JERRY OLEA
Facebook post ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) ngayong Miyerkules ng umaga:
“Check out the latest movies Opening in Cinemas TODAY, October 23 and let us know which one you're most excited to see! Grab your popcorn, get your tickets and immerse yourself in the magic of cinema.”
Read: Deadpool & Wolverine, patok sa takilya kahit bumabagyo
Walong pelikula ang opening today sa local cinemas. Dalawa sa mga ito ay gawang Pinoy, ang Sinag Maynila audience choice na Talahib, at ang Friendly Fire nina Loisa Andalio at Coleen Garcia-Crawford.
Ang anim na banyagang pelikula na today rin ang opening sa mga sinehan ay Panda Plan, The Colors Within, The Fix, Venom: The Last Dance, Vina Before 7 Days, at Alice.

Ano kaya ang kahihinatnan sa takilya ng mga pelikulang iyan? Susugod ba ang moviegoers sa mga sinehan — kung pati ang loob ng mall ay binaha?!
May resibo iyan sa verified Facebook page na Jun-Andeng Ynares.
BIDA KAPAMILYA IN CAGAYAN
Andaming events sa loob at labas ng showbiz ang ipinagpaliban dahil sa masamang panahon na dulot ng bagyong Kristine.
DJ JhaiHo shared on Facebook the announcement na minabuti ng ABS-CBN na ipagpaliban ang Bida Kapamilya tampok ang cast ng Pamilya Sagrado na nakatakda nitong Oktubre 22 at 23 sa Cagayan.
“Mahalaga sa amin ang kaligtasan at seguridad ng aming mga Kapamilya. Abangan ang aming anunsyo ng mga bagong petsa ng Bida Kapamilya upang patuloy na makapaghatid ng saya at tuwa sa mga Kapamilya.
“Maraming salamat at ingat, Kapamilya!” bahagi ng announcement.
Read: VIRAL: Bus conductor who feeds stranded passengers survives being stranded himself

SINELIKSIK BULACAN
Humingi ng paumahin ang pamunuan ng Tanghalang Metropolitan, Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (NHCP) at ang Panlalawigang Tanggapan ng Kasaysaysan, Sining, Kultura, at Turismo (PHACTO) ng Bulacan dahil ipinagpaliban ang SINEliksik Bulacan sa Metropolitan Theater (MET) na nakatakda ngayong Miyerkules ng 1:00-6:00 P.M.
Bahagi ng pabatid na naka-post sa FB page ng Metropolitan Theatre:
“Manatiling nakatutok sa mga susunod na pabatid sa muling pagpapalabas ng mga dokumentaryong pelikula ng SINEliksik Bulacan. Ang inyong registration ay nananatiling valid para sa panibagong petsa ng palabas.
“Maraming salamat at nawa’y maging ligtas tayong lahat.”

MISTER GRAND PHILIPPINES 2024
Ngayong Miyerkules ng umaga ay ini-announce ni G. Rex Belarmino na postponed ang coronation night ng Mister Grand Philippines 2024 na nakatakda sa Biyernes, Oktubre 25, sa Metrotent, Ortigas, Pasig City.
Ani G. Belarmino na presidente ng timpalak, “In light of the impending threat posed by Typhoon Kristine, we regret to announce that the highly anticipated Mister Grand Philippines 2024 Finals Night has been rescheduled to a later date (TBA). The safety and well-being of all involved are our utmost priority, prompting this necessary decision.
“Tickets already purchased will still be valid for the rescheduled date (no need to exchange tickets). Should you prefer a refund for your ticket purchase, we will honor your request without any complications.
“Our team is working diligently to finalize the new date for the Finals Night, where we will come together to celebrate excellence and diversity in a safe and secure environment.
“Should you have any questions or require further assistance regarding ticket refunds or the event rescheduling, please do not hesitate to contact 0918 452 7555 or message us in our official Facebook page.
“Thank you for your understanding.”

Nitong Oktubre 22, Martes ng gabi, ay sumailalim pa ang Mister Grand Philippines candidates sa Q&A Workshop with Boy Abunda sa Frontrow office, Quezon Avenue, Quezon City.
Related Stories:
- TikToker Jayden Fernandez joins Mr. Grand Philippines 2024
- Kapatid ni Jerome Ponce, candidate sa Mr. Grand Philippines 2024
- Mr. Grand Philippines 2024 candidate may pasilip habang rumarampa
- Mr. Grand PH 2024 candidate, gusto ring mag-artista gaya ng ama
NOEL FERRER
Pati nga taping natin para sa Troika Talk, postponed for a later date dahil sa bagyo, pero abangan pa rin nila ang umaatikabong bagyong pagbabalita at huntahan sa linggong ito.
This also gives me some time to rest kasi I was running on andrenaline din kahapon sa dami ng ganap.
But our heart goes out to Bicol, lalo na ang Naga City, na talagang napuruhan at nasalanta ng bagyong Kristine.
Sana tumulong po tayo.
ANGAT BUHAY DONATIONS FOR BICOL
Ang Angat Buhay is now accepting in-kind donations to support our ongoing relief efforts.
Starting today, donations can be dropped off at the Museo ng Pag-asa, 84 Cordillera St., Sta Mesa Heights, Quezon City.
Trucks will be departing from the office daily, heading to Naga City.
As you prepare your contributions, we kindly ask for your cooperation with the following guidelines:
1. Prioritize easy-to-eat food items for quick and convenient distribution.
2. Consider donating in bulk (the same item) to make loading, repacking, and distributing more efficient.
3. Avoid non-essential items so we can focus on the most urgent needs.
Please note that we will prioritize purchasing vegetables, meat, and fish through our local partners in Naga for distribution to those in need. For coordination, kindly contact Menard Mabutol at 0969 298 6296.
Angat Buhay also is in close contact with our institutional partners who are ready to provide immediate support.
We have also partnered with Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership to strengthen our resource mobilization efforts in Naga City.
For organizations and companies interested in helping, please reach out to the following contacts:
Raffy Magno, Angat Buhay Executive Director - 0998-5968820
Jaycee Belmonte, Angat Buhay Partnerships and Linkages Manager - 0968-8724610
You can also email: marcbatoy@angatbuhay.ph & partnerships@angatbuhay.ph
Ngayon natin ipakita ang ating bayanihan.
Read: Michael de Mesa stranded more than 22 hours by floods
GORGY RULA
Nakakabahala itong paghagupit ng bagyong Kristine, dahil kagabi pa lang ay talagang nahirapan na ang Bicol region.
Ang bilis nilang lumubog sa baha at humihingi na ng back-up ang rescuers dahil sa dami ng kailangan nilang i-rescue.
Ang latest na report mula sa Philippine Weather System, “The worst is yet to come!”
Ngayong Miyerkules ng gabi ay inaasahang tatamaan ang Isabela at Northern Luzon, at dadaanan ang buong Luzon.
Pinapayuhan na ang mga nasa mababang lugar na mas mabuting mag-evacuate na dahil asahan ang heavy rainfall. Kaya apektado nga ang mga naka-schedule na event hanggang Biyernes.
Ang susunod nating abangan ay ang mga fundraising campaign para mga nasalanta ng bagyo lalo na sa Kabikulan.
Ngayong nasa bahay ang karamihan, tiyak na tataas ang ratings ng mga programa sa telebisyon.
Mag-update tayo kung mas tataas ang ratings ng ilang inaabangan sa telebisyon, kagaya ng "Magpasikat" ng It’s Showtime, at ang kasisimula lang na Forever Young ni Euwenn Mikaell.
