Trigger Warning: This article mentions sexual harassment
GORGY RULA
Tila naging biktima pa ng victim-blaming ang Kapuso singer-actress na si Rita Daniela matapos niyang maghain ng reklamong acts of lasciviousness laban sa kanyang co-star sa Widows' War na si Archie Alemiania.
Marami kasi ang nagtatanong kung bakit pumayag ang singer-actress na sumakay sa sasakyan ng aktor at ihatid sa kanyang tahanan sa Bacoor City, Cavite.
Gayong sa thanksgiving party pa lang na hinost ni Bea Alonzo sa bahay nito ay nakatanggap na umano si Rita ng pambabastos mula kay Archie.
Read: Rita Daniela, sinampahan ng acts of lasciviousness si Archie Alemania
Ayon sa legal counsel ni Rita na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, iyon din ang una niyang tinanong sa Kapuso singer-actress nang ikinuwento nito sa kanya ang nangyari.
Nakasaad daw sa No. 18 ng affidavit ni Rita ang sagot nito sa tanong ng karamihan.
Sabi ni Rita sa kanyang isinumiteng affidavit: “Thinking that he was already sober and that he went back to his being an elder brother who could safely take me home, I agreed to ride with him and cancelled my Grab ride.”
Read: Rita Daniela details text exchange with Archie Alemania
RITA AND ARCHIE ARE UNDER THE SAME SPARKLE MANAGER
Matagal nang nagkakasama sina Rita at Archie sa ilang programa sa GMA-7.
Nasa iisang manager din sila sa Sparkle ng GMA Artist Center, ang talent management arm ng Kapuso network, kaya kuya-kuya raw ang turing ng aktres sa aktor.
Pinalagpas daw ni Rita ang unang mga sinabi ni Archie sa kanya sa party, at hindi naman daw niya akalaing mas matindi pa ang gagawin nito pagkahatid sa kanya sa Bacoor.

Muling tinext ng PEP Troika si Archie Alemania para hingan ng pahayag o kahit ang kanyang legal counsel, pero hindi pa rin siya sumasagot sa ipinadala naming text message.
JERRY OLEA
Hiningan ng PEP Troika ang Sparkle ng pahayag kaugnay sa isyung ito nina Rita Daniela at Archie Alemania, dahil nasa isang management team lang sila.
Narito ang kabuuang statement na ipinadala ng Sparkle sa PEP Troika:
“We at Sparkle GMA Artist Center are committed to ensuring a safe and respectful environment for everyone.
“Regarding the recent incident involving Rita Daniela and Archie Alemania, we have listened to both sides of the story over the past weeks. We believe this matter should be addressed in the proper forum, and we encourage both parties to engage in dialogue to resolve this issue fairly.
“We remain dedicated to supporting our artists and ensuring their well-being. We trust that this process will lead to a constructive resolution.
“Thank you for your understanding and support.”
Read: Mga kaso ni Sandro at ng TV5 researcher, umakyat na sa DOJ
NOEL FERRER
Malinaw na may mali sa inasal ni Archie Alemania dahil sa impluwensiya umano ng alak. Kailangan niyang managot rito.
PERO ang tanong ko lang — kung ganoon na pala ang pakitungo niya kay Rita noong una pa lang sa party ni Bea, bakit pa isinuong ni Rita ang sarili sa sitwasyong magpahatid pa kay Archie pauwi?
Wala bang nag-advice sa kanyang boss ng network o at least guardian nila o taga-Sparkle na alternatibong means ng kanyang pag-uwi nang hindi na umabot sa ganoong pangyayari?
PERO pumayag man si Rita na ihatid siya ni Archie sa bahay, wala pa ring karapatan ang aktor na mag-take advantage sa aktres.
Ngayon, naglalabas ng statements ang mga taong concerned pero tapos na ang sitwasyon.
Wala ba sana silang nagawa para pigilan ang nangyari? Para na rin meron tayong panuntunan sa mga susunod na hakbang kung may mangyari mang ganito ulit (na huwag naman sana).
Read: Iza Calzado: Sexual harassment, na-discuss din sa AKTOR Ph
