PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Running Man PH, consistent double-digit ratings; may Season 3?

Lavender Fields, bagong katapat sa primetime ng Widows' War.
by PEP Troika
Published Sep 2, 2024
runing man philippines cast
The Running Man Philippines runners: (from left) Mikael Daez, Lexi Gonzales, Glaiza de Castro, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Miguel Tanfelix, and Buboy Villar.
PHOTO/S: Running Man Philippines Facebook

GORGY RULA

This weekend na ang huling linggo ng reality show ng GMA-7 na Running Man Philippines.

Masaya ang buong production staff at runners sa magandang performance nito sa ratings. Consistent itong double-digit ratings.

Read: Running Man Philippines Season 2, kumusta ang ratings?

Nitong nakaraang Sabado, August 31, 2024, ay naka-11% ang Running Man PH.

Nung Linggo, September 1, ay naka-11.3% naman ito.

Masaya lang kasi itong panoorin.

Stress reliever nga raw ito sabi ng ibang nakapanood. Nakaka-good vibes daw.

RUNNING MAN PH SEASON 3?

Kaya ang tanong ng karamihan: magkakaroon ba kaagad ng Season 3 ang Running Man Philippines?

Yun na raw ang clamor ng karamihan. Nakikita nila ang maraming comments na nakakarating sa kanila.

Nagkaka-sepanx na raw ang runners, pati mga production staff, kaya hiling na rin nilang magka-Season 3 na agad.

Nagtatanong na raw sila sa mga boss kung kailan nila gagawin ang Season 3.

Dagdag pa nilang request, kung magkaka-Season 3 man, sana kasali na si Ruru Madrid para kumpleto na ang walong runners.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Ruru pala ang kasama nila sa finale episode ng Running Man PH na mapapanood sa Linggo, September 8.

Read: Glaiza de Castro on "intimidating" tag by Miguel Tanfelix

running man ph cast with sandara park
The cast of Running Man Philippines with guest Sandara Park (with orange towel).
Photo/s: Running Man Philippines Facebook

NOEL FERRER

Mukhang nasa labas ang karamihang televiewers last weekend dahil suweldo, kaya hindi ganun kataas ang TV ratings ng mga programa nitong nakaraang weekend.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maliban pa rito, marami na talaga ang mas preferred manood sa YouTube at iba pang social media platforms.

Tila hindi naman nakatulong ang pa-"Havana" production number ni Chloe San Jose sa ASAP Natin ‘To noong Linggo, September 1.

Pinag-usapan online ang guesting ng girlfriend ni Carlos Yulo, pero hindi naman dumikit ang ratings ng Kapamilya musical-variety program sa rating ng katapat nitong All-Out Sundays.

Read: Chloe San Jose wows netizens with ASAP comeback

Naka-3.8% ang All-Out Sundays, habang ang ASAP ay naka-2.4%.

Chloe San Jose, ASAP
Chloe San Jose in ASAP Natin 'To
Photo/s: Screenshot from Kapamilya Online
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod ang GMA Blockbuster, kung saan showing ang Love You to the Stars and Back ng JoshLia, na naka-3.7%.

Ang Sunday Blockbuster naman ay 3.3%, at 0.8% ang Puhunan Mo.

Ang Regal Studio Presents ay 3.9%, at ang Goin' Bulilit ay 0.6% lamang. Sumunod ang Resibo na naka-4.8%.

WEEKEND PRIMETIME RATINGS

Pagdating sa primetime ng Linggo ay namamayagpag pa rin ang Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-16%, at ang katapat nitong Rainbow Rumble ay 3.8%.

Narito ang ratings ng ibang mga programa…

24 Oras Weekend, 7.8%; TV Patrol Weekend, 1.2%; Frontline Weekend, 2%

Bubble Gang, 9.6%; Tao Po, 1.7%.

Noong Sabado, August 31, ay naka-7.3% ang 24 Oras Weekend.

Ang TV Patrol Weekend ay 0.8%, at 1.6% ang Frontline Weekend.

Ang Pepito Manaloto ay 8.7%, at 3.3% ang Rated Korina.

JERRY OLEA

“Giyera Na Sa Primetime” ang pino-promote sa primetime series ng GMA 7.

Nagsimula na ang giyera sa Pulang Araw, at pati sa awayan ng pamilya sa Widows’ War hanggang sa Asawa Ng Asawa Ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa dumidikit ang Pulang Araw sa FPJ’s Batang Quiapo, pero at least nag-double digit na siya.

Noong Biyernes, August 30, ay naka-13.4% ang 24 Oras, naka-2.9% naman ang TV Patrol, at ang Frontline Pilipinas naman ay 3.4%.

Ang Lumuhod Ka Sa Lupa ay 4.3%.

Ang Pulang Araw ay 10%, at ang FPJ’s Batang Quiapo ay 16.2%.

Ang Widows’ War ay 8.7%, at 8% naman ang katapat nitong Pamilya Sagrado.

Finale episode yun ng High Street na naka-4.9%, na tumapat sa Amazing Earth na 5.1%.

WIDOWS' WAR VS LAVENDER FIELDS

Simula ngayong Lunes, Setyembre 2, ay Lavender Fields na nina Jodi Sta. Maria at Jericho Rosales ang kasunod ng FPJ’s Batang Quiapo.

Katapat nito ang Widows’ War.

Ang Pamilya Sagrado na ang katapat ng Asawa Ng Asawa Ko.

Ayon sa source ng PEP Troika ay hanggang Nobyembre 1 pa eere ang Pamilya Sagrado na tinatampukan nina Piolo Pascual, Grae Fernandez, at Kyle Echarri.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung hindi ako nagkakamali ay papalit dito ang Incognito nina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Baron Geisler, Ian Veneracion, Maris Racal, Anthony Jennings, at Kaila Estrada.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Running Man Philippines runners: (from left) Mikael Daez, Lexi Gonzales, Glaiza de Castro, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Miguel Tanfelix, and Buboy Villar.
PHOTO/S: Running Man Philippines Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results