PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Streetboys, walang inggitan mula noon hanggang ngayon

Streetboys, tanggap na si Spencer Reyes ang pinakasikat noong kasikatan nila.
by PEP Troika
Published Nov 1, 2024
streetboys reunion concert
Popular '90s all-male dance group Streetboys will have a dance reunion concert, titled SB90s The Streetboys Reunion Dance Concert at the New Frontier Theater on November 8, 2024. From left: Vhong Navarro, Danilo Barrios, Meynard Marcellano, Joey Andres, Joseph de Leon, Nicko Manalo, and Jhong Hilario.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Puspusan na ngayon ang rehearsals ng Streetboys para sa kanilang reunion dance concert na SB90s The Streetboys Reunion Dance Concert na gaganapin sa New Frontier Theater, sa Araneta City, Cunao, Quezon City, sa November 8, 2024, Biyernes.

Nakikita sa mga Facebook post ni Spencer Reyes ang masayang bonding nilang magkagrupo dahil ngayon lang sila uli napagsama-sama na talagang kumpleto.

Read: Streetboys, bakit inabot ng 31 years ang reunion dance concert?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng founder at manager ng Streetboys na si Direk Chito Roño, siguradong kumpleto ang mga miyembro ng Streetboys na magpe-perform.

Noong kasikatan kasi nila ay madalas na merong hindi puwede, at nabubuo pa rin naman nila ang kanilang performance.

“First time na buo talaga. First time na babalik lahat na hits ng Streetboys. Yung mga popular na hits nilang sasayaw. Makikita yun lahat. '90s nga,” pakli ni Direk Chito sa nakaraang media conference ng reunion concert ng Streetboys.

Dagdag naman ni Vhong Navarro, “Yung eleven po kami na first time kaming kumpletong magkasamang sasayaw. Kasi hindi po nangyari yun, e.

“Parang ang nangyayari, pag meron pong… hindi nakukumpleto, may aalis, parang ganun. Eto yung first time e.”

Read: Streetboys, siguradong kumpleto sa kanilang reunion concert

streetboys reunion concert
Streetboys members: (from left) Vhong Navarro, Danilo Barrios, Meynard Marcellano, Joey Andres, Joseph de Leon, Nicko Manalo, and Jhong Hilario.
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

STREETBOYS MEMBERS: WHERE ARE THEY NOW?

Isa sa ipinagmamalaki ng Streetboys ay wala raw inggitan sa kanila.

Lahat sila ay binigyan ni Direk Chito ng break sa pag-artista, pero iilan na lang ang naiwan at naging maganda ang career sa showbiz, kagaya nina Vhong Navarro at Jhong Hilario.

Ang iba ay tanggap nilang hindi talaga sila pang-showbiz kaya nagkaroon sila ng kani-kanyang career.

Ipinagmamalaki rin ni Direk Chito na walang naligaw ng landas sa mga miyembro ng Streetboys.

Hindi man sila naging successful sa kanilang showbiz career, maayos ang kanilang karera sa ibang propesyon. Ang iba ay nasa ibang bansa at maayos ang trabaho.

Read: Dance group Streetboys found performing at Universal theme park in Singapore

Si Nicko Manalo ay may sariling negosyo na food stalls at masaya sa kanyang pamilya.

Si Joseph de Leon ay nagtatrabaho sa isang real estate sa Dubai, pero nagtuturo pa rin siya ng Zumba.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Joey Andres ay may sarili na ring food business.

Si Meynard Marcellano ay matagal nang nasa musical na Miss Saigon kung saan ay nakasama siya sa Asian at UK tour sa loob ng apat na taon. Pagkatapos nun ay nagtrabaho na siya bilang assistant show director sa Universal Studios sa Singapore.

Read: Streetboys member Meynard Marcellano stands by Vhong Navarro amid legal battle

Si Spencer Reyes ay maganda rin ang buhay sa Scotland, kung saan ay nandun din si Michael Sesmundo.

Read: Streetboys member Spencer Reyes, bus driver na ngayon sa Scotland; nagbalik-tanaw sa love team with Ice Seguerra

Si Danilo Barrios ay katuwang ng asawa niya sa negosyo nilang beauty products.

Read: Danilo Barrios, wife Regina: First love never dies

Nasa Canada naman si Sherwin Roux, at si Christopher Cruz ay may iba na ring trabaho, pero nagtuturo rin ng Zumba.

streetboys with chito rono
Streetboys with Direk Chito Rono
Photo/s: Jhong Hilario Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WALANG INGGITAN

Masaya raw sila sa mga nagtagumpay sa pag-aartista.

Sabi ni Nicko, “Yun ang importante, e. Big factor yung walang inggitan.

"Bigyan ng break itong si Vhong, si Kuya Jhong, walang inggitan. Kumbaga, yun yung forte nila, kung saan sila magaling, kaming lahat, proud.

“Tagumpay ng isa, tagumpay na rin ng grupo.”

Dagdag na pahayag ni Meynard, “Binibigyan niya [Direk Chito] tayo ng pagkakataon, pero hindi ganun kalaki. I-check ka niya, i-feature ka niya.

"Pagka alam niya okay ka, sige okay. Pagka hindi, yan na ang last mo.”

Sabi naman ni Vhong, “Lahat kami tinray, e. May Mother’s Studio pa dati, Maricel Drama Special.

"Ako yung huli actually. Ako yung huli na nabigyan ng pagkakataon kasi lahat talaga inuna, e.

