PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vilma Santos "binantaan" si Aga Muhlach sa kanilang reunion movie

Vilma Santos at Aga Muhlach, nag-reunite sa movie after 30 years
by PEP Troika
Published Nov 21, 2024
nadine vilma uninvited presscon
(From left) Nadine Lustre, Vilma Santos, and Aga Muhlach lead the powerhouse cast of the MMFF 2024 official entry Uninvited.
PHOTO/S: Gorgy Rula

JERRY OLEA

Tatlong dekada ang lumipas bago nagkasama uli sa pelikula sina Vilma Santos at Aga Muhlach.

May-December love affair ang kuwento ng pinagtambalan nilang Sinungaling Mong Puso (1992), sa direksiyon ni Maryo J. de los Reyes.

sinungaling mong puso

Kapagkuwan ay ginawa nila ang Nag-iisang Bituin (1994), sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
nag-iisang bituin

Ngayon na lang uli sila nagkasama sa MMFF 2024 official entry na Uninvited, sa direksiyon ni Dan Villegas.

Read: Vilma, Aga, at Nadine sanib-puwersa sa MMFF 2024 movie Uninvited

uninvited poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VILMA SANTOS ON REUINION MOVIE WITH AGA MUHLACH

“Noong kinonceptualize yung istorya nito, of course, alam namin na hindi madali ang istorya ng Uninvited,” pagsisiwalat ng Star for All Seasons sa engrandeng mediacon nitong Nobyembre 29, 2024, Miyerkules ng gabi, sa Solaire North, Quezon City.

“Initially, ang tawag pa nga namin dito, Project Red. Pero nung ni-lay out na nila yung istorya, hindi talaga madali, at talagang importante yung mga characters dun sa movie para maging epektibo.

“At nung nabuo na ito, nag-usap na kami nina Direk, ng team, wala talagang ibang choice to play Guilly.

“Talagang kung hindi, right away ang isang unang pangalan na ibinagsak — totoo ito, ha — Aga Muhlach.

“That’s why nung nadinig ko, na tumawag sa akin si Aga, and then sinabi niya na, ‘Ano, Vi? Totoo ba, gagawin nating pelikula ito? Totoo ba, gagawa tayo ng pelikula?’

“Tapos sabi ko, ‘Oo, Aga! Tanggapin mo dahil kung hindi, isosoli ko na yung kandila bilang ninang niyo ni Charlene [Gonzalez] sa kasal! Pag hindi mo tinanggap ito, ibabalik ko na yung kandila niyo ni Charlene,' kasi ninang nila ako sa kasal. 'Kaya tanggapin mo na ito dahil… gusto na kitang bakbakan!’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Yun yon, dun nag-umpisa yon. And now, eto na, tapos na yung pelikula namin.”

Sabi ni Aga, hindi niya puwedeng tanggihan ang isang pelikula na makakasama ang kaibigang si Vilma na nakakausap niya tuwi-tuwina. Tapos, andiyan pa si Nadine Lustre.

Ikinatuwa ni Aga na hindi niya romantic love interest dito si Nadine, kundi mag-ama ang papel nila.

Di ba, si Nadine ay gaganap na sana noon bilang anak niya sa MMFF 2019 topgrosser na Miracle in Cell No. 7?

Read: Bela Padilla, papalitan si Nadine Lustre sa Miracle In Cell No. 7

UNINVITED GRAND PRESSCON

Hindi basta mediacon ang payanig ng Uninvited sa grand ballroom ng Solaire North, kung saan ang mga “gatecrashers” ay pawang naka-formal black outfit.

Bago ang dinner at Q&A hosted by Robi Domingo and Kaladkaren, may pa-cocktails sa katabing function room na may mga mang-aawit. Sosi ang menu sa pa-dinner, ha?!

May giveaway na tote bag, kung saan merong poster ng movie, at plastik na patalim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagtatapos ng Q&A ay nag-toast si Ate Vi, at inanyayahan ang mga taong suportahan ang sampung official entries ng golden edition ng Metro Manila Film Festival.

uninvited toast
Photo/s: Mentorque Facebook

Kapagkuwan ay nagpaulan ng paper money, kung saan iyong mga dilaw ay papalitan ng cash.

