PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pretty Actress, balik-trabaho pagkatapos manganak

Pretty Actress, nagsilang na ng malusog na baby boy.
by PEP Troika
Published Jan 5, 2025
blind item pretty actress
PHOTO/S: Canva

GORGY RULA

Pinaghandaan ni Pretty Actress ang pagbabalik niya sa telebisyon pagkatapos niyang mawala ng halos isang taon, dahil sa napabalitang nagdalantao ito.

Nagulat ang ibang production staff nang nakita siya sa rehearsal dahil parang hindi raw siya nanganak. Ang payat at ang ganda pa rin.

Read: Aktres na produkto ng talent search, buntis

Nailuwal na raw ni Pretty Actress ang bunga ng pagmamahalan nila ng guwapitong non-showbiz boyfriend.

Sabi ng ilang napagtanungan ng PEP Troika, bago mag-Pasko ay iniluwal na ni Pretty Actress ang isang malusog na baby boy.

Halos isang buwan din siyang nagpahinga at nag-alaga sa baby, at ngayon ay back to work na siya.

PRETTY ACTRESS GETS ANOTHER CHANCE

Ang maganda lang dito, binigyan siya ng kanyang management team ng isa pang pagkakataon dahil promising ang batang ito.

Magsilbing leksiyon sana sa kanya itong pinagdaanan niya.

At ngayong may baby na siya, dapat lalo siyang magpursigi at ma-inspire magtrabaho at mag-ingat na sa susunod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami sa mga sikat at magaling na aktres na dumaan din sa ganoong karanasan, pero nakabalik at lalo pang gumanda ang showbiz career.

Sana, ganoon din ang mangyari kay Pretty Actress.

JERRY OLEA

Ngayong Linggo, Enero 5, The Epiphany of the Lord… muling masisilayan ng televiewers si Pretty Actress.

Magiging busy siya sa pagpo-promote ng bago niyang TV program na malapit-lapit nang mapanood.

Angkop sa Pretty Actress ang title ng kanyang comeback project.

Ibang-iba ang kuwento niyon sa isang biographical psychological drama film na ipinalabas mahigit apat na dekada na ang lumipas.

Sitsit ng mga manang badiday, ang darling daddy na nakajontildz kay Pretty Actress ay sakdal husay kumaldag.

Read: Showbiz couple, tahimik na nagkabalikan; young couple, break na?

NOEL FERRER

Oh well, sana with her new show, maaahon siya sa pagiging da hu.

At tingnan natin kung matatabunan ng kanyang husay sa pagganap ang anumang pinagdaanan niya sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hoping na sana, with her personal experience, ay mas malalim ang pinaghuhugutan niyang balon para sa kanyang pagiging artista!

Good luck!

Read: Gandarang aktres, may bagong property sa isang exclusive village

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results