PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MJ Lastimosa, nagtaka sa pagkakadawit sa isyu ng celebrity couple

MJ Lastimosa: “Pinagselosan ako? Ano ba kasi ang ginawa ko?”
by PEP Troika
Published Dec 20, 2024
mj lastimosa taiwan killer hospital
Beauty queen-actress MJ Lastimosa on being dragged into a controversy involving a celebrity couple: “Ako ba talaga? E, hindi naman kami magkakilala. Sure ba kayong ako yun? Baka mamaya naman… o baka may mga relationship din na mga selosa lang talaga yung partner?”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Wala umanong kamalay-malay ang beauty queen-actress na si MJ Lastimosa na nadamay ang pangalan niya sa mainit na pinag-usapang isyu sangkot ang isang celebrity couple.

Ewan ko kung legit, pero kumalat ang diumano'y screenshots kung saan nabanggit ang initials na "MJ."

Maraming netizens ang nag-assume agad na ang tinutukoy na "MJ" ay ang Miss Universe Philippines 2014 titleholder.

Read: Is this MJ Lastimosa’s answer to Nawat Itsaragrisil’s rant against her?

Nagulat si MJ nang tinanong siya ng PEP Troika tungkol dito sa presscon at premiere night ng kinabibilangan niyang MMFF 2024 entry, ang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, na ginanap sa SM Megamall, Huwebes, December 19, 2024.

Sabi ni MJ, minsan lang sila nagkita ng celebrity couple na naiisyu ngayon, at hindi naman siya close sa mga ito.

“Wala akong encounter with them. Yung first and last encounter ko with them was in LA [Los Angeles], nung na-invite ako sa mansion nila. Pero after that, wala naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bakit, anong nangyari?" tanong ni MJ sa amin, na wala umanong kaalam-alam sa nangyari at nadawit siya sa isyung ito.

Tanong pa niya ulit, “Pinagselosan ako? Ano ba kasi ang ginawa ko?”

Lalo siyang nawindang nang sinabi naming “maitim” at “dugyot” ang paglalarawan sa "MJ" na nabanggit sa screenshots.

“Hoy, grabe naman yung maitim!” bulalas ni MJ, na parang hindi yata narinig nang binanggit namin yung “dugyot.”

Natatawang dagdag niya, “Kahit maitim, hindi ko siya ikinahihiya. Kaya nga nagbi-beach pa ako para umitim pa lalo!”

Takang-taka si MJ kung bakit siya siya nadamay sa isyu.

“Ako ba talaga? E, hindi naman kami magkakilala. Sure ba kayong ako yun?" hindi makapaniwalang sabi ni MJ.

"Baka mamaya naman… o baka may mga relationship din na mga selosa lang talaga yung partner.”

Read: MJ Lastimosa replies to basher's "retokada" comment: "Yes, I can afford."

JERRY OLEA

Kahit active sa social media si Mareng MJ Lastimosa, wala naman daw nag-tag sa kanya sa kumalat na screenshots — na hindi kumpirmado kung legit o hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya nagdududa ang beauty queen-actress kung siya ba talaga yung tinutukoy na "MJ" sa screenshots.

MARY JANE VELOSO

“Actually, iba yung tina-tag sa akin, yung may Mary Jane Veloso, tapos yung picture ko yung nilagay.

"‘Welcome home Mary Jane’, tapos picture ko!” natatawa pa ring sabi ni MJ.

Ang tinutukoy na "Mary Jane Veloso" ay ang Pinay na nakulong ng 14 taon sa Yogyakarta, Indonesia, dahil sa kasong drug trafficking, mula pa noong 2010.

Nahatulan siya ng bitay sa pamamagitan ng firing squad, ngunit nabigyan siya ng temporary retrieve noong 2015.

Nakabalik siya ng Pilipinas nito lamang Disyembre 18, 2024.

Read: Mary Jane Veloso to return to the Philippines before Christmas

TAIWAN KILLER HOSPITAL

Deadma na lang daw si MJ sa isyu dahil mas excited siya sa MMFF 2024 official entry na Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.