“Kasi nakita ni Direk Chito, ako yung makulit sa grupo, so ako yung napunta sa comedy. Kasi lahat talaga na-try, e.

“Binigyan talaga ng chance lahat ni Direk Chito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkataon lang daw na nabigyan ng magandang break sa pag-aartista sina Vhong at Jhong. Malaking bagay raw talaga ang hardwork at tiyaga.

Saad ni Direk Chito: “Looking back, iniisip ko nga, maybe they’re right. Hindi ko talaga sinadya na ganun talaga.

“Saka kung may potential, kung hardworking ka, nandun ang potential mo, I will help you. Pero hindi kita pipigilin… hindi ko…

"One, si Meynard, magaling na singer, pero nag-rap na lang siya!

“Kung ano yung potential mo, kung hardworking ka, hindi ka tatamad-tamad, I will help you.

"Kasi may mga members ako nung una, nung bago pa lang yung Steetboys, nung hindi pa sila kilala na may hitsura, may ano pero tamad, goodbye.

“Meron nga kaming term dati, ‘goodbye Sara!’

“Hanggang ngayon, buhay pa rin yung ‘goodbye Sara’ namin, pero joke na lang.”

Read: Galawang '90s: top local dance groups reunite for benefit concert

JERRY OLEA

Tanggap din daw nilang si Spencer Reyes ang pinakasikat sa kanila noong kainitan ng kanilang grupo. Nandiyan lang daw sila para sumuporta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Streetboys in the '90s
Streetboys in the '90s

Kuwento ni Vhong, “Naalala ko nun merong show sa Brunei. Yung anak ng prinsesa, ang crush si Spencer e. Parang in-invite lang yata nun si Spencer.

“Pero sabi ni Direk Chito, hindi si Spencer aalis na dapat kasama yung grupo. Dahil nga dun, bitbit ni Spencer yung Streetboys, kasama kaming lahat. So, nakapunta kami ng Brunei, nakapag-show kami dun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kay Spencer naman daw noon ang cuteness, lalo na’t siya ang pinakabata sa grupo noon.

“Bagets naman talaga si Spencer nun, pinakabata sa grupo. So, dala niya yung pangalan ng Streetboys, everybody parang gumagana rin, kumikita rin kayo sa kasikatan niya,” sambit ni Direk Chito.

Pakli ni Vhong, “Eto yung sinasabi ni Direk Chito na ito yung time. Ito yung binigay na break ni Spencer, eto yung time ni Spencer. Siya yung naging artista, naitapat kay Wowie [de Guzman]."

Dagdag naman ni Meynard, “Para sa amin, masaya kami, e. Kasi yung part siya ng group namin, e. So, parang kasi yung tratuhan po namin parang magkakapatid.

“For example, yung may kapatid o kamag-anak na sikat ganun, parang you’re so proud. Dala-dala niya yung name ng grupo.”

Read: Vhong Navarro reunites with Streetboys members after his release

NOEL FERRER

Kahit sa girls ay hindi rin daw naging isyu sa kanila at never daw nilang pinag-awayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May kuwento si Vhong Navarro nang nagkasabay sila ni Joseph de Leon na manligaw kay Bianca Lapus.

vhong navarro joseph de leon streetboys
Vhong Navarro (left) and Joseph de Leon (right)
Photo/s: Files

“Hindi talaga maiwasan that time, e. Kasi minsan may mga nakasama kami o nakatrabaho kami na magkakagusto ka, e. Tapos minsan, hindi maaalis, iisa ang tipo namin, di ba?” bulalas ni Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niya, “Meron din kami ni Joseph that time. Yung niligawan po niya, yun ang naging ex-wife ko nung panahon na yun.

“Tumawag po ako sa bahay ni Bianca that time, ang hinahanap ko si Joseph.

“Si Joseph ang hinahanap ko sa bahay ni Bianca that time. Tapos ang sumagot sa telepono, ang kapatid ni Bianca. ‘Ha? Kuya Joseph? Teka lang po.’

“'Ay, teka lang po!' So, ibig sabihin nandun. So, pagsagot, 'Uy!'

"Pero that time, parehong nanliligaw lang that time. Nanliligaw pa lang.”

Si Joseph daw talaga ang tatawagan niya, pero ang na-dial niya ay ang telepono sa bahay nina Bianca.

Tamang-tama namang nandun si Joseph kaya aksidenteng nahuli niya ito.

Sabi ni Joseph, hindi naging sila ni Bianca, at hindi nila pinag-awayan yun.

Lahad pa ni Vhong, “Ang weird talaga! Hindi ko alam. Tatawag ako kay Joseph parang ganun, pero ang natawagan ko, bahay ni Bianca.

“Parang inaano ko, bahay ni Joseph that time. Pero ang weird, ang bahay ni Bianca ang natawagan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagulat ako, nandun siya. Huli ka!

“Pero okay lang. Wala namang problema sa akin that time. Basta ano lang… kung nanliligaw, okay lang. Nagkasabay lang kami nanligaw.”

Read: Check out this Streetboys reunion...It's crazy!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Popular '90s all-male dance group Streetboys will have a dance reunion concert, titled SB90s The Streetboys Reunion Dance Concert at the New Frontier Theater on November 8, 2024. From left: Vhong Navarro, Danilo Barrios, Meynard Marcellano, Joey Andres, Joseph de Leon, Nicko Manalo, and Jhong Hilario.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results