PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sandro Muhlach guesting sa Family Feud, ipalalabas na

Family Feud, consistent na mataas ang ratings.
by PEP Troika
Published Oct 2, 2024
sandro muhlach family feud
Sandro Muhlach will be seen again on a TV program via the game show Family Feud Philippines, where he played alongside his family.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Noong hulin naming nakausap si Niño Muhlach, sinabi niyang hindi pa handa ang anak na si Sandro Muhlach na bumalik sa trabaho.

Hinahayaan lang daw niya si Sandro kung kailan ito handang magtrabaho muli.

Sa ngayon ay masaya raw nakiki-bonding si Sandro sa mommy niyang dumating galing Amerika.

Read: Niño Muhlach, nasorpresa rin sa pagdating ng ina ni Sandro

edith millare & sandro muhlach surprise
Sandro Muhlach and mom Edith Millare
Photo/s: Sandro Muhlach Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero okay naman daw si Sandro mag-guest, basta huwag lang pag-usapan ang tungkol sa kaso niya sa dalawang independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cru.

Natutuwa raw si Niño na gusto na rin ng kanyang anak bumalik sa normal ang buhay nito.

SANDRO MUHLACH ON FAMILY FEUD

May nakabangko palang guesting si Sandro sa Family Feud, at mapapanood na ito sa Huwebes, October 3, 2024.

Siya ang leader sa team ng Muhlach Family kung saan kasama niya ang kanyang tiyahing si Angela, nakababatang kapatid ni Niño; at sina Alexa at Aaron Muhlach.

Kalaban nila ang Eigenmann family na pangungunahan ng anak ng namayapang Mark Gil na si Stephanie, at mga pamangkin niyang sina Sandro, Liam, at Matti.

Sabi naman ni Niño, nandiyan lang siya para sumuporta kay Sandro kung gusto nitong guesting muna siya sa ilang programa kagaya ng Family Feud.

“Ang puwede mo lang talagang gawin is to be there by their side, makinig sa kanila, at ibigay lahat ang kaya mong ibigay na suporta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ganun naman talaga, e, pagmamahal,” saad ng aktor.

Read: Sandro Muhlach, sinorpresa ng kanyang inang si Edith Millare

nino sandro muhlach fast talk
Nino Muhlach and son Sandro Muhlach
Photo/s: GMA Network

NOEL FERRER

Sa totoo lang, itong Family Feud lang talaga ang consistent na mataas ang ratings sa mga panghapong programa.

Bumababa man nang konti, pero ito pa rin ang madalas pinakamataas ang rating sa afternoon timeslot.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong Biyernes, September 27, ay naka-8.4% ito.

Noong Lunes, September 30, ay 8.9%; at noong Martes, October 1, ay 9.5%.

Totoo bang gustung-gusto ng mga tatakbong pulitiko na maglaro sa Family Feud dahil maganda ang exposure nila sa game show na ito ni Dingdong Dantes?

Nagsisimula nang mag-place ng ads ang ilang pulitiko, at sa Family Feud ang gusto nila para makapaglaro na rin daw sila.

JERRY OLEA

Noon pa man ay umaariba ang Family Feud sa pagho-host ni Dingdong Dantes.

Kumakain ng alikabok ang mga katapat, 'ika nga. Kaya andaming gustong maglaro dito.

Maliban sa Family Feud, saan-saan pa bang TV show inaasam mag-guest ng mga pulitikong kandidato? Abangan!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sandro Muhlach will be seen again on a TV program via the game show Family Feud Philippines, where he played alongside his family.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results