Kahit nakakatakot ang mga eksenang ginawa nila, nasisita pa rin daw siya dahil lumalabas ang pagiging model niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
strange frequencies cast
(From left) Producer Dondon Monteverde with cast members Enrique Gil, Rob Gomez, Jane de Leon, Alexa Miro, MJ Lastimosa, Raf Pineda, and Zarckaroo
Photo/s: Gorgy Rula

Kuwento ni MJ, “Sobrang nakakatuwa itong film na ito, kasi hindi siya directed by, di ba? It’s a meta horror.

"So, talagang gina-guide lang kami na, ‘Ito sana yung gusto naming gawin niyo, pumunta kayo sa floor na ito,’ ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pagdating namin dun, kami na lang, e. Flashlight at yung camera lang yung baon ko, parang wala talagang crew na nagsasabi sa amin…

"Alam mo yung pag nagsu-shoot ako, naaalala ko talaga yung first MMK ko.

“Pinaulit-ulit ako ng rampa, kasi rumarampa daw ako, hindi raw ako naglalakad. E, kasi ganun yung lakad ko.

“Eto, walang take 2, walang take 3. Pagpasok namin dun, kung ano ako, ako na talaga yun. Kung ano yung reaction ko pag natakot ako, yun talaga yun.

“It’s a film but, at the same time, totoong-totoo siya. Reality siya at the same time.

"Iyon yung I think mas kaabang-abang and sobrang excited din ako… kasi nung napanood ko, medyo raw pa siya.

“Hindi ko pa siya talaga napapanood na finished na. So, excited din akong mapanood,” kuwelang pahayag ni MJ bago ang premiere screening.

Read: Ibang MMFF 2024 entries, may apela sa bilang ng mga sinehan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Kuwento ng magkakabarkadang nag-ghosthunting sa ibang bansa ang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.

“Napakaganda nung experience na nagkaroon muna kami ng fun nights bago kami sumugod sa Xinglin Hospital,” sabi ni MJ Lastimosa.

“Kasi doon, medyo nag-warm up na. Nakilala namin yung isa’t isa. Nakapagkuwentuhan na ng mga personal life.

“Kasi individually, iba-iba talaga yung mga experiences namin. Although ako naman, na-train na rin naman talaga ako to be thrown at a situation na ako na lang mag-isa.

“Siyempre sa Miss Universe, I have to do my own hair and make-up. Pumunta ako sa ibang bansa, iba-iba yung lengguwahe ng mga taong nakakasama ko.

“So it’s nothing new, but this time it’s a different scenario in a sense na may content kaming gagawin.

“And eto talaga, yung takot ko, hindi ko akalain na totoo! Kasi hindi ko naman in-expect na papasok ako sa isang place at mag-isa lang ako!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos in the middle of the night na parang, hahhh, yung mga iyak, talagang totoong-totoo yung iyak.

“Kasi siyempre it’s not… you know… it’s not usual to be na place na totoong haunted at hindi mo alam kung ano ang ie-expect mo.

“So yung ano, parang survival and, at the same time, napakabuting tao rin naman yung mga nakasama ko.

“Si Quen, nakatrabaho ko na rin naman before. So, may ease na rin and yung talagang pagtutulungan namin na gusto naming ma-survive na lang talaga yung place nung haunted hospital na yun.”

Maliban kay MJ, nasa cast ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital sina Enrique “Quen” Gil, Alexa Miro, Jane de Leon, Rob Gomez, Raf Pineda, at Zarckaroo.

Prinodyus ito nina Dondon Monteverde, Direk Erik Matti, at Enrique Gil.

Read: MMFF Chair Don Artes: "This is the best lineup so far ng MMFF."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty queen-actress MJ Lastimosa on being dragged into a controversy involving a celebrity couple: “Ako ba talaga? E, hindi naman kami magkakilala. Sure ba kayong ako yun? Baka mamaya naman… o baka may mga relationship din na mga selosa lang talaga yung partner?”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results