PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jennylyn Mercado, Kapuso pa rin; full support kay Dennis Trillo

Jennylyn, mugto ang mata matapos mapanood ang Green Bones
by PEP Troika
Published Dec 23, 2024
Jennylyn Mercado shows full support to Dennis Trillo
Jennylyn Mercado mugto ang mata matapos mapanood ang Green Bones: “Wala akong masabi sa pelikula na ito. Grabe! Ang galing ni Dennis. Ang galing din ni Ruru. Ang galing ng lahat. Bakit hindi niyo ako ginawang extra dito?"
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Mugto ang mga mata ni Jennylyn Mercado pagkatapos maipalabas ang pelikulang Green Bones nang magpa-premiere night ito noong Biyernes, December 20, 2024 sa SM The Block, Quezon City.

Read: Fearless forecast: MMFF 2024 top 4 entries sa box office

Parang nahiya pa raw siyang purihin ang asawa niyang si Dennis Trillo na magaling sa pelikulang ito.

“Wala akong masabi sa pelikula na ito. Grabe! Ang galing ni Dennis.

"Ang galing din ni Ruru. Ang galing ng lahat. Bakit hindi niyo ako ginawang extra dito?

"Binigay niya lahat, e. Magaling talaga sila e,” sambit ni Jennylyn habang inaalalayan siya ni Alessandra de Rossi pababa.

Bahagi rin si Alessandra sa pelikulang ito, kasama sina Ronnie Lazaro, Mikoy Morales, Royce Cabrera, Sofia Pablo, Sienna Stevens at ang Cinemalaya Best Actor Enzo Osorio.

Bianca Umali and Ruru Madrid
Bianca Umali and Ruru Madrid
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON GREEN BONES

Ayon kay Jennylyn, tamang-tama sa panahon ngayon ang mensaheng gustong ipahatid ng pelikulang ito.

“Realization na lahat ng bagay, may second chance. Lahat tayo, may second chance, may kabutihan sa puso.

“Tapusin na yung mga giyera sa loob ng ating mga puso, kalimutan ang lahat na mga problema, maiksi yung buhay, magmahalan tayo,” dagdag ni Jennylyn.

Pero napangiti na si Jennylyn na ibinalita sa aming mananatili siyang Kapuso.

Dennis Trillo and Jennylyn Mercado at Green Bones premiere night
Dennis and Jennylyn
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JENNYLYN MERCADO ON UPCOMING GMA PROJECTS

Nakapag-renew na raw siya ng kontrata sa GMA 7. “Oo naman! Napirmahan ko na yung kontrata. Siyempre, Kapuso pa rin naman ako,” bulalas niya.

May sisimulan na raw siyang isang drama series sa susunod na taon.

“Next year may gagawin pong soap, pelikula at may lalabas din po na album, under GMA pa rin siyempre,” sabi pa ng Kapuso actress.

Read: Metro Manila Film Festival 2024: Entries, lead cast, synopses

NOEL FERRER:

Natuwa rin si Dennis Trillo na nanatiling Kapuso ang kanyang asawa. Nagpapasalamat siya sa GMA-7 na pinayagan silang makipag-co-produce dito sa Green Bones, ang production house nila ni Jennylyn na Brightburn Entertainment.

“Ito yung first co-prod ng kumpanya at napakasuwerte namin na tinanggap kami ng GMA Pictures, ni Miss Nessa, Miss Annette Gozon, dahil napaka-special talaga ng project na ito.

"Talagang lahat, pinaniniwalaan namin na feeling namin, maganda yung potential,” pakli ni Dennis.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aminado ang aktor na nahirapan siya sa paglalagare sa shooting ng Green Bones at ng Pulang Araw na magkaibang-magkaiba ang karakter na ginagampanan niya.

Sobrang bad niya bilang si Col. Yuta Saitoh sa Pulang Araw, at nag-aral pa siyang magsalita ng Hapon.

Sa Green Bones naman ay masama rin siya na naging mabuting tiyuhin ni Sofia Pablo na isang deaf mute.

Nag-aral pa siya ng sign language. Kaya challenging sa kanya ang mag-shift ng role na ginagampanan niya.

“Sa totoo lang, medyo mahirap sa umpisa pero kapag nasanay ka na, ilang araw na akong naglalagare from Pulang Araw papunta dito sa set ng Green Bones.

"And sa tingin ko, habang ginagawa ko yun, nasanay na rin ako.

"Akala ko nung una, parang magiging rest day ko yung shooting ng Green Bones from Pulang Araw.

"Pero iba pala dahil mabigat ang bawat tinginan, ang bawat senyales. Ang bawat voice over kailangan talaga kapani-paniwala, at dun pa lang compelling na talaga lahat,” saad ng Kapuso actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang pumuri sa kanyang malaki ang tsansang maging Best Actor siya rito.

“Sa totoo lang, ngayong season na ito, ayoko nang ma-pressure na makipaligsahan, makipaggalingan sa mga tao, gusto ko lang tutal ito ang 50th edition ng Metro Manila Film Fest, magaganda yung entries.

“Gusto ko i-enjoy ng lahat ng tao ang mga pelikula dahil I’m sure, lahat iyan, pinaganda para sa lahat ng mga manonood,” sabi pa ni Dennis.

Read: MMFF 2024 grand media and fan con sidelights

JERRY OLEA:

Naluluha-luha rin si Bianca Umali pagkatapos mapanood ang Green Bones. Masaya siya para kay Ruru Madrid dahil nakita niyang pinaghirapan ni Ruru ang role nito bilang pulis na si Xavier Gonzaga.

“Sobrang proud po, kasi lahat na biyaya na meron siya ngayon, deserved niya ito at alam kong pinaghirapan niya ito.

“Lahat ng ginagawa niya, mula sa puso na ginagawa and I’m so proud kasi napakagaling ng kinalabasan. And hindi na ako makapaghintay na makita pa ng maraming Pinoy ang pelikulang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Isa ito sa talagang mag-e-establish kung ano ang pelikulang Pilipino sa panahon ngayon,” pahayag ni Bianca.

Hindi nagdiriwang ng Pasko sina Ruru at Bianca dahil pareho silang miyembro ng Iglesia Ni Cristo.

Pero ngayong holiday daw ay may time na silang magsama, kahit abala pa sa promo si Ruru para sa Green Bones.

Matagal-tagal na rin daw kasing hindi sila nagkikita.

“Ngayong holiday, kailangan namin mag-reconnect kasi hindi po kami nagkikita sa totoo lang dahil ginagawa niya ang Lolong, at ako naman ay tinatapos ko po ang Sang’gre.

“Kaya kalaban po namin yung oras sa relasyon namin ngayon.

"Pero sa holiday na ganitong season naman, e kahit papano ay mahanapan namin ng oras ang isa’t isa,” napangiting sambit ni Bianca.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennylyn Mercado mugto ang mata matapos mapanood ang Green Bones: “Wala akong masabi sa pelikula na ito. Grabe! Ang galing ni Dennis. Ang galing din ni Ruru. Ang galing ng lahat. Bakit hindi niyo ako ginawang extra dito?"
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results