JERRY OLEA
Nag-special screening noong Hunyo 24, 2024 sa Ayala Malls Manila Bay ang 2021 short film na Bukal (Wellspring), na idinirek ni Epy Quizon.
“Abangan nyo! Malapit na malapit na ang release,” sabi ni Epy sa gala premiere ng pelikulang What You Did noong Setyembre 5, Huwebes, sa Gateway Cineplex 18, Cubao, Quezon City.
“Kasi, kailangan tama yung mga partners ko, e, you know. Masasabi ko rin kung bakit tumagal ang release.
“Kung sino ang mga kasama ko sa pag-release, yun ang importante.”
Tampok sa 25-minute short film na Bukal sina Christian Vazquez, Archie Alemania, Alvin Anson, Rez Cortez, Vance Larena, Lili Montelibano, Ronnie Quizon, at iba pa.

EPY QUIZON READY TO DIRECT A FULL-LENGTH FILM
Ready na ba siyang magdirek ng full-length feature?
Tumango agad si Epy, “Oo naman, oo naman. Pero dapat tama ang project. May mga scripts ako, pero kailangan ng tamang producer, tamang project, tamang timing.
“Yung hindi ako masyadong busy. Tapos sakto, may producer ka. Ganun dapat ang timing mo.”
Anak siya ng Comedy King na si Dolphy. Comedy ba ang gagawin niyang full-length film?
Read: Dolphy: The People’s National Artist
Pagmamatuwid ni Epy, “Iba ang comedy ko. My comedy is dark, very dark. Hindi siya yung nakikita nyong ginagawa namin normally nina Direk Kaizz [Eric Quizon].
“Iba ang comedy ko. When I make a film, it’s a different comedy. It’s very dark.”
May mga previous movies siya na dark ang character niya, kagaya ng Radyo (2001), Boso (2005), at Ang Beerhouse (2009).
“Ganun ang timpla ko… yung mga ganyan.”
If ever ba, puwede siyang magdirek sa Vivamax?
“Hindi ko siya inaano, hindi ko siya binabaril. Pero kung magdidirek ako, yung sinulat ko,” tugon ni Epy.
Naghahanap siyempre ang Vivamax ng mga ibang timpla…
“Pero hindi pam-Vivamax yung mga sinulat ko.”
WHAT YOU DID
Gumanap si Epy bilang tatay ni Tony Labrusca sa Sinag Maynila 2024 finalist na What You Did, sa panulat at direksyon ni Joan Lopez Flores.
Nasa cast din ng nasabing pyschological drama thriller sina Mercedes Cabral, Mary Joy Apostol, Ana Abad Santos, Elle Ramirez, Ping Medina, JP Lopez, Jim Pebanco, at Ynigo Delen.
Mapapanood ang What You Did at iba pang kalahok sa Sinag Maynila indie filmfest hanggang Setyembre 10, Martes, sa Gateway Cineplex 18, Robinsons Galleria, Robinsons Manila, SM Fairview, SM Mall of Asia, SM Manila, SM Megamall, SM North EDSA, SM Southmall, SM Sta. Mesa, at Market Market.
Ang halaga ng tiket ay PHP200.
Read: Director Gayle Oblea owes debt of gratitude to Epy Quizon

NOEL FERRER
Tatlong screenplay ni Epy na full-length features ang handa na siyang idirek.
“Pero malaki rin ang budget. So, yun ang mahirap dun,” pagsisiwalat ni Epy.
Iyong 25-minute short film ni Epy na Bukal ay nakalimang shooting days.
If ever, ilang shooting days ang ilalaan niya sa full-length film?
“Mga nasa twenty-five [25]. Hindi ko siya masu-shoot nang tama kung babarilin natin yung 25 days na yun.”
Iyong ibang direktor, nakakabuo ng full-length film sa tatlo hanggang limang shooting days.
“Kaya ko pero artista na lang ako kung ganun lang din,” sabi ni Epy.
“Bibigyan niyo ako ng three [shooting] days, tapos gusto niyo, pabilibin ko kayo?! Pag hindi niyo gusto, titirahin niyo ako?!
“Mag-aartista na lang ako. Wala pa akong pressure.”
DARK COMEDY
Conscious effort ba na kaya dark comedy ang ginagawa niya ay para malayo sa klase ng comedy nina Eric at Dolphy?
“No, no, no. Pag nagsulat ako is something that I… ito yung mga kuwento sa ulo ko,” paglilinaw ni Epy.
“At kung may comedy man siya, may pagka-dark. And ang mga sinusulat ko ay not really dark comedy, pero kung may comedy man siya, may pagka-dark.
“Pero nasa ano pa rin ako, nasa may pagka-suspense thriller action pa rin ako… Ito ang timpla ko.”
Hindi ba mahirap humugot ng ganun?
“Hindi naman. Kasi timpla ko ito, e. Kumbaga, pag gumigising ako, may timpla na ako ng kape,” saad ni Epy.
“Ito yung timpla ko ng kape, e, di ba? So, para sa inyo, ‘Huh! Saan huhugot yon?!’ Pero para sa akin, alam ko kung paano magtimpla ng kape.”
GORGY RULA
Hindi ko pa napanood itong short film na idinirek ni Epy Quizon.
Ang nasa isip ko lang kay Epy ay ang karakter na ginagampanan niya sa Pulang Araw na si Julio Borromeo.
Tama talaga ang casting na isa siya sa karakter na kaagad nagmarka sa amin noong nagsimula pa lang ang seryeng ito ng GMA-7. Bagay sa kanya bilang isang vaudeville artist na parang si Dolphy ang napapanood ko.
Read: Epy Quizon at Cassy Lavarias, pinupuri ang acting sa Pulang Araw
Consistent siyang magaling at bumagay pa sila ni Angelu de Leon. Mukha namang magtatagal pa siya sa Pulang Araw.
Siyanga pala, naaksidente si Epy noong Linggo, Setyembre 1. Napuruhan ang kanyang balikat.
“Eksakto. What You Did, di ba?” sey pa ni Epy.
