GORGY RULA
Handa nang maging father of the bride si Ogie Alcasid pagkatapos ma-engaged ng kanyang 27-anyos na anak na si Leila Alcasid kay Mito Fabie aka Curtismith.
Sa media conference ni Ogie para sa kanyang Ogieoke 2 Reimagined concert na ginanap sa Kamuning Bakery nitong Biyernes, October 25, 2024, tinanong ng PEP Troika kay Ogie kung handa na ba siyang magpakasal si Leila.
Read: Ogie Alcasid's daughter Leila now engaged to BF Curtismith
Ani Ogie, “Alam mo, ang dami ko kayang kaibigan na ang dami nang apo. Parang ako na lang yung wala… well, hindi naman. Meron ding wala.
“Hindi ako naiinggit but I wanna feel that. Kasi lahat sila, sinasabi, ang sarap. E, sa pusa lang, tuwang-tuwa na ako e.”
Hindi pa raw alam ni Ogie kung kailan magpapakasal sina Leila at Mito.
Ready na ba siyang magkaapo?
“Kung ready na sila. I mean, after nila ikasal, bakit pa nila patatagalin?” sagot ni Ogie.

OGIE ALCASID EXPECTED MITO TO PROPOSE TO LEILA
Maayos daw nagpaalam si Mito sa kanya at sa ina ni Leila na si Michelle van Eimeren bago ito mag-propose kay Leila.
In-expect na raw ito ng singer-songwriter.
Saad niya, “Alam mo, there was a part of me na alam kong parating na siya. So, hindi naman sa hindi ko siya ini-expect.
“So, nung dumating, parang, you just confirmed what I was thinking, what I was feeling. So happy. I was super happy.
“I was talking to Michelle. Sabi niya, ‘Well, you know, life goes on.’ She’s happy.
"With me also, and I’m happy for both of them.
“Si Leila has blossomed into a real responsible, intelligent, loving daughter. So, sabi ko kay Michelle, ‘Sa yo lumaki yan, kaya ikaw yan, ikaw yan. Ikaw ang nagpalaki diyan.’”
Ang Ogieoke2 concert ni Ogie ay gaganapin sa Nobyembre 30 sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City.
Read: Ogie Alcasid on daughter Leila's engagement, marriage to Regine
JERRY OLEA
Excited si Ogie Alcasid na engaged na ang daughter niyang si Leila Alcasid sa live-in partner nitong si Mito Fabie.
Nalalapit na ang kanyang pagiging father of the bride, at lolo era.
“I’m very emo about it. Ahhmm, kasi siyempre baby ko yon. But I see she’s so happy. I see them very happy,” sabi ni Ogie.
“And Mito, her fiance, is a wonderful gentleman. He really shows his respect for all of us. So I feel blessed…”
Matagal na ang relasyon nina Leila at Mito. Di ba, initially, apprehensive pa si Ogie sa live-in set-up? Ngayon, ikakasal na sila…
Read: Ogie Alcasid, tutol sa pakikipag-live-in ng anak na si Leila sa rapper na si Curtismith
“Well you know, you can only do so much. Ayoko nang gawing isyu yun! Baka mag-away pa kami ng anak ko,” sambit ni Ogie.
“But tapos na yon, you know. Alam mo, pag tiningnan ko ang panganay ko, parang ang tingin ko pa rin — little girl.
“Kahit anong gawin mo, e, she’s a little girl. So, I don’t know how I’ll be on wedding day.”
Pakiwari ni Ogie, luluha siya sa araw na iyon.
“Ay! Dapat… para maganda yung video,” pakli ni Ogie.
“Ogie, umiyak! Parang syungaer!”
NOEL FERRER
Wala si Ogie nung moment na mag-propose si Mito kay Leila.
“They went camping. Siyempre alam ko na yun. Nagpaalam sa amin muna, kay Michelle at sa akin,” sey ni Ogie.
Siyangapala, guests sa Ogieoke 2 Reimagined concert ang BINI, at sina JM de la Cerna at Marielle Montellano.
Ang musical director ay si Bobby Velasco, at ang direktor ay si Paolo Bustamante.
Kakanta ba si Ogie ng BINI song sa nasabing concert?
“No. Ang napag-usapan namin, kakantahin nila with me yung 'Dito Sa Puso Ko.' Then they will sing 'Salamin, Salamin' I think,” tugon ni Ogie.
“And then, sabi ko, ‘Sino ba ang puwedeng mag-duet with me ng bagong version ng 'Hanggang Ngayon'?’
“So sabi nila, si Maloi. So kausap ko siya yesterday. Sabi niya, ready raw siya.”
