JERRY OLEA
Para sa second quarter ng 2024, ang alam ko ay isang Pinoy actor lamang ang nagbuyangyang ng lahat-lahat sa pelikula.
Ito ay si Jhon Mark Marcia na nag-frontal nudity sa Vivamax movie na Sisid-Marino, na nag-streaming noong Hunyo 14. Kaya lang, malayo ang shot ng kadakilaan ni Jhon Mark aka Boy Lakad.
Read: Vivamax sexy actor Jhon Mark Marcia confident sa frontal nudity sa Sisid Marino

Bagong recruit bilang "batang Batibot" ang isang makisig na aktor na mahusay umindak at kumaldag. Galing sa buena familia ang makisig na aktor, kaya nakalulumbay na napasama siya sa lipon ng mga may solo video online.
Pinagpiyestahan sa socmed ang paglutang ng nakakaeskandalong videos ng ilang influencers. Binayu-bayo sila ng parunggit sa kabila ng paghingi ng paumanhin.
Sa pagdatal at pagdaong ng mga bagong usapin ay agad din iyong nawaksi sa eksena.
Marami-raming boylet at hombre pa rin ang pumukaw sa diwa ng mga accla, divaklong, at judidang.
Read: Hubadero 2024 1Q Edition: Vivamax sexy actors deliver the goods
BRUCE ROELAND
Nakaka-thirsty ang pa-underwear ni Bruce Roeland bilang Bench/ Body model.
So young, so fresh, so yummylicious AF!
Kung totoong may bonggang underwear and jeans show ang Bench sa darating na Nobyembre, kapana-panabik ang pagpapakitang-gilas doon ni Bruce!
Read: Bruce Roeland considers it "a blessing" to be part of a sitcom top-billed by Vic Sotto

SAM CONCEPCION & CJ NAVATO
Yummylicious at sakdal husay sina Sam Concepcion at CJ Navato na magka-alternate bilang Popoy sa One More Chance The Musical ng PETA noong Abril 16 hanggang Hunyo 16.

Sold out ang kanilang 50 shows bago pa nag-umpisa ang kanilang rehearsal. Dasurv nila ang rerun mula Agosto 22 hanggang Oktubre 17, 2024.
Mabuhay!

VINCE TAÑADA
Nakakagitla ang mga pauga ng writer-actor-director-producer na si Atty. Vince Tañada sa X na dating Twitter.
Merong pa-abs, pa-pubic hair, pa-VPL, at pa-butt exposure.
At patutsada, “Sabi nung isang direktor narcissistic daw ako kasi hubad daw ako ng hubad sa X. O eto pa. Inggit much? Di ka lang makahubad dahil pangit ka hahaha.”
FRANCIS MATA
Sa 2022 Vivamax movie na Tahan ay naka-boxer short ang character actor na si Francis Mata sa maikling harutan nila ni Cloe Barreto.
Pero sa Cita na nag-streaming sa Vivamax umpisa Hunyo 18, walang saplot ang lolo mo sa mahaharot na eksena with Zia Zamora.
Mang Kanor ang peg?!
AR DELA SERNA
At sa ganang akin, ang Pinoy hunk na pinakaulam ng netizens nitong Abril-Hunyo 2024 ay ang 6-footer na Mr. Supranational-Philippines 2016…
Ang dating executive assistant slash caregiver slash travel companion ni Harry Roque…
Bidang-bida sa sangkatutak na meme like “Ang POGO at ang Pogi”… walang iba kundi si Alberto Rodulfo “AR” de la Serna.
Read: Who is AR dela Serna, Harry Roque's executive assistant?

NOEL FERRER
So many men, so little time. Sa second quarter ng 2024, lalong pinainit ni Luke Conde ang tag-araw sa socmed posts niya na naka-underwear bilang endorser ng Hanford.

KYLE ECHARRI
Si Kyle Echarri, habang tumatagal ay lalong naging katakam-takam.
Nakakadarang ang mga kaldag moves niyang todo-todo. Sang-ayon ba kayo na may hawig sa kanya si Boy Dila?

KOKOY DE SANTOS & MIGGY JIMENEZ
Nagpaalab sina Kokoy de Santos at Miggy Jimenez sa Your Mother’s Son na opening film ng EnlighTEN: The IdeaFirst Film Festival (Abril 12-14 sa Gateway Cineplex 18, Cubao, Quezon City).
Nadagdagan ng screenings ang pelikula kung saan ka-menage a trois nina Kokoy at Miggy si Elora Españo, at kapagkuwan ay si Sue Prado.

Streaming ang complete unrated version ng Your Mother’s Son sa Vivamax Plus umpisa Mayo 22.
Ang complete version ng Virgin Forest ay Abril 17 namukadkad sa Vivamax Plus, samantalang ang uncut version ng Alapaap ay Hunyo 5 pumailanlang.
ANTHONY DAVAO
Hindi nauubos ang supply ng fresh men sa Vivamax. Ang anak ni Charlon Davao na si Anthony Davao ay lead actor na sa Lady Guard matapos umekstra-ekstra at sumuporta sa mahigit sampung mapangahas na movie o serye.
Read: Anthony Davao sees sexy roles as stepping stone to success

NICO LOCCO
Sumalang ang Vivamax stars na sina Nico Locco at Christine Bermas sa “EXpecially For You” segment ng It’s Showtime noong Mayo 7, Lunes.
Read: Christine Bermas reveals being cheated on by Nico Locco
Hunyo 6 ay may shout-out si Nico sa social media habang kainitan ng isyu ni Vice Ganda at sa ex-couple na sumalang sa nasabing segment, na ang girl ay Christine din ang pangalan.
Read: Nico Locco, may pasaring kay Vice Ganda
Panay-panay pa rin ang socmed posts ni Nico na sexy, sensual o sizzling.
Nakalimang best actor trophy si Nico sa international filmfests para sa Vivamax movie na Manyak.

