GORGY RULA
Noong napabalitang matatapos na ang Sarap, Di Ba? ni Carmina Villarroel at ng kambal niyang sina Cassy at Mavy Legaspi, napabalita ring hanggang October na lang ang Dapat Alam Mo! nina Kuya Kim Atienza at Susan Enriquez.
Ratings ang problema ng Dapat Alam Mo! kaya nag-decide na ang management na tapusin na lang ito.
Read: Sarap, Di Ba? hanggang Oktubre 2024 na lang mapapanood sa ere

NEW COOKING AND TALK SHOW
Ngayong araw, October 28, 2024, ay papalitan na ito ng bago—isang kakaibang cooking at talk show na ihu-host ni Mikee Quintos.
Ang ganda pa ng title nito, Lutong Bahay, na puwedeng maka-relate ang televiewers. Magsisimula na ito ngayong Lunes ng 5:45 ng hapon.
Challenge ito kay Mikee kung maiangat ba niya ang ratings sa timeslot na ito.

Base sa AVP na ipinakita sa nakaraang media conference ng Lutong Bahay, maganda ang konsepto ng show kung saan pinupuntahan nila ang mga kilalang artista sa kanilang sariling tahanan para matikman ang lutong bahay nila.
Ilan sa Kapuso stars na pinatuloy sa kanilang tahanan ang Lutong Bahay ay sina Ruru Madrid, Ai-Ai delas Alas, Rocco Nacino, Pokwang, at Chariz Solomon.
Interesting din panoorin kung paano ang lutong bahay ng kilalang chef na si Ninong Ry at ang paranormal investigator na si Ed Caluag.
Read: K-drama actor Kim Ji Soo officially signs with GMA's Sparkle
MIKEE AS A TV HOST
Dito rin masusubukan ang hosting skill ni Mikee, na talagang pinag-aralan ang paghu-host nung wala siyang gaanong trabaho.
“I think this show Lutong Bahay is a good platform for other people, like our viewers, to really see a new side of our guests na makita kung paano naman sila sa bahay.
“Usually, nakikita natin ibang mga artista pag nakaayos lagi na best foot forward na nagtatrabaho.
"But this time, we see them comfortable in their homes and sharing their stories and of course yung pinakamalapit sa puso nilang dish,” saad ni Mikee.
Makasama niya sa Lutong Bahay ang mga kilala ring content creators na tawag sa kanila ay "Kapitbahays" — sina Chef Hazel Añonuevo, Chef Ylyt Manaig, at ang kuwelang si Kuya Dudut.
Tingnan natin kung mapapalakas ng Lutong Bahay ni Mikee itong timeslot na iniwan ng Dapat Alam Mo!.
Read: Mikee Quintos shares her culinary passion in Lutong Bahay
NOEL FERRER
Pati content creators at internet sensations ay hina-handle na rin ng Sparkle ng GMA Artist Center, kagaya nitong sina Hazel Cheffy, Chef Ylyt, at Kuya Dudut.
Excited sila Lutong Bahay, kung saan kaagad nilang nakakasalamuha ang kilalang celebrities sa kanilang mismong tahanan.
Sabi ni Kuya Dudut, “Tulad ng sabi ni Mikee, yung mga tao, e, sanay na nakikita yung mga artista na may kanya-kanyang mga character sa palabas nila. Pero dito po iba e.
“Para sa akin, nararamdaman ko talaga…parang nasa bahay po talaga kami ng artist ana nakapasok po kami kahit man lang saglit sa loob ng buhay nila.”
Read: TikToker apologizes for flash incident at Olivia Rodrigo concert
JERRY OLEA
Natikman daw nila luto ng mga kilalang artista na may sariling version ng mga lutong bahay.
Sabi ni Chef Ylyt Manaig, “Dito sa Lutong Bahay, na-discover ko na yung lutong bahay nila, katulad nung sinabi ni Mikee, may iba’t ibang version siya. Hindi siya yung standard na nakikita natin online.”
Malalim ang hugot ni Hazel Cheffy, “Sa akin naman pom yung Lutong Bahay, lalo na yung show namin, hindi lang basta tungkol sa recipe yung pinag-uusapan dito.
“Isa sa pinakamalalim na kuwento is yung papano sila niluluto ng buhay, kung papano sila nahulma, kung paano ang lasa ng buhay meron.
“Hindi lang yung puro pagkain lang po ang i-share nila sa amin. Kundi kung ano ang nangyari sa buhay nila nang dahil dun sa recipe na yun.
“Masaya po kami na na-witness namin yun, na-share namin yun. Na-share nila sa lahat ng mga viewers namin yung mga pinagdaanan nila, kung paano sila niluto ng buhay.”
Sana, hindi lang mga bagong salta sa GMA ang naisasahog sa regular shows ng network.
May mga Kapuso noon pa na tila “natetengga” sa freezer. Di ba, ‘Nay Lolit?
