GORGY RULA
Sa pakikipag-usap ng Troika Talk kay Vilma Santos-Recto, muli niyang dinalirot ang isyu ng political dynasty.
Nitong Oktubre ay nag-file ng file certificate of candidacy ang Star For All Seasons para sa muli niyang pagtakbo bilang governor ng lalawigan ng Batangas sa 2025 midterm elections.
Ngunit ang ipinagtaka ng marami ay ang pagkandidato rin ng kanyang dalawang anak na sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto.
Read: Vilma Santos, sons Luis and Ryan file COC in Batangas
Si Luis, na anak ni Ate Vi sa kanyang first husband na si Edu Manzano, ay tatakbo bilang kanyang bise-gobernador.
Si Ryan Christian, na anak niya sa kanyang mister na si Finance Secretary Ralph Recto, ay kakandidatong congressman sa ika-anim na distrito ng Batangas.
Parehong unang beses sasabak sa pulitika ang dalawang anak ni Ate Vi.

VILMA SANTOS ON POLITICAL DYNASTY
Dahil dito, ilang netizens ang naghayag ng kanilang opinyon na tila wala na ring ipinagkaiba ang pamilya ni Ate Vi sa ibang political families na halos lahat ng miyembro ng pamilya ay tumatakbo o may hawak na puwesto sa gobyerno.
Reaksiyon ni Ate Vi, “Alam mo, sa totoo lang, it cannot be always ito na lang tayo nang ito. Yung sistema natin sa pulitika.
"Sinasabi nga nila, yung dynasty-dynasty.
“Yeah! The system in politics… you asked me right now, hindi pa rin naman ako kuntento, e. Kasi naranasan ko rin yan for 24 years.
“Kahit paano naman, I think may mga challenges naman dumating sa buhay ko diyan.
"Like yung pagboto sa ABS-CBN na natira kami, labing-isa na lang. Things like that.
“Tinanggalan ako ng committee because I stood my ground sa death penalty. So, marami rin akong challenges na ganyan.
“Ngayon, nahihilingan bumalik. You get me?”
Ang tinutukoy ni Ate Vi ay ang ginawa niyang pagboto sa Kongreso sa ilang mahahalagang isyu noong nakaupo pa siya bilang representative ng ika-anim na distrito ng Batangas.
Isa siya sa 11 kongresista na bumoto ng "No" na tuluyang ibasura ang pinagsama-samang panukala na humihiling ng panibagong prangkisa para sa ABS-CBN.
Nanaig ang botong "Yes" ng 70 kongresista kaya tuluyang nabasura ang franchise renewal ng dating giant network noong 2020.
Read: Who are the 70 solons who voted to kill ABS-CBN appeal for franchise renewal?
Noon namang 2017, isa si Ate Vi sa 54 solons na bumoto laban sa pagbabalik ng death penalty sa Pilipinas.
Habang 217 kongresista ang bumoto ng “yes” para maipasa na ang panukala sa third reading.
Dahil sa kanyang boto ay tinanggal si Ate Vi bilang chair of the House committee on civil service.
Read: Rep. Vilma Santos-Recto opposes re-imposition of death penalty
JERRY OLEA
Ipinaliwanag ni Ate Vi kung bakit ang mga anak niyang sina Luis at Ryan ang gusto niyang makasama sa kanyang pagtakbo sa 2025.
“Alam yan ng Batangueño, and para magbigay sa alam kong kaya ko pang i-offer, I just need people that I do trust, and I think I can work more effectively this time.
“I really don’t mind… I know, sabihin na nila, anyway demokrasya tayo, boboto sila. Cliché na yang dahilan na yan, I know, kung may batas man tayo or what.
“But I just feel comfortable working with my sons. You know why? Because I need energy in serving our people. I need fresh ideas, younger ideas.
“Alam mo ang ibig kong sabihin? To get the GenZ, millennials ngayon. Kasi sila ang 65 percent ngayon.
"Itong may mga energy, e. Yung fresh perspective, how to go about and deal with young people.
“Iyon yung naiisip ko as senior, alam ko ang gagawin ko, alam ko yung programa ko. But I need new blood. We need… actually we need new blood.
“Ito yung pagbibigay ng pagkakataon. Ito’y ino-offer lang naman. Kung pagkakatiwalaan niyo, nasa inyo naman, e. You get me?
“Hindi naman kami appointed. Kayo rin magdedesisyon, and I assure you yung serbisyo lang ibabalik lang namin yung tiwala.
“Kasi, kung mahilingan kang bumalik… yun nga, I’m very thankful, and I must have done something good.
“And kung mahihila ko later on [ang mga anak ko] dahil nakikita ko… diyan na sila lumaki sa amin e,” mahabang paliwanag ni Ate Vi.
Ang ibig sabihin ng actress-politician ay ang paglaki nina Luis at Christian sa mundo ng pulitika.
Read: Jessy Mendiola defends husband Luis Manzano from naysayers
Si Vilma ay nagsimulang pumalaot sa mundo ng pulitika noong 1998, kung saan naging mayor siya ng Lipa City sa loob ng tatlong termino (1998-2007).
Nasundan ito ng pagkapanalo niya bilang governor ng Batangas, kung saan nakatatlong termino rin siya (mula 2007 hanggang 2016).
Sumunod dito ay nahalal siyang kongresista ng sixth district ng Batangas, mula 2016 hanggang 2022. Hindi siya tumakbo noong 2022 elections.
Ang kanyang mister na si Ralph Recto ay dating congressman (three terms) at senator (three terms); at ngayon ay Department of Finance secretary.
Ang ama naman ni Luis na si Edu Manzano ay sumabak din sa pulitika.
Nagsilbi siyang vice mayor ng Makati noong 1998 hanggang 2001.
Naging chairman siya ng Optical Media Board, mula 2004 hanggang 2009.
Tumakbo siya bilang vice president noong May 2010 presidential elections at sa pagka-senador noong 2016. Pero hindi siya pinalad manalo sa parehong okasyon.
Read: Edu Manzano calls out politicians who get offended if not addressed by their former titles
NOEL FERRER
Tiyak na may magkukuwestiyon kung wala na bang ibang kuwalipikadong kandidato o bagong dugo na maaaaring tumakbo bilang vice-governor at congressman, bukod sa mga anak ni Ate na sina Luis at Ryan.
Lalo pa't nakasalalay ang kinabukasan ng mga mamamayan sa kanilang sinasakupan.
Pero ayon sa Star For All Seasons, alam ng dalawang anak niya kung ano ang dapat gawin at may maitutulong umano ang mga ito sa kanyang pamamalakad sakaling mahalal siyang muli bilang governor ng Batangas.
Nandiyan daw sila para gumabay sa bagong landas na tatahakin ng kanyang mga anak.
Ani Ate Vi, “Puwede kong sabihin… kung gustuhin man nila na nakukuha nila yung serbisyong nakita sa amin, why not?
“Later on… we cannot be there forever.
“So, kung gusto nilang magsilbi din, kung ma-guide din namin sila how to serve... not being self-righteous, but how to serve well at ibigay yung totoong serbisyo sa nagtiwala sa kanila, baka doon din kahit paano ay ma-guide namin sila.
“People will decide. I will make sure na mapagkakatiwalaan naman.”
