-kuwatro ng hapon.

Ibig sabihin, balik sa dating timeslot ang Fast Talk With Boy Abunda na sumusunod ito sa tatlong afternoon drama na Abot Kamay na Pangarap, Lilet Matias: Attorney-At-Law at ito na ngang Shining Inheritance.

Read:

JERRY OLEA:

Hiningan na rin ng PEP Troika ng opinyon si Wendell tungkol sa kinasangkutang iskandalo ni Sandro Muhlach.

WENDELL, MATIPID ANG SAGOT TUNGKOL SA SANDRO MUHLACH ISSUE

Bilang ama, ano kaya ang gagawin niya sakaling mangyari ito sa anak niyang si Saviour Ramos?

Matagal nag-isip si Wendell, dahil ayaw niya sanang magkomento tungkol dito.

“Hindi ako makapag-comment diyan kasi ako talaga, kasi hindi ko pa maisip. Sa totoo lang, napaka-sensitibo ng mga sitwasyon sa both parties.

“Uulitin ko, mga kaibigan natin sila. Ang hirap. Ang hirap. Kaya pinagdadasal ko na lang bawat isa sa atin,” safe na sagot ng 46 years old na aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero naintindihan ba niya itong kalagayan ni Niño Muhlach na talagang nakipaglaban siya para sa kanyang anak?

“Alam mo kahit… regardless… i-set aside natin yung issue. I’ll do everything for my son to protect him.

“Even if yung mga na-accuse or whatsoever, they have their own family also. They have their own parents also na willing to protect them also.

“So, as parent, as father, talagang gagawin naman natin lahat to protect our children, our kids,” saad ni Wendell.

Naganap ang insidente kay Sandro ilang oras pagkatapos ng GMA Gala, kung saan dumalo rin ang karamihan sa mga artista ng Shining Inheritance.

Read:

NOEL FERRER:

Maingat si Wendell sa mga sagot niya tungkol sa mainit na isyu ng sexual harassment dahil mga kaibigan daw niya ang mga involved sa iskandalong ito, at co-actor pa niya rito sa Shining Inheritance si Sandro Muhlach.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko nga, baka may mga sitwasyon lang ngayon… ang hirap kasi mag-comment.

“Very sensitive yung part ng mga issue ngayon, ‘no? Hindi ako pupuwede…parehong mga kaibigan ko lahat. I’m just praying na sana, maayos lahat.

“Hindi ko sinasabing sana balewalain. I don’t wanna comment on that side, kasi lahat sila kaibigan ko. Sana, lahat maging maayos.

“Tulad nang sinabi ni Tita Coney kanina, sana lahat tayo magmahalan, sana lahat tayo… kung ano man yung naging problema, sana maayos,” saad ni Wendell.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wendell Ramos, maingat at matipid ang sagot nang tanungin tungkol sa Sandro Muhlach issue. Aniya, “Hindi ako makapag-comment diyan kasi ako talaga, kasi hindi ko pa maisip. Sa totoo lang, napaka-sensitibo ng mga sitwasyon sa both parties. Uulitin ko, mga kaibigan natin sila. Ang hirap. Ang hirap. Kaya pinagdadasal ko na lang bawat isa sa atin.”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results