PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ken Chan, sinampahan ng kasong syndicated estafa?

Ken Chan, babalik na ng bansa para harapin ang kasong isinampa laban sa kanya?
by PEP Troika
Published Sep 18, 2024
ken chan syndicated estafa
Actor Ken Chan has yet to address rumors and speculations that he has left the country because of the syndicated estafa case filed against him and some of his business partners.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Nagsimula sa blind item ang tungkol sa aktor na napabalitang umalis umano ng bansa dahil may tinakasan daw itong kasong isinampa laban sa kanya at sa ilang business partners at miyembro ng pamilya.

Read: Aktor na tinigok sa drama series, tumakas sa pagkaaresto?

Pero may ilang nagsulat at inilabas sa vlog na si Ken Chan ang tinutukoy ng blind item na ito.

Meron pang naglabas ng papeles na syndicated estafa ang hinaharap nitong kaso. Pero walang nagkumpirma mula sa kampo ng aktor.

Ilang beses ko ring pinadalhan ng mensahe through text at Viber si Ken, pero hindi ito sinasagot ng aktor.

Patuloy naming inaalam kung ano talaga ang totoo sa balitang kumalat tungkol sa Kapuso actor.

Ayon sa ilang napagtanungan namin at nasagap na balita, umakyat na raw sa korte ng Quezon City ang kasong isinampa laban kay Ken at sa ilang business partners nito.

Maaaring isa ito sa dahilan kaya hindi ito nagpapakita. Walang may nakakaalam kung nasaan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Merong nasasabing nasa ibang bansa si Ken, pero nakikita namang nagpo-post pa siya sa kanyang social media account na tila nandito lang sa Pilipinas.

Read: Ken Chan nagparamdam sa social media sa gitna ng mga espekulasyon

ken chan
Photo/s: Ken Chan Facebook / Instagram

KEN CHAN HIRES LAWYER

Napag-alaman ng PEP Troika na hina-handle na ngayon ni Atty. Maggie Abraham-Garduque ang kaso ni Ken.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Iba ang abogadong humahawak noong una sa kaso ng aktor, pero nang umakyat na sa korte ang kaso ay nagpasya raw si Ken na magpalit ng abogado para sa susunod na hakbang na gagawin.

Humingi raw ng tulong ang aktor kay Atty. Maggie. Pero hindi kami sinagot ni Atty. Maggie nang tinanong namin ito sa kanya.

Napag-alaman ding nag-file na raw si Atty. Maggie sa Department of Justice ng petition for review, para ma-reverse ang resolution ng Office of the City Prosecutor (OCP) ng Quezon City.

Pero hindi pa rin nagbigay ng pahayag ang abogado sa isyung ito.

Sa pagkakaintindi namin, kung mapagbigyan o ma-grant itong petition na isinumite ng kampo ni Ken, maaari nang ma-withdraw ng OCP ang ini-file sa korte at posibleng ma-dismiss ang kaso.

Pero hanggang sa ngayon, wala pa ring may nagkumpirma sa amin kaugnay sa mga nasagap naming balita tungkol sa isyung ito ni Ken Chan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ken Chan, nagparamdam pagkatapos ng ilang linggong pananahimik

NOEL FERRER

Sa media conference ng bagong youth-oriented show ng GMA na Maka kahapon, Martes, September 17, 2024, may ilang taong malapit kay Ken Chan ang nakausap ng PEP Troika.

Ayon sa kanila, nasa ibang bansa ang aktor. Kasama raw niya ang kanyang pamilya para magbakasyon.

Nataon lang daw sa pagbabakasyon nila ang paglabas ng resolution ng OCP ng Quezon City, kaya hindi na nagpapakita si Ken.

Nilinaw rin nilang hindi tinakasan ni Ken ang kasong hinaharap. Napasabay lang daw sa pagbabakasyon nito kasama ang kanyang pamilya.

Ang dagdag pang sinabi sa amin, baka ngayong linggo ay babalik na ng bansa ang Kapuso actor, para harapin ang problemang kinasasangkutan.

Hinihintay pa rin ng PEP Troika ang sagot ni Atty. Maggie kung totoo itong mga kumakalat na balita tungkol sa kaso at di pagpapakita ni Ken.

Sana, malagpasan ito ng aktor dahil marami pang naka-lineup projects na nakatakda niyang simulan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Samantala, nakarating na kay Atty. Maggie ang statement na ipinadala ng legal counsel ni Sandro Muhlach.

Nagbigay siya ng sagot kaugnay sa mga pahayag ni Atty. Czarina Quintanilla-Raz.

Read: Lawyer ni Sandro Muhlach, iba ang bersyon sa DOJ face-off nila nina Nones at Cruz

Sabi ni Atty. Maggie, “Regarding the hearing before the DOJ, the video of Sandro taken by the media will speak for itself.

“I also approached the panel at the table before we were moved to another room and asked that parties must be separated.

“As regards releasing statements about the contents of the counter-affidavit, of course I was asked after the DOJ hearing what did we file and what are our counter arguments and evidence in support of the counter affidavit.

“Just like how the complainant previously discussed their allegations and evidence, the respondents through me discussed their defense.

“This is not skewed because these are counter-allegations/evidence/ defense of respondents Cruz and Nones. Of course this will be one-sided.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“As lawyers, complainant’s counsel must know that I would discuss only counter-allegations/evidence and defense of our clients and complainant’s allegations/claims/evidence must be discussed by his lawyer.

“I also did not release evidence, I only commented and countered the own evidence of the complainant.

“Lahat po ng comments namin as per medico legal, drug test result and messages and call logs ng GF of Sandro are evidence of the complainant which we only used against them, proving that based on his own evidence there is no reasonable certainty of conviction to indict Jojo and Richard for rape and acts of lasciviousness.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Ken Chan has yet to address rumors and speculations that he has left the country because of the syndicated estafa case filed against him and some of his business partners.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results