JERRY OLEA
Labing-apat na taon nang presidente si Ogie Alcasid ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM).
“The way I see it, parang magtatagal pa ako dun,” sabi ni Ogie sa mediacon para sa kanyang Ogieoke 2 Reimagined concert noong October 25, 2024, Biyernes, sa Kamuning Bakery Cafe, Quezon City. “Kasi wala namang gustong pumalit.”
The mere fact na presidente si Ogie ng OPM ay patunay na nirerespeto siya sa local music industry.
Sa kabila niyon, merong netizens na walang pakundangan minsan kung alipustain si Ogie. Naa-amuse ba siya sa ganoon? O patay-malisya siya?
Read: Ogie Alcasid on rumored end of It's Showtime-GMA agreement
“Ahh yung mga basher? Yung mga basher, uso kasi yun, e. He! He! He!” pagtawa ng pinagpipitaganang mang-aawit, composer at aktor.
“Naaawa ako dun sa mga namba-bash. Kasi, they come from a place of darkness, and it’s nakakalungkot for them.
“So, pag naggaganun sila, minsan nagre-reply ako, e. Halimbawa, nagba-bash sila, sasabihin ko, ‘Salamat. God bless you.’
“Tapos yung iba talaga, ‘HAA?!?! Ba’t ganun to?’ Diyos ko, sa tanda ko namang ito, papatulan ko pa?
“So yun. Sabi nga nila, hurt people hurt people. So if you can give them a little kindness, I think, it will make a world of a difference.
“Meron akong basher, naging kaibigan ko eventually.
“I feel bad for the younger people. Kasi dinidibdib talaga nila. Binabasa talaga nila, o?! ‘Ba’t may ganun?’”
MESSAGE TO BASHERS
Iyong online post ni Ogie noong isang araw, inakala ng iba na may pinagdadaanan siya. Pero patungkol iyon sa bashers, di ba?
“Yes, yeah. Madalas kasi akong nagpo-post ng mga parang suggestion ko,” pahayag ni Ogie.
“Na alam kong pinagdadaanan din naman ng ibang tao. I can’t remember what I wrote, e.
“Parang sabi ko, ‘People will always try to put you down. Always. So to counter that, just take stock of what’s really important things, and hold on to them because they are the ones that really matter.’
“It may be your friend, your family — yung opinyon nila ang mahalaga. Kasi kung sa sarili mong pamamahay, bina-bash ka ng mga mahal mo sa buhay, ikaw na yung may problema, di ba?
“But as long as your relationship with them is solid and you have mutual admiration, ayan!” bulalas ni Ogie nang makita ang pinost niyang suggestion.
“People will try to put you down. The key is to hold on to the persons in your life that matter. Your love for each other is what will keep you in believing that there is still good in this world. Be good to yourselves, lovies, you so deserve it.
“Wow! Ako pala ang nagsulat nun. Meron akong mga ganyan, e, yung panaksa-naksang nagsusulat akong ganyan.
“E, nakikita ko, people resonate with it. Kesa yung mag-post ka ng, ‘The Lord said…’ Naku, hindi!
“Hindi ka babasahin nun. Kasi parang… hindi ka naman pastor, di ba? So I’d rather say things that people will resonate with.
“So I’m glad. Parang meron akong panaksa-naksang ganyan. Now, if the question is, am I going through something like that?
“Of course! Of course. So I’m actually reminding myself also. Kasi hindi naman tayo matanda na, hindi na tayo dumadaan sa depression. Or sadness, di ba?
“It’s part of life. But the key is really… you also notice, pag-uwi ninyo, I don’t know, pag-uwi ninyo, yung… titingnan niyo lang yung pamangkin ninyo, mahal niyo sa buhay, anak nyo, aso niyo.
“Ako, yung pusa namin, pag nakita ko… iba na, iba na yung nararamdaman ko. This cat loves you no matter what.
“Lalambingin ka, lalambingin ka. Ang sarap ng feeling na yon! So I know, corny yung example ko but if I may share lang, those are the little things that matter.
“Even your cat matters."
Read: Ogie Alcasid, handa nang maging father of the bride
View this post on Instagram
NOEL FERRER
Kailan pa naging cat person si Ogie Alcasid?
