PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Toni Gonzaga, nakipag-meeting kay Charo Santos; balik-ABS-CBN na?

Toni Gonzaga, na-interview si Vic Sotto para sa Toni Talks.
Published Dec 8, 2024
toni gonzaga charo santos meeting
Netizens have mixed reactions to Toni Gonzaga's post showing her recent meeting with ABS-CBN executive Charo Santos. Some are asking, "Will Toni return to the Kapamilya network?"
PHOTO/S: Toni Gonzaga Facebook

GORGY RULA

Natuwa ang followers ni Toni Gonzaga nang ipinost ng actress-TV host at vlogger ang meeting nila ni Ms. Charo Santos, kasama ang mister ni Toni na si Paul Soriano, noong nakaraang linggo.

Nasa caption ng Facebook post nito, “Missed you, Ma’am Charo Santos! Great meeting and lunch with you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-comment pa ang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga ng “Exciting.”

Read: Toni Gonzaga: unbothered by controversies, uncowed by critics

WILL TONI GONZAGA RETURN TO ABS-CBN?

Karamihan sa mga nagkomento ay sinabing nami-miss na raw nilang mapanood ang hosting ni Toni sa telebisyon.

May nagtatanong din kung babalik siya sa Pinoy Big Brother ng ABS-CBN.

Pero meron ding mangilan-ngilang nagkomento na tila may panunuya kay Toni. May nagsasabing nagmamakaawa raw itong magkatrabaho uli sa Kapamilya network.

Hindi naman kasi kaila sa marami na pinag-usapan nang husto ang pag-alis ni Toni sa bakuran ng ABS-CBN noong 2022.

Read: Toni Gonzaga not returning for good to PBB: "Feeling ko, may mga bagong magagaling na na-hosts…”

Nakausap ng PEP Troika ang ilang taong malapit kay Toni.

Nilinaw nilang si Ma’am Charo ang nagpatawag ng meeting na yun over lunch.

Ang hindi lang malinaw ay kung ano ang pinag-usapan, pero mas marami ang natuwa sa pagkikita nilang dalawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May nagtatanong kung meron nga bang nilulutong project para kay Toni.

Wala pang maisagot ang TV host-actress tungkol diyan.

JERRY OLEA

Nai-inspire si Toni Gonzaga sa pagtangkilik ng netizens sa kanyang YouTube channel.

Mas marami pa raw aabangang stories na ipi-feature niya.

Isa na rito ang interview niya kay Vic Sotto, para sa promo ng MMFF 2024 entry nitong The Kingdom.

toni gonzaga vic sotto
Vic Sotto and Toni Gonzaga with their respective families
Photo/s: Toni Gonzaga Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Toni: “Super happy to sit down with Bossing for the first time and he welcomed us sa kanyang bahay.

“Masaya yung interview, kasi first time ko siya makausap nang ganun katagal.

“Nag-open up siya about his movie, kung bakit siya napapayag, being a father at his age now, and yung pinakamasakit na nangyari sa kanyang showbiz career.

“Madami pa siyang na-open up na nakakatuwa kahit tapos na yung interview, ang dami pa niya naikuwento sa akin.

“Ngayon ko lang nakakuwentuhan si Bossing nang ganito. Ang dami kong natutunan sa kanya.”

Si Toni ay dating co-host ng Eat Bulaga! kung saan si Vic ang isa sa pioneer hosts.

Read: Toni Gonzaga sets foot in Eat Bulaga! again after 17 years

NOEL FERRER

Kakaibang Vic Sotto ang matutunghayan sa MMFF 2024 entry na The Kingdom.

Nakipagkabugan si Bossing Vic ng drama kay Piolo Pascual, pati kina Sid Lucero, Cristine Reyes, at Sue Ramirez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi siya nagpatawa.

Sa grand mediacon ng The Kingdom noong Nobyembre 29, Biyernes, sa Novotel Hotel, Quezon City, magiliw na sinagot ni Bossing ang mga tanong sa kanya.

vic sotto top-bills The Kingdom
Comedian Vic Sotto plays his first serious role in a movie via The Kingdom.
Photo/s: PR; Jerry Olea

VIC SOTTO'S STATE OF THE KINGDOM ADDRESS

Inusisa ni Janiz Navida kung ano ang mensahe niya para sa mga mamamayan kung siya ang magbibigay ng State of the Kingdom Address.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang mensahe niya para sa ating bansa, sa mga tao, at sa mga lider na nakapuwesto?

Tugon ni Bossing Vic, “Let’s be proud that we are Filipinos. Makikita natin dito sa pelikulang ito yung pinanggalingan ng ating lahi.

“Sabi nga, di ba, kung hindi tayo na-colonize ng mga Spaniards at ng mga Americans, eto sana tayo ngayon.

“Mas makikita mo, mas maa-appreciate mo iyong salitang Filipino, and you will be proud that you are a Pinoy.”

E, para sa mga lider ng bansa, ano ang nais niyang iparating?

“OK naman sila, e! Basta, OK sila!” natatawang bulalas ni Bossing Vic.

Read: Vic Sotto first serious film ang The Kingdom; paano napapayag?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens have mixed reactions to Toni Gonzaga's post showing her recent meeting with ABS-CBN executive Charo Santos. Some are asking, "Will Toni return to the Kapamilya network?"
PHOTO/S: Toni Gonzaga Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results