Present sa grand mediacon ang Secretary of Finance na si Ralph Recto, at si Ryan Christian Recto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magiliw silang nagpalitrato sa Vilmanians.

UNIVITED SYNPOSIS

Ang official synopsis ng Uninvited, “Eva Candelaria (Vilma Santos) has been waiting for this day for the last ten years the birthday party of Guilly Vega (Aga Munlach), the billionaire who brutally murdered her only daughter a decade ago and escaped justice.

“Disguised as a socialite, Eva attends the opulent event with a single goal: revenge. As the night unfolds, she carefully stalks each person involved in her daughter's murder, inching closer to her ultimate target.

“But who is the true villain of her story? Is it Guilly or his daughter Nicole? Unarmed and without a concrete plan, Eva must make life-or-death choices as her options dwindle.

“Will she fulfill her mission, or will the night claim her life instead?”

Maliban kina Vilma, Aga, at Nadine, nasa cast ng Uninvited sina RK Bagatsing, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Gabby Padilla, Elijah Canlas, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ron Angeles, Nonie Buencamino, at Tirso Cruz III.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: MMFF 2024: Star power, plus factor sa pagpili ng official entries

NOEL FERRER

Kakaiba ang feeling kagabi!

Balik na ba talaga tayo sa mga bonggang launch at parties? Nakakapanibago.

Pero nakaka-excite din with what’s to come sa iba pang entries sa 50th MMFF.

Kung lahat ng nasa grand ballroom kagabi ay bibili ng tickets at manonood ng mga pelikula sa 50th MMFF, magandang senyales talaga yun!

Sana hindi sila hingi ng passes sana. Put your money where your heart is, kumbaga!

Sa laki ng ginagastos ng Uninvited, sana talaga mabawi nila ang investment nila sa pelikula!!!

Read: MMFF 2024 Final 5 official entries announced

GORGY RULA

Ayon sa Mentorque CEO na si John Bryan Diamante, andami nilang pinitch na story kay Vilma Santos pero tinanggihan lahat iyon ng Star For All Seasons.

Tinanong tuloy ni Sir Bryan si Ate Vi kung ano ba ang gusto nitong gawin.

Pagsisiwalat ni Ate Vi, gusto niyang gumawa ng isang pelikula na nangyari sa loob ng 24 oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na mag-uumpisa siyang maganda, matatapos siya, mukhang dilapidated na siya,” lahad ni Ate Vi.

“Yun ang gusto ko. Hindi ko alam yung gitna! Papaano mangyayari yun?!”

Ang nagsulat ng kuwento ay si Dodo Dayao. Ang mga kaganapan sa Uninvited ay within 48 hours.

A CHALLENGING, DIFFERENT ROLE FOR VILMA

Iyong pagiging dark ng story ng Uninvited ay malamang na maikumpara sa Tagos ng Dugo (1987), pero ibang-iba ang characters ni Ate Vi sa dalawang movies na iyon.

Pahayag pa ni Ate Vi kaugnay sa role niya sa Uninvited, “At this point in time of my career, ang hirap na akong humanap ng isang role na babagay sa edad ko, at yung role that will challenge me.

“Kasi sa more than 62 years in the industry, parang ang pakiramdam ko, ang dami ko na ring nagawang iba’t ibang klaseng character. E, yung iba, paulit-ulit na.

“So itong status ko ngayon, parang sabi ko… I don’t want to do a movie para sabihin nila na meron lang akong ginawang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung meron man akong gagawing pelikula, I will make sure na at this point of my career, and my age, I will make sure that I will do a movie that I think can still challenge me.

“And itong Uninvited at yung role ko, palagay ko kahit paano, na-challenge ako.”

Nilinaw ni Ate Vi na wala sa isip niyang ag-back-to-back siya sa pagiging MMFF best actress.

Siya kasi ang nagwaging best actress sa 49th MMFF para sa When I Met You In Tokyo.

“Ang gusto ko lang, makagawa kami ng isang magandang movie na kaya naming ipagmalaki lahat. Yun ang nasa isip namin,” pakli ni Ate Vi.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Nadine Lustre, Vilma Santos, and Aga Muhlach lead the powerhouse cast of the MMFF 2024 official entry Uninvited.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results