Natatawang kuwento ni Ogie, “Ganito yan. Istorya niyan, nung kami pa ni Michelle [Van Eimeren], mas marami pa kaming pusa noon.
“So, noong nagkahiwalay na kami, siyempre naiwan sa akin ang mga pusa, hanggang sa nagkandamatay na sila. Naiwan ngayon, mga aso.
“But since Regine [Velasquez] is really… I think nung naging kami, si George yung aso niya nun, e. Alam nyo naman si George, so yun yung parang naging baby namin. “And it was so sad for her to lose George.”
Noong 2018 pumanaw ang shihtzu na si George, na 13 years inalagaan ng Asia’s Songbird.
Read: Regine, Iza at Ben nagluluksa dahil sa pagpanaw ng kanilang pet dogs
Pagpapatuloy ni Ogie, “So, binigyan ko siya nung Chanel [shihtzu rin]. May John pa, may anak si George, si John. Chanel, then binigyan siya ng si Vision ang pangalan.
“One time, yung nagbebenta sa amin ng prutas, nagbebenta din ng pusa. Maine Coon.
“So, nung tinitingnan ko yung mga prutas, ‘Masarap ang avocadong ito,’ biglang may mga pusa. ‘Ay! Ang ku-cute naman nito!’
“Hindi ko alam, sabi ko, ‘Magkano ito?’ So, binili ko na yung isa. Sobra akong na-in love sa pusang iyon. So, bumili ako ng isa pa.
“So magkapatid sila sa nanay, si Lily at si Lala. So, naging pusa person na naman ako.
“And then, Regine revealed to me na noong araw pala, pusa person siya noon. Noong araw.”
Read: Ogie Alcasid closes door on politics

GORGY RULA
Bumili si Regine Velasquez sa Lazada ng dalawang higaan ng pusa.
Kuwento pa ni Ogie Alcasid, “Yung si Lily, eventually, naging tulugan na niya. Di ba, ang cute? Sobrang babaw namin. ‘Look at Lily, sleeping in the bed!’ Ha! Ha! Ha!
“Kaligayahan na namin yon. Ha! Ha! Ha! Ha! Di ba? So ayun, e, nasira yung kuwarto namin dahil nasira yung bubong namin.
“So, pinagawa namin yung kuwarto namin, di ba? So, nakatira ngayon kami for the longest time, well before this, dun sa lumang kuwarto ni Nate.
“Na alam mo, sa floor kami natutulog for eight months. At katabi na naman namin si Lily. Hanggang sa nagawa na ang kuwarto.
“Ayun, andun na naman si Lily sa bagong room namin. Si Lala kasi, kay Nate.
“Apparently ang mga pusa, pag natutulog ka pala, kaya hindi sila… di ba, ano sila, light sleeper? Binabantayan ka pala nila.
“They will make sure na tulog ka. Pag gumigising silang ganun, gusto nila, tulog ka. Matutulog lang sila pag tulog ka na. Ang cute!”
View this post on Instagram
Si Lily ba, mother na?
“Hindi. Pinakapon namin, e.”
Proud si Ogie na hindi madumi sina Lily at Lala. Alam nila kung saan dapat pumupu.
“Tapos di ba, minamasahe ka nila. Ang tawag dun, kneading, e. Yung gaganun-ganunin ka,” pagmumuwestra ni Ogie.
“Tingnan niyo yung Instagram ko, minamasahe nila si Regine. They’re so cute!
“Tapos nag-usap kami ni Regine nung isang gabi, ‘Uy! Parang hindi na natin pinapansin yung mga aso natin.’”
Read: Ogie Alcasid, frustrated maging Martin Nievera sound-alike
View this post on Instagram
Nag-aaway ba ang mga aso’t pusa nila?
“No, no. Eventually they become friends. Sa simula talagang… hindi puwede,” pakli ni Ogie
Siyangapala, ang Ogieoke2 Reimagined concert ni Ogie ay gaganapin sa Nobyembre 30, Sabado ng gabi, sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City.
Panauhin sa concert ang BINI, at sina JM de la Cerna at Marielle Montellano.
Ang musical director ay si Bobby Velasco, at ang direktor ay si Paolo Bustamante.
