GORGY RULA
Nagsama muli sina JC de Vera at Rhian Ramos sa pelikulang Huwag Mo ‘Kong Iwan, kung saan tampok din si Tom Rodriguez, sa direksiyon ni Joel Lamangan.
Hindi masabi ni JC na naging magka-loveteam sila noon ni Rhian, pero nagkasama sila noon sa GMA-7 sa teleseryeng La Lola na maganda raw ang kinalabasan.
Kaya exciting daw itong pagsasama nilang muli sa Huwag Mo ‘Kong Iwan na magso-showing na sa mga sinehan sa November 27, 2024
Read: JC de Vera happy sa married life: "I have the best wife ever."

JC DE VERA ON WORKING AGAIN WITH RHIAN RAMOS
Parang wala naman daw nabago nang magkita sila uli at magkasama sa pelikula.
Ayon kay JC, “We’re both okay. Hindi naman kami unfamiliar sa isa’t isa pagdating sa pag-arte at sa paggawa ng project kasi… yung ginawa nga namin yung La Lola, magandang series yun at mahaba. That was 2008, medyo matagal na.
“I think that made Rhian, e…. yung show na yun kasi that’s the time na binigyan siya ng malaking break, and yung La Lola nga yun. Maganda yung palabas na yun.
“Walang feeling na, alam mo yun? Kasi matagal kaming hindi nagka-work, akala ko magkakapaan kami, pero hindi. We’re still the same.
“Maayos naming nagawa yung project namin tapos walang ilangan, walang… very comfortable pa rin as in professionally natapos namin yung mabibigat na eksena naming hindi kami nagkaroon ng maraming takes.”
Nakatsikahan ng PEP Troika si JC sa Supersam restaurant nitong Huwebes, November 7, 2024.
Hindi itinanggi ni JC nung nagkasama pa sila ni Rhian sa La Lola ay nagde-date sila. Parang pinaglalapit daw talaga sila noon.
“Normal naman kasi yata na kapag meron kang naka-partner before, nali-link talaga kayo mutually na parang… meron naman. Siguro bonding, more on bonding,” pakli ni JC.
Pero naging sila ba talaga noon?
“During that time, lahat na magkaka-partner parang nagkakaintriga na nagliligawan, nagiging sila kasi sweet sila.
“Pero matured na tayo lahat dito, e. Teenagers pa kami nun, e.
"We’re both matured na, she has her own boyfriend right now, serious boyfriend.
“And I have my own family right now. So, I guess, parang irrelevant na siya,” saad ni JC.

NOEL FERRER
Masaya si JC de Vera sa takbo ng kanyang career, ngayong pumirma siya muli ng renewal sa ABS-CBN.
Eleven years na siyang Kapamilya actor, at itong pagpirma niya ng another two years na kontrata sa ABS-CBN ay kabayaran na rin ng loyalty niya sa naturang network.
Sa gitna ng mga pinagdaanan ng kanyang network ay nanatili siyang Kapamilya at hindi niya ito binitawan.
Read: JC de Vera would love to work with GMA-7 again but, "My loyalty and faithfulness is with ABS-CBN."
View this post on Instagram
LOYAL KAPAMILYA
Pahayag ni JC: “Minsan kasi you have to take a stand, kasi what ABS did to my career na-appreciate ko talaga yun.
"And I’m truly grateful talaga na na-mold nila ako as an actor and it means so much to me…. yung binigay nilang opportunity sa akin.
“So, during those hard times, parang it’s not right yata to leave and make a decision na alam mo yung iwanan sila.
“Iyon yung essence on being a Kapamilya, e. Yung walang iwanan, e. Through thick or thin, e, that time alam mo yung pamilyado ako, kailangan ko mag-provide.
“Hindi lang naman ako siguro nag-iisa na nakaranas ng ganun. I think most of the actors that time felt that way. Na hirap na nag-adjust dun sa sitwasyon.
“Hindi naman ibig sabihin na nangyari yung pademya na yun, it means forever na tayong ganito, di ba?
“Na magkakaroon ng life pa rin whatever happens. After ng pandemic, iyon naman talaga nangyari.
