JERRY OLEA
Sandro Muhlach shared today, October 30, 2024 on Facebook the news links regarding the rape case filed by the Department of Justice (DOJ) against GMA-7 independent contractors Jojo Nones and Richard Cruz.
Read: DOJ files rape case vs GMA independent contractors; Sandro Muhlach
May maiikling mensaheng kalakip ang FB posts na iyon ni Sandro: “From pain to purpose, God's guidance lights the way. Survivor, not victim.”
“Thank you lord so much! (red heart emoji)”
“Healing and justice, God's presence surrounds me. Overcoming trauma, one day at a time. (red heart emoji)”
Ang ama ni Sandro na si Niño Muhlach ay nag-shout out sa FB, “GOD IS GOOD!”
other sexual harassment cases
Umakyat na rin sa DOJ ang reklamong acts of lasciviousness ng unnamed talent ng TV5 laban kay Cliff Gingco na dating program manager ng Budol Alert.
Read: Talent accuses TV5 program manager of sexual harassment
Wala pa tayong update kaugnay sa reklamo nina Gerald Santos at Enzo Almario laban sa musical director and composer na si Danny Tan.

Nagsu-shoot si Gerald ng indie movie na Ayaw Matulog Ng Gabi, kung saan lubhang challenging ang kanyang role.
Hindi ito remake ng pelikulang Ayaw Matulog Ng Gabi (1990) na pinagbidahan nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino, sa direksyon ni Carlo J. Caparas.
Ang istorya ng bagong movie ni Gerald ay mula sa NBI files. Ang scriptwriter at director nito ay ang NBI agent na si Ronald Sanchez.
Related Stories:
- Gerald Santos, pinangalanan na ang humalay umano sa kanya
- Enzo Almario, umaming biktima ng rape sa edad na 12
GORGY RULA
Hiningan namin ng pahayag si Atty. Maggie Abraham-Garduque, ang legal counsel ng GMA-7 independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz, pero wala pa raw silang maibigay na pahayag dahil hindi pa nila nababasa ang resolution.
Pinakuha na raw ni Atty. Maggie ang kopya ng resolution, at bukas ay maglalabas sila ng statement kaugnay rito.
Sinubukan din naming hingan ng statement ang legal counsel ni Sandro Muhlach na si Atty. Czarina Raz, pero hindi pa siya sumasagot sa aming text message.
May nakausap kaming ilang independent contractors at nagugulat pa rin daw sila sa mga nangyayari.
Wala silang alam kung ano ang plano ng GMA-7 kay Sandro Muhlach. Makakabalik ba siya sa trabaho? May career plan ba ang Sparkle sa kanya?
So far, nakikita lang sa social media account niyang naging abala siya sa paglalaro ng billiard, na naging champion pa ang ama nitong si Niño Muhlach sa Motivated Billiard League Season 1.
Read: Sandro, Gerald, TV5 talent scandals pinagpipistahan ng publiko

NOEL FERRER
Kung yun man ang desisyong magkikita ang lahat sa korte, then so be it!
Ngayon, labanan na ng ebidensiya. In fact, doon naman dapat ang totoong balitaktakan at hindi sa Senado.
Ngayon, let the wheels of justice take over.
