PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dear Satan, walang theatrical release; diretso sa Netflix

Dear Satan producers, hindi na mag-aapela sa Malacanang.
by PEP Troika
Published Oct 1, 2024
paolo contis sienna steves dear satan
After getting an X rating from MTRCB, the producers of the film Dear Satan have reportedly decided to forego its theatrical release and will just wait its December streaming on Netflix.
PHOTO/S: Mavx Productions

Trigger warning: Mention of sexual act

GORGY RULA

Napag-alaman ng PEP Troika na may inihahandang statement ang Mavx Productions kaugnay sa pelikulang Dear Satan.

Hindi lang tiyak kung final nang Dear Santa ang magiging title nito o ibinalik sa Dear Satan.

Ang unang narinig namin ay hindi na sila mag-aapela sa Malacañang matapos itong mabigyan ng X-rating ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) sa dalawang reviews.

Read: MTRCB says X-rating for Dear Satan is final

Matagal na raw naka-schedule sa Netflix for December ang Dear Satan kaya malabo nang ihabol pa ang screening nito sa mga sinehan.

Noong September 18 ang original playdate ng Dear Satan sa mga sinehan, at tama lang kung December ang streaming nito sa Netflix.

Pero dahil sa hinarap nitong problema sa MTRCB, wala na itong schedule for cinema release.

Hindi saklaw ng MTRCB ang Netflix at iba pang streaming services.

STRAIGHT TO NETFLIX

May ilang taga-Mavx na napagtanungan namin. Ayon sa kanila, okay na sila sa Netflix.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami nang curious sa pelikulang ito kung dapat nga bang i-X at hindi i-allow mag-showing sa sinehan.

Sabi ni Mr. Erwin Blanco, producer ng Mavx, hintayin na lang kung may ilalabas silang statement kaugnay sa Dear Satan.

Naka-focus pa raw sila ngayon sa pelikulang ConMom nina Paolo Contis, Patrick Garcia, Kaye Abad, at Empoy Marquez na nasa post-production na.

Excited sila sa pelikulang ito dahil maganda raw ang kinalabasan na kinunan sa Boljoon, Cebu.

Read: Paolo at Patrick, tahimik tungkol sa isyu sa nawalay na mga anak

Pinag-iisipan nilang ipasa ito sa finished films submission ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF). Sana umabot daw sa deadline nito sa Oktubre 7, Lunes ng 5:00 P.M.

Meron pa palang binubuong film project ang Mavx Productions na kukunan naman sa Chile.

conmom cast
From left: Paolo Contis, Kaye Abad, Patrick Garcia, and Empoy Marquez
Photo/s: Gorgy Rula
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Tinanong din ng PEP Troika si Paolo Contis kaugnay sa Dear Satan.

Wala pa raw siyang alam kung ano ang balak gawin dito ng Mavx. Hindi pa rin daw niya natatanong si Mr. Erwin Blanco ng Mavx.

Nasa Mavx na raw ang desisyon kung hindi na nila ilalaban ang Dear Satan sa MTRCB para mapanood sa mga sinehan.

Okay na rin naman daw kung sa Netflix na ang streaming nito sa December.

Read: Paolo Contis, JL Burgos puzzled by X for Dear Satan, Alipato at Muog

PAOLO CONTIS IN NEW ZEALAND

Natutuwa raw si Paolo dahil kahit nasa trabaho siya ay nakakapag-relax pa rin siya sa New Zealand.

Ginawa niya roon ang pelikulang Lost and Found kasama sina Kelley Day at Yuki Sonoda.

Si Louie Ignacio ang direktor ng pelikulang ito na prinodyus ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carillo.

lost and found new zealand
(L-R) Kelley Day, Paolo, producer Dave Villaflor, Yuki Sonoda, and director Louie Ignacio
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinunan ang pelikula sa Queensland at tumuloy sila sa Auckland.

Ang ganda raw ng mga tanawing pinagsyutingan nila at napakaayos ng shooting nila roon.

“Very smooth ang shoot. Ang ganda ng locations at ang sarap nila katrabaho,” text ni Paolo sa PEP Troika.

JERRY OLEA

Madugo, marahas, at mapangahas ang adult animated series na Twilight of the Gods, na nag-streaming sa Netflix umpisa Setyembre 19, 2024.

Sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines, seven consecutive days lang itong kabilang sa listahan — mula Setyembre 22, Linggo, hanggang Setyembre 28, Sabado.

Nag-peak ito sa ikawalong puwesto.

twilight of the gods
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SEX AND NUDITY IN TWILIGHT OF THE GODS

Walong episodes ang Season 1 ng Twilight of the Gods, na base sa Norse mythology.

Ang rating nito ay 18+ dahil sa Violence, Sex, Nudity, Language.

Sa Episode 1 na “The Bride-Price,” wala pang pitong minuto ay may pa-lawit na ang human king na si Leif, at may pa-boobey kapagkuwan ang babaeng half-human, half-Jotunn warrior na si Sigrid.

Sa Episode 2 na “Heretic Spear” ay naka-sandwich ang lalaking makata na si Egill. May kinakana siyang babae, habang may lalaking kumakadyot sa kanyang bahay-jebs.

Sa episode 6 na “Now Hear Of…” ay may babaeng ka-threesome sina Leif at Sigrid. May silhoutte ng paglabas-masok ng erect private part ni Leif sa isang babaeng nakatuwad.

Sa penultimate episode na “If I Had A Hammer” ay may frontal nudity si Thor habang naglalakad, samantalang sa finale episode na “Song of Sigrid” ay si Odin naman ang nagbuyangyang ng kanyang ari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi babad ang mga maseselang eksena na ito, na swak sa Norse, Nordic, or Scandinavian mythology.

Kung matutunghayan ng mga manong at manang na kontra sa Dear Satan ang Twilight of the Gods, ano kaya ang kanilang magiging reaksiyon?

Curious siyempre ako kung ano ang magiging recommended rating ng Netflix sa Dear Satan.

VIVAMAX TOP 10

Samantala, ang Top 10 sa Vivamax ngayong Oktubre 1, 2024 ay Kiskisan, Pilya, Daddysitter, Paluwagan, Init, Uhaw, Balinsasayaw, Body Lover, Room Service, at Butas.

Streaming na ngayong Oktubre 1 sa Vivamax ang Salsa ni L, kung saan bigay na bigay sa hubaran si Jeffrey Hidalgo.

Tampok din dito sina Christine Bermas, Sean de Guzman, at Jonica Lazo.

Matapos mag-frontal ni Jhon Mark Marcia sa Sisid Marino with Julia Victoria, back to back ang streaming ng Vivamax movies niya.

Oktubre 4, Biyernes, ang streaming ng Tahong nina Candy Veloso, Salome Salvi, Jhon Mark Marcia, at Emil Sandoval, sa direksiyon ni Christopher Novabos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Oktubre 11, Biyernes, naman ang streaming ng Tatsulok (na ewan kung meron pa ring sibtitle na Tatlo Magkasalo) starring Mariane Saint, Skye Gonzaga, and Jhon Mark Marcia, sa direksiyon ni Johnny Nadela.

Read: Hubadero 2024 2Q: Hot men in Philippine showbiz

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After getting an X rating from MTRCB, the producers of the film Dear Satan have reportedly decided to forego its theatrical release and will just wait its December streaming on Netflix.
PHOTO/S: Mavx Productions
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results