Marami pang men na sumalang sa “EXpecially For You” ang galing sa mga beauty pageant o bikini contest. Nae-enjoy nila ang 15 minutes of fame (quart-d’heure de celebrite). Ang iba, nine days’ wonder.
Pumasok din sa consciousness ng netizens ang kakisigan nina Tony Labrusca, Gerald Anderson, Piolo Pascual, Enchong Dee, Jeremiah Lisbo, Derrick Monasterio, Kirk Bondad, Shaun Pelayo, and many more.
Too many men… men ba talaga? Siguraduhin na men at hindi menchu, baka matuklaw!!!
GORGY RULA
The more, the merrier! Ikatlong linggo ng Abril, pinusuan ng netizens ang Sparkle Boys of Summer.
Kabilang diyan sina Bruce Roeland, Yasser Marta, Raheel Bhyria, Kelvin Miranda, Radson Flores, Royce Cabrera, Dustin Yu, Mclaude Guadania, Vince Maristela, Jeff Moses, Prince Carlos, at Matthew Uy.

STAR MAGIC'S MEN OF SUMMER
Nagpauga ang ABS-CBN Star Magic ng Hot Summer 2024 noong Mayo 15 sa La Luz Beach Resort ng San Juan, Batangas.
Nagpasiklaban ang hotties na sina Jameson Blake, Aljon Mendoza, JM de Guzman, Joao Constancia, Zach Guerrero, Lance Carr, Rob Blackburn, CJ Navato, Kobie Brown, at Reiven Umali.

G! LU! BOYS
Abril 24, sa wakas ay inilabas sa mga sinehan ang pelikulang G! LU kung saan may pa-abs sina Ruru Madrid, Kiko Estrada, David Licauco, Derrick Monasterio, Enzo Pineda, at Teejay Marquez.

GOOD BOYS
Ang Good Boys page sa Facebook ay nag-umpisang mag-post ng naughty videos noong Marso 6.
By April 2 ay umabot na sila sa 10,000 followers. After another week, nadoble iyon. Ngayon, 57K followers na.
Kabilang sa Good Boys sina Ron Martin Angeles, Reivien del Rosario, Peter Mendijar, Thor Gomez, Raven de Vera Molina, Ronan Acuzar, Vincent Jarina, Bryan Alexis “BA” de Guzman.

MAGIC VOYZ
Bumuo si Lito de Guzman ng grupong Magic Voyz, or is it Magic Voys?
Nakapag-record na sila ng first single nilang ‘Wag Mo Akong Titigan, na may titillating music video.
Kabilang sa Magic Voyz sina Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Redd Agoncillo, Jace Ramos, Ian Briones, at Johan Shane.

CENTURY TUNA SUPERBODS
Mayo 14 inilunsad ang Century Tuna Superbods 2024: Best You Ever, kung saan male finalists sina Michael Ver Comaling, Jerico Ejercito, Derick Hibaler, Carlo Adorador, Tony de Oteyza, Ric Saldivar, Paulo de la Cruz, Patrick Patawaran, Nikko Nackaerts, Naia Ching, Kris Cortez Guevarra, JV Sobrevilla, Jeff Ong, Enzo Bonoan, David Webb, Angel Mallari, Aaron Beau Davis, at Jether Palomo.
Read: Century Tuna Superbods 2024: Meet the finalists who are shattering limits
Iba’t ibang events at aktibidades ang nilahukan nila, hanggang mag-finale sila noong Hulyo 9, Martes.
Ang male grand winner ay si Jether Palomo, na nakamit din ang special awards na E-Commerce Superstar Award, Garmin Beat Yesterday Award, Masflex Flex Like A Superbod Award, People’s Choice Award, Urban Smiles Perfect Smile Award, at Jojo Bragais Slay The Runway Award.

Runner-up si Patrick Patawaran.
Nakuha ni Aaron Beau ang special awards na Belo Skincare Sensation Award, Bench Lifestyle Icon Award, at Super Stunner Award Superdad awardee sina Enzo Bonoan at Carlo Adorador.
Nasungkit din ni Carlo ang Unstoppable Award. F
itness Breakthrough Award ang natanggap ni Angel Mallari, at ang Ageless Award ay ipinagkaloob kay Derick Hibaler.
VIVAMAX HOT MEN
Nitong Abril-Hunyo 2024, kabilang pa sa Vivamax hot men sina Aerol Carmelo at John Mark Marcia sa Cheaters; Aerol Carmelo at Gold Aceron sa Stag; Mhack Morales at Horace Mendoza sa Seeet Release; Yuki Sakamoto sa Wanted Girlfriend; Calvin Reyes, Marco Gomez, Alvaro Oteyza, at Nathan Rojas sa Dayo; Mon Mendoza at Mhack Morales sa Red Flag; Ardy Raymundo at Mikhael Padua sa Late Bloomer; Anthony Davao, at MJ Abellera sa Lady Guard.

Pati na sina Ghion Espinosa at Seonwoo Kim sa Dirty Ice Cream; Benz Sangalang, Mark Dionisio, at Marc Capilador sa Balinsasayaw; JD Aguas, Ralph Christian Engle, at Ghion Espinosa sa Kulong; Vino Gonzales, Chad Alviar, at Nathan Cajucom sa Serbidoras; Felix Roco at MJ Abellera sa Himas; Van Allen Ong sa Mahal Ko ang Mahal Mo; Anthony Davao, Chester Grecia, at VJ Vera sa Linya; Arjay Bautista at Enzo Ruiz sa Cita; Vince Rillon sa Nurse Abi; at Aerol Carmelo sa Huwad.