“Eto na, we kept on producing really you know top of the line shows na puwedeng pang-international. Most of our kapamilyas are winning abroad, alam mo yun?
“Nakaka-proud to be a Kapamilya kasi yung ibang mga kasama nating co-actors are doing well internationally also. Most of them are being recognized international, bakit ako aalis?
“Loyalty does matter talaga and the network paid me well. Binayaran nila ako sa loyalty na yun, and yung payment na yun, eto na yung contract signing.
“Eto naman yung important sa akin to be secured and then to be financially comfortable.”
Kaya ang wish ng aktor, “Siguro kahit mag-50 ako hoping ako na sana maging Kapamilya pa rin forever.”
Kasama si JC sa action-drama series ni Gerald Anderson na Nobody.
Read: JC de Vera, aminadong tinanggap ang Escape From Mamasapano dahil sa mga bayarin
JERRY OLEA
Kasabay ng Huwag Mo ‘Kong Iwan sa November 27, 2024 playdate ang Idol: The April Boy Regino Story, at ang tentpole movie na Moana 2.
Trailer pa lang ng animated musical adventure film na Moana 2, kapana-panabik na. Mahihinuha mo na agad na magpapakitang-gilas ito sa takilya.
Iyong naunang Moana ay ini-release sa USA noong Nobyembre 23, 2016. Ayon sa Box Office Mojo, ang worldwide gross nitong $643M ay ika-12 sa pinakamalakas eight years ago.
Kaya tingnan natin kung tig-ilan ng mga sinehan ang mailalaan para sa Huwag Mo ‘Kong Iwan at Idol: The April Boy Regino Story.
Read: Movie Guide: Horror overload, QCinema, local and foreign films
LOCAL CINEMAS AND BOX OFFICE
Susubaybayan natin ang mga kaganapan sa local cinemas hanggang Disyembre.
Sa Nobyembre 13, Miyerkules, ay showing na ang reunion movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Again.
Ang naunang KathDen movie na Hello, Love, Goodbye na ipinalabas noong Hulyo 31, 2019 ay humawak ng record bilang pinakamalakas na Pinoy film sa takilya (hindi adjusted sa inflation).
Kinabog iyon ng MMFF 2023 entry nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na Rewind.
Kaya abang-abang tayo kung “mababawa” ng KathDen ang “korona” sa DongYan — considering na after ng showing ng Hello, Love, Again ay tatlong Hollywood films ang inaasahang magpapayanig sa takilya.
Nobyembre 20 ang playdate ng epic musical fantasy film na Wicked, starring Cynthia Erivo and Ariana Grande.
Gaya ng nabanggit ko na, Nobyembre 27 ang playdate ng Moana 2, kung saan tampok sa voice cast sina Auli’i Cravalho at Dwayne Johnson (na bida sa now showing na Red One).
At Disyembre 4 ang playdate ng Gladiator II nina Paul Mescal, Pedro Pascal, at Denzel Washington, sa direksyon ni Ridley Scott.
50TH MMFF
Siyempre pa, sa Disyembre 25 ang umpisa ng golden edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF), kung saan sampung pelikula ang kalahok.
Star-studded ang karamihan sa entries ng 50th MMFF, at sadyang pinagkagastusan ng mga producer.
Read: MMFF 2024: Star power, plus factor sa pagpili ng official entries
Ngayong 2024 ay isang Pinoy movie pa lamang ang tinangkilik nang lubos sa takilya, ang Un/happy For You na nag-showing noong Agosto habang kasagsagan ng Ghost Month.
Ang nasabing reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto ay streaming na sa Netflix umpisa Nobyembre 14, Huwebes — isang araw matapos ipalabas sa mga sinehan ang Hello, Love, Again.
Kaya malamang na may comparison din sa box-office performance ng reunion movie ng JoshLia, at reunion movie ng KathDen.
Nambubulabog na rin sa ating diwa ang three-day concert na Grand BINIverse — Nobyembre 16-18 sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.
Hindi naman mutually exclusive ang BLOOMs at KathDen fandom, di ba?
Pakiwari natin, merong supporters nina Aiah, Maloi, Mikha, Colet, Jhoanna, Sheena, Gwen at Stacey ang manonood din ng pelikulang Hello, Love, Again.
