NOEL FERRER
New Deadline Alert! The finished film submission deadline has been extended to Monday, October 7, 2024, at 5:00 P.M. Don’t miss out!
Ito ang ini-announce ng pamunuan ng Metro Manila Film Festival ngayong Setyembre 29, Linggo ng umaga.
This is to give more people—the film producers, lalo na—more chance na makapag-shoot dahil sa mga nabinbing trabaho dulot ng bagyo, ulan, at baha na ikinasanhi ng walang pasok lalo na sa Kamaynilaan.
Basta, chance din ito para lalo pang mapaganda at mapulido po ang isa-submit na finished films sa October 7.
Pero puwede pa ring mag-submit na yung nakatapos na, para rin hindi magsiksikan ang viewing sked ng selection committee.
Tuluy-tuloy lang para mapaganda talaga ang mga entries sa Golden Edition ng MMFF.
SINE SIGLA SA SINGWENTA RERUNS
Samantala, pagkatapos ng jam-packed rerun ng Jose Rizal sa SM City Manila para sa Sine Sigla Sa Singkwenta, marami ring nanonood ng Shake, Rattle and Roll 1, Himala, Miracle in Cell Number 7.
At marami ring naghahanap ng Brutal at iba pang mga pelikula sa halagang 50 pesos lang.
Sana, patuloy nating tangkilikin ang magagandang pelikulang Filipino!
JERRY OLEA
Hindi ko mahagilap kung saan palabas iyong Mga Bilanggong Birhen (1977) nina Alma Moreno at Trixia Gomez.
Sana’y mapanood ko ito bago matapos ang Sine Sigla sa Singkuwenta sa Oktubre 15.
Tumutulong ang stakeholders sa movie industry upang mahikayat ang moviegoers na panoorin ang previous MMFF movies sa halagang PHP50 bawa’t isa.
Teka! Meron na bang update sa mural painting ng MMFF movie posters along EDSA?
GORGY RULA
Bale isang linggo lang ang na-extend, pero marami pa rin sa mga inaasahang makakapasok na hindi pa rin tapos na tapos iyan.
Sa pagkakaalam ko ay may ilang shooting pa sa October si Ms. Vilma Santos para sa pelikula niyang Uninvited.
Sabi naman ng mga taga-MMFF, kahit rough cut lang ay puwede na, basta maintindihan lang ang takbo ng kuwento.
May ilan pang pelikulang tinatapos na rin, dahil gusto talaga nilang makasali sa MMFF this year.
Si Senator Bong Revilla nga ay nanghihinayang na hindi niya nagawa ang pang-MMFF sana niyang pelikula na Alyas Pogi 4.
MMFF MURAL
Pagdating sa mural na yun na nakikita na natin sa EDSA malapit sa MMDA building, ipinarating namin kay Sen. Bong Revilla na wala siya roon.
Read: Paano pinili ang 16 stars na tampok sa pilot MMFF mural painting?

Hindi naman daw siya nagtaka kung bakit wala ang kanyang mukha sa pilot mural na yun.
“Okay lang yun walang problema yun,” pakli niya.
Mas alam daw iyan ng mga taga-MMFF kung sinu-sino ang karapat-dapat dun. Natuwa lang siya na kasali ang Ang Panday niya na mapapanood sa Sine Sigla sa Singkuwenta.
“Sana, suportahan po natin yung 50 movies na mapapanood sa Sine Sigla… mga kababayan, suportahan po natin yung pelikulang Pilipino, para mabuhay muli. Ibalik natin yung sigla.
“Sayang! Hindi ako makasali sa Metro Manila FilmFest sa December 25. Di bale, next year babawi ako,” saad ni Sen. Bong na gustung-gusto na sanang gumawa ng pelikula, pero hindi pa rin siya papayagan ng kanyang doktor, dahil sa operasyon nito sa kanyang paa.
