GORGY RULA
Bukas, December 6, 2024, ang National Unang Hirit Day kung saan ipagdiwang ng GMA-7 morning show ang kanilang 25th anniversary.
Pero ang isa sa nagpapasalamat na nananatili pa rin siya Unang Hirit at naki-celebrate sa anibersaryo nito ay si Arnold Clavio.
Hindi raw inakala ni Arnold na aabutin pa niya ito, pagkatapos dumaan sa matinding pagsubok sa kanyang kalusugan.
Noong Hunyo 2024 ay nagkaroon ng hemorrhagic stroke ang beteranong broadcaster.
Ito ang naging dahilan ng ilang linggong pagkaka-confine niya sa ospital at ilang buwang pamamahinga sa trabaho.
Read: Arnold Clavio recovering from hemorrhagic stroke
Para kay Igan, may misyon pa siya kaya ipinag-adya ng Panginoong mabuhay siya.
“Ang talagang na-feel ko is, 'Ba’t nandito pa ako?' Kasi nung nalaman ko na na-hemorrhagic stroke tapos na-Google ko two days to live… tapos eto pa, yung wall saka yung ceiling sa Fatima [hospital], all white.
“At that moment parang, as a sinner, ha? Parang naramdaman ko niyakap Niya talaga, na talagang kahit makasalanan ka, hindi ka Niya iiwan.
“Tapos si Jesus, yung parang reflection ko parang… kasi hindi siya biro, e. 'Bakit nandito ka pa rin?'
“So, ang sinabi ko na lang, dahil ang life expectancy naman ng Pinoy is 70 years old, I’m turning 60.
“So, ang 10 years ko talaga, 'Bahala Ka na,'” saad ni Arnold nang nakapanayam ng PEP Troika sa nakaraang media conference ng Unang Hirit.
Read: Arnold Clavio back to work after health crisis

NEW PERSPECTIVE IN LIFE
Ang lagi raw niyang ipinagdarasal ngayon ay bahala na ang Diyos kung ano gagawin niya.
“Gamitin Mo ako para ikalat yung pag-ibig Mo. Gamitin Mo ako para kung ano man yung gusto Mong gawin ko, suko na ako, hindi ko na kaya.
“Sinuko ko na talaga sa kanya,” pakli ni Arnold sa tanong namin kung paano niya ito ipinagdarasal sa Panginoon.
Dagdag niya, “So, itong 10 years ko, iba na yung pananaw ko about love, forgiveness. Talagang enjoy life lang ako.
“Masaya na ako na wala na yung hatred… kaya hanggang sa nag-post pa nga ako, death is beautiful. Para yung iba, huwag matakot.
“Yung attachment ba sa worldly things, wala talaga, hindi ko maramdaman.
“Talagang, biro mo aalis ako nun dadalawin ko yung mga anak saka… dalawa na lang kasi kami ng wife ko. May mga iba pa kaming gagawin.
“Pero at that moment, talagang sabi ko get ready, reding-ready na. Kaya nang nandito na ako ay… hindi naman sa parang hinihiling ko na kunin ka na.
“Pero hindi ko ipagpalit yung seconds na yun na He made me feel na how important I am, how He loves me, you know. Hindi ko talaga maipagpalit,” sabi pa ni Arnold.
Read: Arnold Clavio, lalong tumatag ang pananampalataya sa Diyos
NOEL FERRER
Nagpapasalamat din si Igan dahil marami raw ang na-inspire sa pinagdaanan niya.
“Yun ang lagi kong sinasabi ko sa sarili ko na it’s a blessing.
“Kung second life, it’s a blessing sa akin na you know na binibigyan ka ng pagkakataon na magsisi.
“Binigyan ka ng pagkakataon na i-correct mo yung mga mali mong nagawa.
“Ito, inspiring. Kasi nung pinost ko ito, marami talaga ang nagpa-check up, 'no?
“Marami nalaman na hypertensive sila, marami ang nag-ingat sa pagkain nila. Marami kang na-inspire to prolong ng kanilang buhay.
“Kaya ako naman e, gagamitin ko ito to serve Him, dahil it’s talagang thank You, Lord ang bait niya e,” saad in Arnold.
JERRY OLEA
Sana ay pumasok sa diwa ng mga tao itong ika-25 anibersaryo ng Unang Hirit.
Sa ngayon kasi, panay-panay ang hirit at essays ng netizens at mga marites sa “that was so hot” issue nina Maris Racal, Anthony Jennings, at Jam Villanueva.
Read: Anthony Jennings, Jamela Villanueva, Maris Racal: The unfinished tale of a messy breakup
In full swing na dapat ang promo ng sampung official entries sa 50th Metro Manila Film Festival, pero ang pumukaw nang lubos sa pansin ng mga Pinoy ay ang “smoke then f*ck” talastasan at bardagulan na Jam x MaThon.
Kakasuhan ba ni Maris o Anthony si Jam? Sakaling kasuhan nila, saan pupulutin ang sweater?
Ligwak na ba sina Maris at Anthony sa promo ng MMFF 2023 entry na And The Breadwinner Is? Tatanggalin din ba sila sa poster ng movie?
What about sa Incognito na nakatakdang mag-streaming sa Netflix sa Enero 17, 2025?
Paano na ang baby kisses at ang mga produktong ineendorso ni Maris o ni Anthony? “I’ll touch myself na lang…”
Read: Jamela Villanueva, posibleng ireklamo sa paglabag sa Data Privacy Act
