GORGY RULA
Seryoso si Janine Gutierrez sa pinu-produce niyang documentary film tungkol sa kanyang Mamita na si Pilita Corrales.
Si Pilita ang ina ng ama ni Janine na si Ramon Christopher.
Read: Pilita Corrales: Isang pagpupugay sa Asia's Queen of Songs
Masayang nakatsikahan ng PEP Troika si Janine sa Super Sam nung Huwebes, September 12, 2024, dahil sa mga kuwento ng pagdalo niya sa 81st Venice International Film Festival (Agosto 28-Setyembre 7, 2024).
Read: Janine Gutierrez wows at Venice Film Festival 2024
DOCU FILM ABOUT MAMITA PILITA CORRALES
Pero excited din siyang tsinika sa amin ang update sa pino-produce niyang documentary film.
Wala pa raw silang naisip na title, at kung gaano ito kahaba, dahil marami pa raw silang kukunan.
Si Baby Ruth Villarama, na gumawa ng MMFF 2015 Best Picture na Sunday Beauty Queen, ang direktor nito.
Ani Janine, “Yung huling update is nagpi-film kami ng mga snippets lang of Mamita’s life.
“Yung huli po was yung birthday party of Mamita na yung maliit lang na birthday party.
“Isasama din namin yun, para makilala din ng mga tao kung sino ba talaga si Mamita behind… you know, Asia’s Queen of Songs, kung paano siya bilang nanay at lola. How she is behind the scenes.”
View this post on Instagram
Napaisip sandali si Janine nang tinanong ko kung pang-ilang birthday na ba ito ni Mamita niya.
“Siguro naman, ang gusto talaga niyang isagot ko talaga is 45,” napangiti niyang pakli.
Na-interview na raw ni Janine si Pilita, pero marami pa siyang kakapanayamin, dahil gusto niyang ma-tackle ang lahat na bahagi ng buhay ng Asia’s Queen of Songs.
“Sana po, buong buhay niya. Gusto po sana siyang i-share sa atin mga Pilipino, sa mga bata,” sabi pa ni Janine.
Read: Janine Gutierrez asks grandmother Pilita Corrales: “Do you like Rayver?”
NOEL FERRER
Hindi pa masabi ni Janine kung kailan nila matatapos ang documentary ni Pilita. Hindi siya sure kung mapapanood na ba natin next year.
“Parang no rush. Gusto ko lang talaga magawa nang maayos yung legacy ni Mamita.
“Meron po kasing mga docu na gusto ko talaga… yung recent po yung Celine Dion, di ba?
“Yung ipinakita yung buhay niya kung paano siya nagsimula and her life today and her struggles… opo, parang ganun.
“Para makita yung kabuuan ng buhay niya,” saad ni Janine.
Napaka-colorful ng buhay ni Pilita Corrales, lalo na ang lovelife niya.
Kailangan daw na kasama yun, sabi ni Janine. Pero wala pa raw siyang nakakausap sa mga lalaking naugnay sa kanyang Mamita.
“Ang na-interview pa lang namin is Mamita and iinterbyuhin pa lang namin ang lahat na konektado sa buhay niya.
“So, madami-dami nga po yun.
“I think pag malaman din ng mga tao yung mga struggles ni Mamita, and how hardworking she is, and yung rise niya to being Asia’s Queen of Songs, sobrang nakaka-inspire kasi yung kuwento niya.
“Iyon po sana ang gusto kong i-share sa mga tao,” saad ni Janine.
Read: Pilita Corrales overcomes wardrobe malfunction at concert; jokes about her hospitalization

JERRY OLEA
Twelve consecutive days nang nangunguna ang Kapamilya drama-thriller na Lavender Fields sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines — mula Setyembre 2 hanggang 13.
Nasungkit din nila ang top spot sa iWantTFC matapos tutukan ng viewers ang tumataas ang tensiyon sa pagitan nina Lavender Fields (Jodi Sta. Maria) at Iris Buenavidez (Janine Gutierrez) noong Miyerkules, Setyembre 11.

Ang episode noong Miyerkules ay nagtala ng 533,338 peak live concurrent views, samantalang noong Huwebes ay nag-peak ang live concurrent views sa 529,467.
Abangan ang mga pasabog na eksena sa Lavender Fields tuwing weeknights simula 8:45 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.
Panoorin ito in advance sa Netflix at iWantTFC.
