JERRY OLEA:
Tagapagsalita si Cherry Pie Picache sa Parish-Wide Monthly Formation ng Quiapo Church sa Setyembre 24, Martes ng 7:00 P.M. sa Maynila.

Ang tema ng nasabing Buwanang Paghuhubog ay "SHRINE: As a PLACE where we RECEIVE MERCY.”
“Magsasalita ako about pagpapatawad. Love and Mercy,” sabi ni Cherry Pie nang makachikahan ko sa 70th birthday celebration ni Direk Joel Lamangan noong Setyembre 21, 2024, Sabado sa Alba’s restaurant, Morato Ave., Quezon City.
Read:
- Cherry Pie Picache, imbyerna sa attitude ni young star sa senior stars
- Quiapo Church to do localized Black Nazarene feast 2021; Traslacion cancelled
CHERRY PIE, PINATAWAD NA ANG PUMASLANG SA KANYANG INA
Pinatawad ni Cherry Pie ang lalaking pumaslang sa 75-anyos na ina niyang si Zenaida Sison noong Setyembre 9, 2014.

“Matagal na akong hindi nakakapagbigay ng talk, so ngayon, magsisimula uli ako. About Love and Mercy.
“So malaking bagay din yun, di ba? Ngayon, hindi mo na ikapapagod ang sarili mo, di ba, sa mga maliliit na bagay.
“Parang pag ano, pag puwede mong palagpasin, palagpasin mo na. Di ba? Kasi makakalimutan mo rin yun, e. Lilipas din yun.”
Iyong ganoong attitude ay wala sa maraming kabataan ngayon. Sa pamamayagpag ng social media, marami sa Netflix generation ang madaling ma-trigger, ma-provoke, o magalit.
“Tapos, yung entitlement. Tapos yung to get one over the other,” pagbuntung-hininga ni Cherry Pie.
Kaya pinakamabuting paraan na mag-set ng example upang mahubog ang values ng mga kabataan.
“Mahirap gawin. Pero feeling ko rin kasi, kung wala yung grasya ng Diyos, hindi mo rin magagawa. Yung on your own,” pananalig ng premyadong aktres.
“So kailangan din, ganun, may spirituality. Hindi naman kailangang maging santa ka pero dapat may faith and spirituality. Dapat may ganun.
“Tapos sana, yun din ang hindi mawala sa kanila. Kasi ngayon, iba-iba na rin, di ba? Iba-ibang paniniwala na rin ang nabubuksan.”
Kasama si Cherry Pie sa pelikulang Fatherland na idinirek ni Joel Lamangan, at nagtatampok din kina Mercedes Cabral, Allen Dizon, Iñigo Pascual, Max Eigenmann, at marami pang iba.
Magkakasama rin sina Cherry Pie, Mercedes, at Direk Joel sa top-rating Kapamilya teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo.
Read:
- Cherry Pie Picache reacts to love triangle in Batang Quiapo
- Cherry Pie Picache cries for justice for slain mother
NOEL FERRER:
Nami-miss ko na si Cherry Pie!!!
Masaya ako at nandiyan pa rin siya at may bagong pelikulang Fatherland at patuloy niyang pinahahanga ang mga tao sa pagganap niya sa FPJ’s Batang Quiapo.”
Kumusta kaya ang lagay ng kanyang puso?
I’m sure consistent si Pie sa pagsasabing… puno ng love and mercy!!! Wagi!!!
Mahal ko si Pie at sana, lagi lang siyang masaya! Masaya ako na lagi rin silang magkasama ng anak niyang nagagawa pa rin niyang panoorin sa mga games nito at naipagluluto niya sa gitna ng kabisihan niya!
Nakaka-miss talaga si Pie!
GORGY RULA:
Sumubok ba si Cherry Pie Picache na maging born-again Christian?
CHERRY PIE ADVOCATES NON-DENOMINATIONAL FAITH
“Wala naman sa akin kasing problema yun pero Marian devotee kasi ako,” tugon ng Kapamilya actress.
“But I suppose, at the end of it all, basta may Diyos ka, di ba? Basta may paniniwala ka, di ba?”
Nagdudulot iyon ng kapayapaan sa kanyang puso…
“Oo, di ba? Yun yung faith mo. Pinanghahawakan mo, so, di ba? Pero ako, like ako, mahal ko si Mama Mary, mahal ko si Padre Pio, yung mga ganon,” sabi ni Cherry Pie.
“Yung mga born-again, walang ganon, di ba? So, kanya-kanya. Whatever works for you.”
