JERRY OLEA:
Bigo ang Under Parallel Skies nina Win Metawin at Janella Salvador na manguna sa listahan ng Top 10 Movies ng Netflix Philippines.


Nag-debut ito sa second place, at kapagkuwan ay bumaba sa third place.
OUTSIDE, EIGHT CONSECUTIVE DAYS NANG NUMBER 1 SA NETFLIX
Eight consecutive days nang number 1 movie ng Netflix PH ang zombie drama nina Sid Lucero at Beauty Gonzalez na Outside — mula Oktubre 19, Sabado, hanggang Oktubre 26, Sabado.

Nalaglag na sa top 10 ang pelikula nina Barbie Forteza at David Licauco na That Kind of Love.

Sa Top 10 TV Shows ng Netflix PH ay andiyan pa rin ang Lavender Fields nina Jodi Sta. Maria, Janine Gutierrez, at Jericho Rosales, pati ang Pulang Araw nina Alden Richards, Sanya Lopez, Barbie Forteza, David Licauco, at Dennis Trillo.
Streaming na sa Netflix ang second season ng Hellbound. Raratsada kaya itong muli sa Netflix?
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix:
1 Don’t Move
2 Outside
3 Under Parallel Skies
4 Family Pack
5 The Shadow Strays
6 Woman of the Hour
7 Hijack ‘93
8 Sweet Bobby: My Catfish Nightmare
9 Spies in Disguise
10 Violent Night
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix:
1 Dan Da Dan
2 Lavender Fields
3 As A Reicarnated Aristocrat, I’ll Use My Appraisal Skill to Rise in the World
4 Dragon Ball Daima
5 Failure Frame: I Became The Strongest and Annihilated Everything with Low-Level Spells
6 Gundam: Requiem for Vengeance
7 Pulang Araw
8 Culinary Class Wars
9 Territory
10 This is the Zodiac Speaking
Read: Outside, nanguna sa Top 10 Movies ng Netflix PH
NOEL FERRER:
OUTSIDE, WAGI SA STREAMING AUDIENCE
Maraming nakagusto ng Outside na gawa ng magaling na director na kaibigan ko na si Carlo Ledesma.

Actually, in-offer nga iyung lead role kay Iza kaso mo ay nagdalantao kaya para talaga kay Beauty Gonzalez ang role na iyun!

Sana, patuloy tayong makagawa ng ganitong mga magagandang panoorin dahil hindi man ito pumatok sa malawakang sinehan, at least, nagwawagi at nagiging record holder sa streaming app.
Tanggapin na natin na doon na talaga papunta ang daigdig ng pelikula.
Sayang lang at may pelikula talagang nagkakasya na sa niche market, gayung puwedeng i-reach at i-test ang drawing power ng mga pelikula, sa sinehan man o sa online.
Read: BarDa movie, nanguna sa Top 10 Movies ng Netflix PH
GORGY RULA:
Ang sabi ng ilang filmmakers, basta zombie movie, madalas talaga nagte-trending.
Isa raw iyan sa type talaga ng mga manonood sa streaming.
Nabuo kong panoorin itong Outside at maayos naman. Magaling dito si Sid Lucero at okay rin si Beauty Gonzales pati ang dalawang bagets na sina Marco Masa at saka si Aiden Tyler Patdu.
Pero may isang premyadong direktor na magaling gumawa ng horror film na na-bore dito sa Outside. Magaling lang daw talaga si Sid.
Nagsi-seesaw ang puwesto ng Lavender Fields at Pulang Araw — bumababa, tumataas, bumababa, tumataas.
Mas gusto ko ngayon ang Pulang Araw, at sa mga huling episodes, ang gagaling dito nina David Licauco at Dennis Trillo.

Pero mas gusto ko ngayon ang Pulang Araw, at sa mga huling episodes, ang gagaling dito nina David Licauco at Dennis Trillo.
